Kia's POV
Naglakad na kami ni Yasuda papuntang bus stop at naghintay nang ilang sandali para makasakay na.
Mabuti na lamang at di gaanong marami ang mga pasahero ngayon dahil linggo at walang pasok kaya walang masyadong mga estudyante ang nakasakay lalo pa't papunta kami sa Shohoku Highschool.
Sa kabutihang palad nama'y nakaabot rin kami ng maayos at sabay nang naglakad papasok ng gate.
Nasalubong namin sina Akagi at Kogure. Siguradong papunta rin sila ng gym.
"Senpai, Captain!" masayang tawag ni Yasuda sa dalawa at inunahan pa akong maglakad.
langhiya ng batang tuKaya napasunod nalang din ako sa kanya.
"Oh Yasuda! Magkasama pala kayo ni Kia. Anong meron?" nangingiting tanong ni Kogure sa kanya.
Si Akagi naman ay nakatingin lang din sa akin."Ahaha..Kapatid ko na yan." diretsahang sabi ni Yasuda na agad ko namang ikinailang.
Tinignan naman ako ni Kogure at Akagi ng nakakalokong tingin.
"Kelan kapa nagkaroon ng kapatid Yasuda?" Si Akagi naman ang nagtanong
Ayaw kong marinig ang pinag uusapan nilang nasa harapan nila ako kaya nagpaalam nalang muna ako sa kanilang mauna na lang.
Tumikhim ako ng marahan para maagaw ko ang atensyon nilang tatlo.
"Ahhm..Mauna muna ako sa inyo ha. Magkita nalang tayo sa gym." at saka ako ngumiti sa kanila ng matipid.
"Woii Yas, ayusin mo pagpapaliwanag." pabulong ko sa kanya bago ko sinundot ng marahan yung tagiliran niya at nauna na akong naglakad.
Sa totoo talaga'y nahihiya akong marinig yung ikukwento ni Yasuda sa kanila nang nasa harapan ako mismo.
Nakakailang kaya yun,magpapalamon nalang ako ng lupa kung maari.
Natatawa rin akong naiisip kung paano kaya itong magkwento si Yasuda.
Kung ipagmamalaki ba ako ng batang yun o ipapahiya lang.
tssk makakatikim ka saken mamaya kung mangyari yun!Tinatahak ko na ngayon ang daan papuntang gym nang makasalubong ko sina Ayako, Miyagi at Mitsui.
"Oui Kia! Ba't wala ka kahapon?" si Mitsui ang unang nagtanong at lumapit pa sa akin para guluhin yung buhok ko.
Hoii!
Yung hair pin ko matanggal!
tss"Oo nga Kia. San kaba nagpunta kahapon? Inantay pa naman kita." tugon naman ni Ayako habang nasa gilid niya si Miyagi na nakangiting tumingin sa akin.
"Ahh. Pasensya na talaga, marami pa akong inasikaso kahapon eh. Nga pala, ayos naman siguro ang naging practice ninyo. Nandun rin ba si couch Anzai?"
"Wala pa eh, baka bukas o sa susunod na araw pa daw siya makakapunta. Binisita rin kase niya si Sakuragi." sagot naman ni Ayako habang nagsimula na kaming maglakad.
"Mabuti sana't gagaling na yung gunggong na yun. Dahil paniguradong magwawala yun pag nalaman niyang ako na ang bagong captain. Ahahahha.." sabat naman ni Miyagi habang humahagalpak ng tawa.
"Aba ang yabang ah!" napailing nalang si Mitsui sa narinig niya.
Speaking of Ryota Miyagi. Siya na ang bagong captain ng team ngayon. Maswerte itong point guard natu dahil gagraduate na kasi sila Akagi at Kogure.
"Tumahimik ka nga Ryota. Hindi madali ang maging captain kung tutuusin. Marami kapang dapat matutunan mula kay Akagi. Wag puro yabang!" sabay batok kay Miyagi kaya napa aray naman ito habang natatawa nalang kami ni Mitsui na pinapanood sila.
"Ayakoo myloves, wag mo naman saktan ang damdamin-
Arayy!!" pangalawang batok na yun"Isa pa Ryota, sasakalin na talaga kita." naiinis na banta ni Ayako.
BINABASA MO ANG
Your Fictional World
FanfictionIsang masaklap na pangyayari ang syang maging dahilan nang pagpunta mo sa kakaibang mundo. Isang mundong matagal munang pinapangarap mapuntahan dahil dito nakatira ang lalaking gustong gusto mong makasama. Ngunit darating ang panahong kinakailangan...