29-Selos

104 13 3
                                    

KIA

Bandang alas dyes na nang umaga ako nagising. Pagkatanaw ko pa lamang sa bintana ay pansin kong kani kanina pa tumila ang ulan.

Ramdam kong nagrereklamo na rin yung tiyan ko kaya napagpasyahan ko nang lumabas. Pagkababa ko nang hadgan ay natanaw ko kaagad si Yasuda sa kusina na naghahanda na ng agahan. Naalala ko na naman yung nangyari kagabi.

Argh. Napailing ako ng ilang beses bago pa nagpatuloy sa pag baba.

"Goodmorning ate Kia." masayang bati sa akin ni Yasuda. Halatang maganda ang tulog niya kagabi eh.

"Goodmorning rin Yas. Maaga ka atang nagising ah." tugon ko saka ako humila ng upuan malapit sa lamesa at naupo sa harapan niya habang nagtitimpla siya ng gatas.

Narinig ko naman ang marahan niyang pagtawa.

"Hahaha, hindi kasi ako nakapaghapunan kagabi eh kaya tuloy nagutom ako ngayon ng sobra."

"Hahaha ako nga rin kaya. Nakalimutan ko ring maghapunan." natatawa ko namang wika at bago pa kami nagsimulang kumain.

Matapos naming mag agahan ay nagpaalam ako sa kanya na lalabas muna ng bahay para isauli yung hiniram ko kay Rukawa. Hindi naman ako nakaligtas sa pang aasar niya kaya panay irap naman din ang ginagawa ko. Pero hindi pa lamang ako nakalabas ng pintuan ay tinawag na niya ako.

"Ate Kia, may tawag sayo. Si Mitsui." rinig kong sabi niya kaya napaudlot na lamang ako sa pintuan. Pumasok nalang ulit ako sa sala saka niya inabot sa akin yung telepono.

"Oh Mitsui, napatawag ka." masayang wika ko nang maitapat ko na yung telepono sa aking taenga.

"Goodmorning Kia. Naka abala ba?" masayang tugon niya rin sa kabilang linya.

"Hindi naman, magandang umaga rin. Napatawag ka yata. Bakit?" tanong ko sa kanya. Minsan na kasi siyang napapatawag dito para ipaalam sa amin ni Yasuda kung ano man ang mga ipinatutugon ni couch Anzai. Pero sa pagkakaalam ko ngayon ay buong buwan pa kaming walang practice game, pero malay ko baka tinawagan niya ako ngayon patungkol din dyaan.

"Ano kase. Ahmm." paghahagilap niya pa ng sasabihin na tila ba nahihiya. Nakasisiguro akong hindi pala ito patungkol sa practice game. Hahaha.

Bahagya akong napatawa. Kabisado ko na yang tono na ganyan eh.

"Hahaha, nahihiya ka pa eh. Sabihin mo na kase."

"Ano. Aayain sana kitang lumabas bukas. Kung ayos lang sana sayo. Kung may gagawin ka, pwede na mang ipagpa- agad ko nang pinutol kung ano pa man yung gusto niyang sabihin.

"Wala.Wala akong gagawin bukas. Sige payag ako. Anong oras ba?" magiliw na pagpayag ko pa sa kanya. Gusto ko na kaseng bumawi sa kanya ngayon kahit papaano. Maraming beses na rin kasing hindi ko napagbibigyan yung mga hinihingi niya kaya pagkakataon na siguro rin ngayong ako naman ang babawi sa kanya.

"Bukas ng nine nang umaga. Sa gate ng Shohoku Highschool nalang tayo magkikita. Okey lang ba?"

"Oo, walang problema."

"Hahah, sigeh baka may gagawin ka pa ngayon. Bukas ko nalang susulitin yung pakikipagkwentuhan ko sayo."

"Hahaha, oo ba. Sigeh, bye. Ingat ka."

"Ikaw rin." at saka ko na inend yung call.

Nandito na ako ngayon sa tapat ng gate ni Rukawa. Dala dala ko yung paper bag na pinagbalutan ko nang kanyang varsity jacket para isauli na sa kanya.

Nag aalinlangan pa akong buksan yung gate nang makita ko siyang lumabas ng pintuan ng bahay at napasilip sa gawi ko.

Napakagat pa ako ng labi ng mapagtanto kong nakabalot lang ng tuwalya yung pang ibaba niya kaya lantad na lantad yung perpekto niyang katawan kahit rito sa malayuan.

Your Fictional WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon