39-Pagbabalik sa reyalidad

110 5 0
                                    

KIA

Unti unting napamulat ako ng aking mga mata ng maramdaman ko ang wari mabigat na bagay na nakatangan sa aking katawan.

Kukurap kurap kong inaaninag ang mga bagay sa aking paligid hanggang sa maging malinaw ang lahat ng ito sa aking paningin.

"Ma?" gulat na tanong ko sa kanya ng mapansing niyayakap niya ako dito sa aking kinauupuan.

Halatang nagulat din ito sa pagtawag ko sa kanya, ngunit agad na nagliwanag ang kanyang mukha nang mapagtanto niyang tinatawag ko nga siya.

"Kia! Anak ko!" sambit nito sa labis na galak.

Kaagad kong napansin ang kanina pa pala basang basa niyang mukha, ngunit ngayon siya'y nakangiti.

Teka, bat umiiyak si mama.

"Salamat sa Diyos, at ibinalik ka na sa amin Kia." at kaagad na naman niya akong niyakap ng mahigpit.

Hindi ako nakapag salita.

Wala akong maintindihan.

Naramdaman ko na lamang ang kanina pa pala umaagos ang mga luha ko.

Hindi ko alam, pero may parte sa puso ko ang sabik na sabik bumalik sa presensiya ni mama, siguro kaya ako naiyak.

Maingat ko ring iniangat ang aking mga kamay at niyakap si mama pabalik.

There's something in me na nangungulila ako sa mga yakap niya.

At ang pananatiling kirot ng aking dibdib sa hindi ko malaman na rason.

Ilang araw na rin ang lumipas at hindi ko pa kayang paniwalaan ang isang bagay na ikuwento sa akin ni mama.

Nag ka coma daw kase ako dahil sa aksidente. At ang mas hindi kapani paniwala dun ay sa parteng isang taon akong nanatili sa ganoong kondisyon. Kaya ganun na lamang ang labis na saya ni mama at kuya, nang magising na ako sa wakas.

Umiling iling ako bago ko napahilamos ang aking mga kamay sa aking mukha.

Nandito ako ngayon sa kwarto at kakauwi ko lang galing school.

Lahat ng mga kaklase ko'y kinamusta ang aking kalagayan, at tanging pagngiti lamang at pagtango ang aking isinasagot. May mga sariling opinyon, at mga negative feedback akong naririnig pero hindi ko nalamang pinapansin.

Grabeh. Ganoon na lang ba talaga katindi yung impact nang pag ka coma ko ng isang taon. Tss.

Eh mismo ako'y ayaw ko ngang maniwala.

Napabuntunghininga na lamang ako at bumangon mula sa pagkakahiga.

Muntik ko nang makalimutan yung assignment ko sa school. Kung tutuusin ay wala naman kaming pasok bukas, pero tatapusin ko muna lahat nang tu para wala nang dagdag pang iisipin.

"Hayy." napaunat ako at saka napahiga sa kama. Tinanaw ko ang wall clock at mag aalas siyes na rin pala ng hapon.

"Kia." rinig kong pagtawag saken ni kuya mula sa labas at tatlong beses na kinatok ang pinto.

"Po?"

"Bumaba kana daw, maghahapunan na." tugon nito at saka na ako bumangon mula sa pagkakahiga.

"Sige kuya, susunod na ako." sagot ko na lamang at narinig ang mga yapak ni kuya pababa ng hagdan.

Niligpit ko muna lahat ng gamit ko sa study table bago napagpasyahang lumabas.

"Nood tayo ng anime kuya." pang aagaw ko ng pansin sa kanya habang abala ito sa pagbabasa ng kung anong libro.

Your Fictional WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon