Kia's POV
Yung sulat ko nga palang binilin kay Rukawa?!
napangiti nalang ako sa ginawa kung iyon. Binilinan ko pa siya ng sulat eh makakausap ko lang naman pala siya.
Akala ko kasi tulog pa.
Naglalakad na ako ngayon papunta sa kung saan gustong huminto ng mga paa ko. Maliwanag na kaya kitang kita ko na ang mga bahay na nadadaanan ko. May iilang mga tao na ring naglalakad.
Kung tatansyahin ko yung oras, mga eight na siguro ngayon ng umaga pero di pa naman gaanong matirik yung araw.Mga ilang kilometro na ata yung nalakad ko, at kung sakali mang may mga restaurant, fastfood chain, noddle house, bakeshop o ano pang mga trabahong maari kung pasukan na nadadaanan ko'y sinusubukan kong puntahan, pero wala dawng bakante. Minamalas ba ako nito?! hayyst
"Kapag maabutan pa ako ng tanghali na wala pang ma aaplyang trabaho, baka mamalimos na ako rito. " Nakuu naman po! diko makakayang iimagine yung sarili ko sa ganung sitwasyon.
Kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad habang nakasukob yung dalawa kung kamay sa kanya kanyang bulsa ng jogger ko.
May isang bench akong nadaanan, kaya naisipan ko nalang munang umupo. Nangangalay na kasi yung mga paa ko, mahigit isang oras na yata akong naglalakad.
Habang nakaupo ako'y nilibot libot ko yung mga mata ko sa kinaroroonan ko. Ngayon ko lang ata napansing may katabing bahay nga pala itong bench na inuupuan ko.
Bahay ba kamo? eh sarado pa ito.
Baka abandonado? pero nakaharang naman yung harapan ng parang rehas, yung tulad ng mga pamilihan o karinderya sa tuwing nagsasara.Naghintay nalang muna ako ng mga ilang minuto. Ipinikit ko muna ng bahagya yung mga mata ko at saka sumandal sa kinauupuan.
Pero napaigtad nalang ako bigla ng may kung sinong magsalita sa gilid ko.
"Iha, anung ginagawa mo rito?"maamong tinig na tanong ng isang manang kaya ibinuka ko nalang ng tuluyan ang mga mata ko at hinarap si manang.
Sa tingin ko'y nasa mga 30's pa siya. Di maitatangging masingkit yung mga mata niya. Hanggang balikat yung makulot niyang buhok at ramdam kong mabait sya sa ayos palang ng kanyang pananalita.
"Ayy sorry po maam. May nagmamay ari pala ng bench natu?! ah eh napadaan lang po ako, pasensya napo." at sabay nag bow sa kanya
"Ahhaha okey lang naman iha. Nga pala, bat ang aga mo atang napadaan rito?!" at may kung ano siyang kinuha sa bag niya.
susi pala
at humarap siya sa bahay na naka padlock at may harang ng tila rehas at ipinaloob yung susi doon at saka binuksan."Naghahanap po kase sana ako ng trabahong ma a-applyan. Kaso wala daw namang bakante kaya napaupo nalang po muna ako rito, kanina pa po kasi akong naglalakad." mahabang lintiya ko
"Di ka ba taga rito iha?" malumanay niyang tanong.
Oo ba?!
ano ba dapat isasagot ko?!"Ahm hindi po. Napadpad lang po kasi ako dito para hanapin yung kapalaran ko." tila may kung anong lungkot ang bumalot sa boses ko pagkasabi ng mga salitang iyon.
Nginitian lang ako ni manang at sinenyasan na pumasok muna sa loob kaya sumunod nalang din ako sa kanya.Pagkabungad ng mga mata ko sa loob ay nakaramdam ako ng gaan sa sarili.
Bumungad kasi sa akin ang mga upuan at lamesa na nakaayos kagaya ng isang restaurant.
At kung di man ako nagkakamali, si manang ang may- ari ng restaurant na ito.Sa wakas!
masayang sambit ng utak ko.
Kung di ako umaasa, tatanggapin niya sana ako rito."Dito kana magtrabaho iha." sabi ni manang habang ipinatong yung bag niya sa isang dining table.
"Po?" paninigurado ko.
"Tanggap kana." nakangiting sambit ni manang ng balingan niya ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
Your Fictional World
FanfictionIsang masaklap na pangyayari ang syang maging dahilan nang pagpunta mo sa kakaibang mundo. Isang mundong matagal munang pinapangarap mapuntahan dahil dito nakatira ang lalaking gustong gusto mong makasama. Ngunit darating ang panahong kinakailangan...