6-The MVP

192 14 0
                                    

Third Person

"KAEDE RUKAWA!" halos pasigaw na banggit ng guro sa kanyang pangalan. Halatang galit na galit na ito sa harapan ng kanyang mga estudyante. Mas rinig na rinig pa kasi yung paghilik ni Rukawa kaysa paglelecture ng matandang lalaking pandak nyang guro.
Kaya minsan bumabagsak ito sa ibang mga subject ay dahil wala itong ibang ginagawa kundi ang matulog sa buong klase.

"Rukawa..hoii.Rukawa, gumising kana. Nagagalit na si teacher." panggigising ng isa nyang kaklaseng babae.
"Kaede Rukawa." sabay yugyog pa ng isa sa balikat nito.
Hindi ito sumagot pero nagising na. Papikit pikit pa nyang binuksan yung kanyang mga mata pero agad namang pumikit ulit at bumalik sa pagkakatulog sa mesa.
Dina nakatiis yung guro nya at ito na mismo ang lumapit sa kinauupuan ni Rukawa.

"IKAW TALAGANG BATA KA! PALAGI KA NA LANG NATUTULOG SA KLASE KO!" pasigaw nitong sabi habang pinaghahampas si Rukawa ng pamaypay.
Kaya nagising ito. At agad tumayo.
Dinungawan nya lang yung guro nya dahil sa katangkaran ni Rukawa. Tumingin lang ito ng seryoso at..sinabing..

"Kahit teacher ka'y wala kang karapatang gambalain ang pagtulog ko." cold nitong sabi na mas ikinagalit na lamang nito. Agad namang naglakad palabas si Rukawa sa pintuan habang naiwan yung guro nyang para ng bulkang nag aaliburoto sa pagsabog.

Kia's POV

Nasa loob ako ng Shohoko campus ngayon. Di na man ako sinita ng nagbabantay kaya nga siguro pati mga outsiders dito'y nakakapasok rin, gaya nalang cguro ng mga gangmate ni Mitsui nung una na nakapasok din sa loob ng gym. Pero nakaraan na yun. Di na siya ang dating Mitsui.
Siguro matatawag ko na rin yung sarili kong outsider dahil di naman ako taga rito at isa pa'y di ako naka uniform. Nakakahiya.. Kaya pinagtitinginan ako ng mga estudyanteng nadadaanan ko.
Wala naman akong naririnig na bulung bulungan kumpara sa ibang school pero kapag tinignan mo yung mga mata nila'y nagtatanong ito ng "sino sya?". Diko na lamang iyon pinapansin.
"Wag kayong mag alala, sa gym lang naman yung punta ko." nasabi ko nalamang sa sarili.

Habang nilalakad ko yung daang tinatahak ko, diko mapigilang libutin yung tingin ko. Hinahanap ng mga mata ko si Rukawa.
Nagbabakasakaling makita ko siya sa mga sandaling yun. Diko rin nakikita yung mga Shohoko basketball team, siguro class time pa nila. Pati rin sina Sakuragi at yung mga kaibigan nya, namiss ko tuloy yung pulang manok na yun.

"Arayy!-" napasigaw nalamang ako bigla ng mabangga ako ng poste. Diko na kasi tinitignan yung dinaraanan ko.
"Dika kasi tumitingin." nag salita yung p-po-
hindi, tao ito..

Inangat ko ng kaunti yung mukha ko para tignan kong sino yung taong yun. Sobrang pamilyar kasi yung ka coldan niya.

"Si Rukawa."

Nilampasan lang ako ng soro kaya diko maiwasamg mainis.
Parang walang pinagsamahan ah..tssk

Pagkuway sinundan ko sya, sinadya kong mga ilang distansya yung pagitan naming dalawa para di naman obvious na nakasunod ako sa kanya.

"Sino yan?"
"Nakasunod ba sya sa myloves Rukawa ko?"

girls kung magbulungbulungan din naman kayo, siguraduhin nyo lang na di ito naririnig. Nakaka offend naman oh!
Kung di niyo masasamain, mga jologs ni Rukawa yung nadaanan ko. Oo, pati sila'y kilalang kilala ko. Wala kasi yang absent kung laro na ni Rukawa yung pag uusapan. Di talaga pinalalampas.

"Rukawa..!"
"Congrats Rukawa.!"
" Ang galing galing mo naman Rukawa!"
"Turuan mo naman kami ng basketball!"
"RUKAWA MYLOVES!!"

Nagulat na lamang ako ng bigla syang sinugod ng mga kababaihan. Ang dami nila. Pinagtitilian nila si Rukawa. Panay pa sa kakasunod yung mga jologs nyang parang ipis yung populasyon, ang bilis dumami.
Nanatiling nasa likod parin ako nakasunod.
Di nalang si Rukawa yung sinusundan ko, pati na mga jologs nya na halos harangan na sya sa daan.

Your Fictional WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon