18-Getting closer w/ my neighbor?

145 14 1
                                    

Kia's POV

"R-rukawa.." tanging pautal na sambit ko na lamang sa kanyang pangalan pero hindi na siya nagsalita pa. Patuloy lang kami sa paglalakad habang tangay tangay niya parin yung kamay ko.
Ramdam kong may kung anong malakas na boltahe ng kuryenti ang dumaloy sa buong sistema ko na hindi na ako magawang makapagsalita pa sa kanya.
Damang dama ko ang malambot at mainit na kamay nang isang Ace player na tanging bola lamang ang maswerteng palaging nahahawakan nito.
Naisin ko mang kuwala sa pagkakahawak niya ay kusang hindi na sumusunod ang katawan ko sa aking utak. Parang nag mamalfunctioning na yata ako!

"Sa kabilang bahay ka lang naman pala tumuloy." biglang sabi niya habang patuloy parin kami sa paglalakad.

"Ah..hah?" Rinig na rinig ko ang sinabi niya pero wala na akong ibang nahahagilap na sasabihin pa para sa kanya. Para kaseng hindi ito ang dating Rukawang nakilala ko na hindi nagsasalita. Pero cold parin ang dating nang tono niya.

Kapwa tahimik lamang kaming tinatahak ang daan papuntang gate nitong campus habang magkahawak kamay parin.
Parang wala ako sa sariling sumasabay na lamang sa mga lakad niya. Na aackwardan ako sa ganito kaya tila di na nagfufunction ng matino yung utak ko. Kung may nais man akong sabihin sa kanya sa pagkakataong tu'y wala namang lumalabas na salita sa bibig ko sa tuwing susubukan ko mang magsalita. Sino bang babaeng maswerteng nakikipag hawak kamay sa isang Kaede Rukawa?!
Kalma selp..as a friend lang naman yan..Isipin mo, getting closer lang kayo..ganun

Maya maya pa'y naramdaman ko na ang unti unting pagkakaluwag nang pagkakahawak niya sa kamay ko hanggang sa bumitaw na nga siya sa pagkakahawak saken.
Hoy! Bat moko binitawan?!
Tssk..Selp, na panu ka?!

Bigla siyang tumigil sa paglalakad at tumingin nang diritsahan. Kaya napatingin rin ako sa tinignan niya.
Ayputik!

Ngayon ko lang napagtantong nasa labas na pala kami ng gate. At maloko akong tinignan ni Yasuda nang mahagip ko siya ng tingin.
Baka ano pa ang isipin nito kaya inunahan ko na siyang magsalita.

"Inaya ko si Rukawa na sumabay nalang sa atin, Yas." sabi ko sa kanya

"Oo.
Tara na." saad ni Yasuda at agad narin kaming sumunod ni Rukawa.

"Nga pala Rukawa, dadaanan pa namin si mama Aida. Okey lang ba sayo?" pambabasag ko sa katahimikan habang naglalakad kami.

"Sige." tipid niyang sagot at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Sa kaliwang side ni Yasuda si Rukawa samantalang ako nama'y sa kanang side ni Yasuda. Sa madaling salita pinagitnaan namin si Yasuda habang naglalakad.
Sa wakas naman at naka move on ako kanina sa nangyari. Ipinagkibit balikat ko na lamang ang kaweirduhan ni Rukawa sa pakikipagkwentuhan ni Yasuda habang naglalakad kaming tatlo sa hallway.
Hindi na kami sumakay dahil malapit lang naman pala ang kinaroroonan ng restaurant ni mama dito sa Shohoku Highschool.

Mga tatlong minuto pa ata'y nakaabot na kami sa restaurant. Inaya naman ni Yasuda si Rukawa na pumasok na at kaagad rin kaming sinalubong ni mama. Nagmano kami sa kanya pati narin si Rukawa.
Ngayon lang ako nakapansin sa pagiging magalang niya.

"Oh kayo pala mga anak." at pagkuway napangiting bumaling kay Rukawa.

"Oy iho, mabuti naman at naparito ka rin.
Maupo muna kayo at ipaghahanda ko kaya nang makakain." masayang tugon ni mama at saka naglakad na papuntang kusina.
Naupo naman sina Yasuda at Rukawa habang ako nama'y sumunod kay mama.

"Ma, tutulungan ko na po kayo." alok ko kay mama nang makalapit na ako sa kanya habang nagsasandok na siya nang kanin.

"Oh sige, salamat anak." at saka inabot sa akin ang kanin at agaran ko namang nilakad ang kinaroroonan nila Yasuda at nilapag ito sa mesa.
Bumalik naman ako sa kusina para kunin pa ang iba.

Your Fictional WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon