Third Person
(tunog ng isang nabasag na plato)
"Ahhhhhhh!!"
Isang malakas na sigaw ang sumunod na syang nagpabalikwas kay Rukawa sa higaan. Isang sigaw na buhat sa kusina.
"Damn that woman! Anong nangyari sa kanya?!" seryosong sabi nito sa sarili at agarang bumangon para puntahan si Kia.
Kia's POV
Nabasag yung pinggan pero mas mainam sabihing nakabasag ako ng isang pinggan.
Nawala kasi ang atensyon ko sa aking ginagawa lalo pa't kung ano ano nalang ang iniisip ko ng mga sandaling yun.Dugo.
Andaming dugo sa kaliwang kamay ko.
Kaya diko maiwasang hindi sumigaw dahil sa nakita."Anong nangyari sayo?!" cold na tanong ni Rukawa, bigla itong sumulpot sa likuran ko kaya dahan dahan kong pinihit yung sarili ko para harapin siya.
"S-sorry. Pasensya na. Nabasag ko yung isang pinggan. Ahaha wag kang mag alala babayaran ko nalang yun kung makahanap na ako ng trabaho." marahan pa akong tumawa kahit namimilipit na ang sakit sa kamay ko na kanina ko pa iniinda. Sinadya kung itago ito sa likuran ko para di niya makita. Tanging kanang kamay ko lang ang itinukod ko sa may lababo at hinarap siya.Tinignan niya lang ako.
Nakatingin yung dalawang pares ng mata niya sa paanan ko kaya diko maiwasang mapatingin rin.
Yumuko pa ako ng kaunti para malaman kung bakit sa bandang paanan nya ako tinignan.Pero nagulat ako ng makumpirmang may dugo sa sahig na kinatatayuan ko.
Kaya agad ko na siyang binalingan ng tingin."Ahh sige bumalik kana dun. Nadistorbo ko yata yung tulog-
"Baliw kaba?!"
tila may pagkairita o galit sa paraan ng pagkakabigkas nya sa salitang iyon.
Oo,baliw na baliw ako sayo. Gusto ko sanang isagot yun pero pinigilan ko yung sarili ko.Parang na estatwa ako ng walang alinlangang hubarin niya yung tshirt nya sa mismong harapan ko at nilakad ang distansyang namagitan sa aming dalawa.
Kinuha niya yung kaliwang kamay kong kanina pa patuloy na nagdurugo at binalot niya sa damit niya.
Di ako makagalaw at lalong hindi ko kayang magsalita. May tila isang kapiraso ng bato ng lalamunan ko ang bumabara sa mga salitang nais ko sanang sabihin sa kanya.Wala na akong ibang nagawa sa pagkakataong tu kundi ang pagmasdan na lamang siya sa kanyang ginagawa.
Nawala ako sa sarili ko. Tila naging isa akong robot na kinokontrol nalang kung ano yung gagawin.Matapos niyang mabalutan yung kamay ko'y hinila naman niya yung isa kung kamay at dadalhin nalang ako sa kung saan.
At agad namang sumunod yung sarili ko.Pinaupo niya ako sa mga upuan dito sa sala. At may kung anong hinahanap.
This scene.
Diko mapigilang mapangiti sa mga naiisip ko sa kabila ng pamamanhid ng kamay ko.Naalala ko kasi yung mga eksenang gantu na nababasa ko sa wattpad at napapanood ko sa tv.
"Gagamutin niya ba ako?
Sinong Rukawa ang gagawa nu-Napansin kong papalapit na si Rukawa sa kinaroroonan ko kaya diko na natapos yung mga dinadaldal ng utak ko.
Diko mapigilang mailang sa mga iniisip ko.
Gagamutin niya ako?Huminto sya sa tapat ko at kinunotan ako ng noo.
what the!Napailing nalang ako sa kahihiyan ng mapagtanto kong nangingiti akong binungad sya ng dating.
Inabot niya sa akin yung first aid kit kaya kinuha ko na rin.
Inaantay ko pa kung uupo siya sa tabi ko
pero ang taas ng pinagbagsakan ko ng lampasan niya lang ako matapos maiabot yung kit."Sh*t!" diko mapigilang mapamura dahil sa pagiging asumera.
Ano bang gagawin ko dito?
Ay alangan naman kakainin mo ng buo yang kit. Syempre, gamutin mo yang sarili mo.
Asa kapa?!Tila may parte ng puso kong parang tinusok ng karayom. Diko maipagkaila yung sakit.
Wala tayo sa wattpad selp..ikaw kasi"Paasa ka Rukawa." piping bulong ng sarili ko ng buksan ko na yung kit para kumuha na ng alcohol at bandage.
"Wag mong sisihin si Rukawa kung bakit ka nasaktan, di naman siya paasa. Talagang ikaw lang yung umasa." Kastigo ng mapanakit kong utak.
Parang gusto kong maiyak, ewan ko kung dahil ba sa hapdi ng sugat na nasa kamay ko o dahil sa pagiging tanga ko. Tssk..Kung nasa roleplay lang sana kami, ipapa cut ko talaga ang scene na yun sa direktor.
what the pakpak ng friedchicken! Hangsakit kasi!Matapos kong mabalutan ng bandage yung kamay ko, balak kung bumalik sa kusina. Tatapusin ko yung mga hinuhugasan ko sa kabila ng kalagayan kong ito.
Pero natigilan ako ng makita si Rukawa doon. Siya na yung tumapos sa gawain ko sana kanina.
"R-Rukawa, lalabhan ko muna yung damit mo-
"Akin na." walang emosyon nyang sabi habang di ako hinaharap
"Ah..lalabhan ko mu-
"Ako na." cold nyang sabi.
Kaya bumalik muna ako sa sala upang kunin yung damit nyang pinambalot kanina sa sugat ko. Mabuti nalang at dark blue yung kulay ng tshirt nya kaya di gaanong klarado yung dugong dumikit dito.
Di naman gaanong malalim yung sugat na natamo ko dahil sa pagkabasag ng pinggan pero di parin maiwasang magdurugo ito ng husto.Aakmang pupuntahan ko na siya sa kusina nang papalapit na rin sya sa kinaroroonan ko.
Kinuha nya lang ng walang pasabi yung damit na iaabot ko na sana sa kanya. Di na ako umimik."Matulog kana." huling salitang binanggit niya bago tuluyang humiga sa may sofa at pinikit yung dalawa nyang mata.
Naisipan ko pa namang dito ako matutulog pero inunahan na niya ako kaya wala nakong ibang pagpipilian kundi sa kwarto nalang talaga ako matutulog.
"Goodnight." halos pabulong kong sabi sa kanya bago na rin tuluyang pumasok sa loob.
BINABASA MO ANG
Your Fictional World
FanfictionIsang masaklap na pangyayari ang syang maging dahilan nang pagpunta mo sa kakaibang mundo. Isang mundong matagal munang pinapangarap mapuntahan dahil dito nakatira ang lalaking gustong gusto mong makasama. Ngunit darating ang panahong kinakailangan...