5-Sketch

163 15 0
                                    

Kia's POV

"Kiaaa! d-dyan ka langgg!!"

"I-ilaw ng sasakyan?!

"Aaahhhh!!-" napabalikwas agad ako sa higaan.

"Bat ba palagi akong dinadalaw ng bangungot na yun?!" inilibot ko yung paningin ko sa kinaroroonan ko. Nasa sala parin ako.
Pero napansin kung may kumot na akong dala. "Unan lang naman kinuha ko kagabi ah."
Kaagad na akong bumangon at naglakad patungo sa kusina. Uminom ako ng tubig at pinakalma muna sandali yung sarili ko.

Napansin kong parang ako nalang yung tao dito.
"Anong oras naba?!" sabay tingin ko sa orasan.
"8:50 na. Sa'n kaya si Rukawa?"
Sinimulan kong maghanap dito sa sulok ng kusina, bumalik ako sa sala, at kumatok na rin ako sa kwarto niya pero di naman ito naka lock at wala naring tao.

Na curious ako ng sobra sa kwarto niya. Nag alinlangan akong pumasok, luminga linga muna ako sa paligid baka kasi bigla nalang yung sumulpot. Nagmukha tuloy akong magnanakaw sa ginagawa ko.
Pero sisilip lang naman ako sandali, wala namang mawawala.

Pagkuway pumasok na ako, hinayaan ko lang na nakabukas yung pinto.

"Wow! ang linis ng kwarto niya." di na iyon maipagkakaila kasi pati buong bahay nga dito'y malinis din.
Kulay dark blue yung kama niya, isang lampshade, at study table. Ganun din yung ayos gaya nung kabilang kwarto. May cabinet din dito,
at nakahilera ring mga sapatos. May nakahanay din na mga libro, gaya ng library. Pero isang bookshelve lang. Sa ibabaw dito'y may mga medalya at trophy sa basketball. Mga larawan niya sa pagkapanalo, pero pati sa picture ang cold parin ng mukha.
"Di maipagkakailang, andami ngang humahanga sayo. Ang gwapo mo kasi, ang galing galing pang mag basketball. Kaya tuloy dumami jologs mo." Hahahha. parang baliw lang ang peg selp, kinakausap ko na kasi yung picture niya.

Mas gwapo nga pala sya sa personal. Idagdag mo pa yung height niya, yung perfect shape nyang mga panga, yung matangos niyang ilong at yung attractive niyang kilay. Parang idinrawing lang.

Pero oo, drawing lang naman sya dibah?! Pero ba't ganito?! Ano tung mga nangyayari? Ba't nakakaharap ko siya, nakakausap?!

"Arayy.." napahawak tuloy ako sa ulo ko. Naramdaman ko kasi ang biglang pagkirot nito.

Nilibot ko pa yung mga mata ko sa buong kwarto. At natigilan ako ng makita ko yung isang sketch.
Sketch ng nakatagilid na mukha ng babae at may pirma ito sa baba.
"Kaede Rukawa"

"S-sino tu?! K-kamukha k-"
katabi ng sketch ay isang malaking salamin.
Tinignan ko yung sarili ko sa salamin, iginilid ko pa ng kaunti yung mukha ko.

"Ano tu?! kamukha ko yung babae?! Sino sya?!"

Mukha lang ng babaeng nakatagilid, mahaba yung buhok niya na tila nakalugay at nakatuntong sa ulo nya ang parang koronang bulaklak. Bulaklak ng cherry blossom.

Napahanga ako sa pag kaka sketch ng mukha. Ang ganda ng babae, matangos ang ilong niya at ang hanep ng pagkaka sketch sa kanyang mata.
Di maitatangging si Rukawa nga ang gumuhit nun dahil may pirma pa niya sa ibaba.

Nakalabas na ako sa kwarto niya. Diko na masyadong binigyan ng pansin yung sketch. Kasi siguro kamag-anak niya lang yun na kahawig ko din ng mukha.
"Hayyst ang assuming naman kasi selp."

Bumalik na ako sa sala at kinuha ko yung unan at kumot para iligpit ito sa kwartong tinutuluyan ko.
"Nasa paaralan na siguro sya."
Ibinalik ko na yung unan at kumot sa kama nang mapansin ko yung damit na tila nakahanda sa study table.

Kinuha ko ito. Kulay pink na t-shirt at isang black na jogger. May isang papel rin ang nakaloob nito kaya binasa ko yung nakasulat.
"Oh eto. Magbihis ka. Kumain ka bago ka umalis." Napangiti nalang ako sa nabasa ko.
"Pati sa papel ang cold parin."
Binilang ko pa yung salitang nakasulat.
Siyam na salita. Di pa talaga pina abot ng sampu. Hahahha

Your Fictional WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon