9-Last stay

135 14 0
                                    

Kia's POV

"Ahemm." marahan akong tumikhim para maagaw ang atensyon niya habang nagpepedal. Okey lang kung di niya ako sasagutin basta alam ko lang na nakikinig siya.

"Salamat nga pala..sa..ahmm..sa lahat." nauutal kong sabi habang nakaangkas ako sa bisikleta niya. Ang ackward naman nito.
"Bilang pagpapasalamat sayo sa pagpapatuloy saken, hayaan mong kahit ngayong gabi lang babawi ako sayo. Ako na magluluto, ahahaha chief cook ata yung tatay ko." pinilit kong pasayahin yung tinig ko kahit nanginginig na ito sa kaba. Ang daldal ko lang kasi! Pero kahit ngayong gabi lang, gusto kong magpasalamat sa kanya.

Di sya sumagot. Tanging buntunghininga lang ang naramdaman kong itinugan nya.

"R-Rukawa." pagsisimula ko na namang basag ng katahimikan ng makumpirmang wala siyang balak magsalita.

"Pupunta ka ba talaga sa America?" biglaang tanong ko sa kanya.

Kung nasa harapan lang ako'y alam kung kaunting nagulat sya sa tanong na iyon.
Patungkol sa reyalidad kong buhay, si couch Anzai lang at siya ang nakakaalam nun.
Liban sa mga nanood sa kanila at sumusubaybay sa kanilang kwento.

Wala na kasi akong ibang gustong idaldal sa kanya, kundi ang tanungin ang bagay na iyon.

Napansin ko ang biglaang pagpapahinto niya sa bisikleta. Kaya nagtaka ako. Mali ata yung natanong ko sa kanya?

"Taga san kaba talaga?" seryoso nyang tanong habang di ako tinitignan.

"A-huh?!" patay na!! ako na nagtanong, tinanong pa.

"Ahh taga..ahmm?" wala naman talaga akong maalala.

"Ewan." takte! yun lang ang nasagot ko. Wala naman kasi akong alam na lugar na maaaring maipagsinungaling ko sa kanya.

"Ahahaha nevermind. Sige na magpedal kana, para makauwi na tayo. Nagugutom na kasi ako." at saka pumeke ako ng tawa.

"Tssk." yun lang ang narinig ko sa kanya at nag pedal na kaagad.

Kung magsinungaling man ako ng lugar na maaaring dun ako nakatira baka paghinalaan niya akong stalker niya ako at maisipang di nalang ako patutuluyin sa kanila dahil baka may masama akong balak sa kanya. Pero di pwede yun, wala na akong ibang mapupuntahan liban sa bahay niya. At isa pa, last stay na tu at wala ng susunod.
Baka maweirduhan pa siya sa mga sinasabi ko gayong pati ako'y nababaliw na kakaisip panu ako napunta sa mundo niya.

Pero alam kong sa katulad ni Kaede Rukawa, wala siyang pakialam sa buhay ng ibang tao.

"Ouh cge magpahinga kana lang muna dyan. Gigisingin nalang kita kapag natapos nakong makapagluto." Ang fc ko lang talaga.
sabay naglakad na ako papunta sa kusina. Napansin kong pumasok na siya sa kwarto niya kaya diko na inantay na may balak pa yung umimik.
Dumiritso na ko sa ref para makakuha na ng pagkaing maaaring lutuin ko ngayon.
Nagulat pa ako ng kaunti ng makitang andaming nakaimbak na pagkain.
Kaya walang pagdadalawang isip na kumuha na ko at magsimula ng magluto.

"Siguro kong ako ang nasa kalagayan niya ngayon, madedepress siguro ako. Di maipagkakailang ang lungkot nang buhay niya gayong nag iisa, pero diko iyon makita sa mukha niya lalo pa't wala syang ibang pinapakitang ekspresyon kundi ang pagiging cold at seryoso."
napabuntunghininga nalang ako sa mga sinasabi ko habang abala ako sa pagluluto.
Panu ba naman kasi ang mabuhay mag isa?
Minsan nga nahihiling ko nalang sa sarili kong sana maging bola na lang ako na palagi niyang nakakasama at nahahawakan. At ang pinaka maswerte pa, handa kang protektahan para di maagaw ng iba.
Hayystt ang saklap lang selp! Tao tayo, hindi kami bagay. este hindi ako bagay

Pagkatapos kung makapagluto ay inilapag ko na sa mesa ang mga ito upang tawagin na si Rukawa para kumain.

Nakita ko na naman syang nagpapaikot lang ng bola sa kanyang kamay habang nakatingin nalang sa kung saan. Akala ko kasi tulog.

Your Fictional WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon