8-Panu ko ba sasabihin?

138 16 0
                                    

Kia's POV

First time kong nakita si Ayakong maglaro at ako pa talaga yung nakalaban niya. Lamang ako ng tatlong puntos sa naging one on one namin. Nag three points kasi ako sa nalalabing segundo.
Mahigpit si Ayako sa depensa at mabilis rin sya kahit babae. Lay up at jumpshot lang yung makakaya niya, minsan daw kasi pag i tatry niyang mag three points, sumasablay lang daw. Siyempre wla rin kaming nagawang slamdunk kase di naman namin maaabot yung ring. Matatangkad lang nakakagawa nun tulad nila Captain Akagi, Sakuragi at Rukawa.
Kapwa kami nasiyahan sa naging laro naming dalawa. Sa totoo nga'y diko inexpext na makakalaro ko sya sa biglaang pagkakataon. Si Mitsui pala ang may pakana ng lahat. Sinabi sa akin ni Ayako na ikuwento daw ni Mitsui sa kanila ang natatanging kakayahan ko sa pagbabasketball kaya na curious naman daw siya pati si Kogure at Akagi. Di kasi nila inaakalang may katulad pa daw saken na tulad rin ni Ayako. Pero kung tutuusin nga malimit lang ang mga babaeng may kakayahan sa gantung larangan.

Pagkatapos naming maglaro ni Ayako ay agad na kaming nagpalit. Todo papuri naman ang natanggap namin sa kanila. Maliban nalang kay Rukawa na cold pa rin ang dating.
Kinumbinsi nila akong maging bagong freshman sa team nila para may makakasama rin daw si Ayako pero ito lang ang tanging naisagot ko sa kanila.
"Wag kayong mag alala, ma freshman man ako o hindi, nasa inyo parin yung suporta ko. Tutulungan ko si Ayako sa bawat practice game na darating o sa mga laban ninyo, sa abot ng aking makakaya." yan lamang ang nasabi ko sa kanila at saka ako ngumiti. Umayon rin naman sila sa sinabi ko.
At pagkatapos ng lahat ay agad narin silang nagpaalam.
Walang pasok sila bukas kaya open yung time ng bawat player na magpractice sa gym hanggat kelan nila gusto.

"Mauna na kami sa inyo Kia." paalam ni Kogure kasabay niya si captain Akagi.
"Nice play Kia. Napahanga mo ako dun." -Ayako
"Hahaha ikaw rin naman Ayako. Ang galing mo!" papuri ko rin sa kanya.
"Uuwi ka na ba threepointer?" nakangising tanong saken ni Miyagi. Napakunot pa yung noo ko sa tinawag niya saken.
"Hahaaha threepointer ka dyan! chamba lang yun." at marahan akong tumawa
"Susunod lang ako sa inyo..Cge ingat kayo ha."
"Ikaw rin Kia." si Ayako na ang sumagot. Inakbayan pa ito ni Miyagi kaya agad niya rin itong nabatukan. Natatawa nalang akong sinusundan sila ng tingin.
"Ang galing mo ate Kia." napalingon naman ako kay Yasuda.
"Hahaha wala yun. Larong pambabae lang yun eh."
"Parang mas magaling kapa nga saken ate Kia." natawa naman ako sa tinuran niya
"Hahaaa ikaw talaga. Mas magaling ka kaya. Pinanood nga kita nung interhigh eh. Hanga ako sa pagiging kalmado mo." at pagkuway inakbayan ko siya
"Hahaha salamat ate Kia. Mauna na kami sa inyo ate."pagpapaalam niya
"Ouh cge..ingat ka" sabay nag wave sa kanila.

Sobrang gaan ng loob ko sa team ng Shohoku, ang babait nilang lahat. Grabeh rin yung sportmanship ng bawat player nila. Kahit ngayon lang nila ako nakilala, di maipagkailang tinuring na rin nila akong kasamahan. Isang araw pa nga nila akong nakasama pero feel ko'y parang isang buwan na.

"Psst dika pa uuwi?" nabaling naman yung tingin ko sa nagsalita.
Si Mitsui pala kagagaling pa sa locker room.

"Maya maya rin." sabay ngiti ko sa kanya.
Naglakad sya palapit saken at pagkuway may inabot. Isang soda can at biscuit.
Napakunot naman yung noo ko.

"Balato ko yan sayo. Ang hanep ng three points eh." nangingiti niyang sabi habang inaakbayan ako.
"Hahhaa bolero ka talaga. Pero salamat ha. Babawi rin ako sa susunod." at kinuha ko yung inabot niya at saka ito binuksan.
"Ikaw, dka paba uuwi?" tanong ko
"Ihahatid muna kita." diritsahang sabi niya na ikina angat naman ng kaunti ng ulo ko para tignan yung mukha niya.
Nakangiti lang ito.
"Hahaha next time nalang. May pupuntahan pa kasi ako eh. Maabala lang kita."
"Edi aantayin kita." diritsa niya namang sagot na nakangiti pa rin. Ano kaya nakain nito?!
"Hahaaa mapilit karin ano? Cge na sa susunod nalang, promise. May iba pa kasi  talaga akong aasikasuhin sa totoo lang."
Bumusangot naman yung mukha niya.
Aba nagtampo!?
"Whoii wag ka ngang bumusangot dyan. Pumapangit ka nyan eh." sabay marahan kong sinusundot sundot yung tagiliran niya.

Your Fictional WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon