Kia's POV
Napabalikwas nalang ako sa higaan ng maramdaman ang pamamanhid ng kamay ko. Kinusot kusot ko pa ang mga mata ko at inilibot sa kinaroroonan. Napagtanto kong andito nga pala ako sa kwarto natulog. Agaran na akong bumangon at tinignan ko muna saglit yung kamay kung nakabalot parin pala ng bandage bago na ako lumabas.
"Namamanhid parin yung kamay ko." tanging naibulong ko na lamang sa sarili at sinubukang igalaw galaw yung kaliwang kamay ko.
"Pero di na gaano. Makakapagluto pa naman siguro kahit sa ganitong kondisyon."Pagkalabas ko ng kwarto'y tumingin ako sa orasan para alamin kung anong oras ba ako nagising kasi feel ko sobrang aga pa yata.
"Alas kwatro pa." napabuntunghininga nalang ako. Sobrang aga ko pa pala nagising.May dalawang oras pa sana akong itutulog.Pero diko na inintindi kung anong oras ako nagising ang importante, nagising ako diba..tskk
Hinagilap ko yung sofang kinatutulugan ni Rukawa kagabi pero wala na sya doon.
Nasa kwarto na siguro.Kaya dumiritso na ako sa kusina para umpisahan yung trabaho ko. Naisipan ko kasing ipaghanda nalang muna sya ng agahan, syempre kakain rin ako bago ako aalis.
Marami namang naka imbak na pag kain sa ref kaya wala ng dapat ikabahala, ang kulang lang naman ay yung magluluto.
Nagpakulo muna ako ng tubig, magtitimpla muna ako ng gatas. Di kasi ako sanay kumikilos sa umaga lalo na sa gantung oras ng wala pang painit yung tiyan ko.
Third Person
*flashback
"Goodnight." halos pabulong na sabi ni Kia bago tuluyang makapasok sa kwarto.
Klaradong narinig iyon ni Rukawa pero di na ito sumagot.
Nang makumpirma nyang nakapasok na si Kia sa loob ay napag desisyonan na nyang sa kwarto nah matulog.
Sinadya lang naman talaga nyang magkunwaring doon matutulog sa sofa para hindi na maisipan ni Kia matulog dun ulit.
"Sino bang nakakatulog dito sa dami ng lamok?!" halos patanong na sabi ni Rukawa sa sarili.
"Edi yung madaldal. Tssk"
pagkuway kinuha na niya yung unan niya at pumasok na sa kanyang kwarto.Sinubukan niyang ipikit na ang kanyang mga mata ng biglang sumagip sa isipan niya ang tinanong sa kanya ni Kia.
"Pupunta kaba talaga sa America?"
Hindi ang tanong nayun ang bumabagabag sa isipan niya kundi ang tanong na nais nya din sa nang itanong.
"Paano?"
"Paano nya nalaman?" paulit ulit na tanong ng kanyang isipan.Di niya maiwasang magtaka dahil tanging si Couch Anzai lamang at siya ang may alam sa plano niya matapos maabot ang kondisyong binitawan sa kanya ng kanyang couch..
"Pilitin mo munang maging nomber 1 sa Japan." alaala pa niya nung nag usap sila ni Couch Anzai.Natalo niya si Sawakita ang Ace player ng Sannoh na syang kinikilalang number one na player sa Japan noong interhigh, kaya nangangahulugan itong naabot niya ang kondisyon. Ngunit hindi pa siya sigurado kong matutuloy ang pagpunta niya sa America.
"May winter tournament pa." bulong nya sa kanyang sarili.
Pinilit nyang wag nalang munang isipin ang mga iyon at ipokos muna ang sarili sa practice game at sa paparating na winter cup bago niya poproblemahin ang lahat.*end of flashback
3:40 ng madaling araw nagising si Rukawa kahit iisiping wala naman talaga silang pasok.
Inunat niya pa ng bahagya ang kanyang mga kamay bago bumangon sa higaan at saka nagbihis. Matapos nyang magpalit ng tshirt ay isinuot na nya rin yung sapatos niya bago pa sya lumabas ng kwarto dala ang kanyang bola."Goodmorning babaeng shooting guard." piping bulong niya sa kanyang sarili ng silipin niya ng kaunti ang kinaroroonan ni Kia.
"Aaminin man o hindi, napahanga ako sayo kahit babae ka."
Gusto niya lang tanawin kung ayos lang ba ang tulog nito kahit sa natamong maliit na aksidente kagabi. Nakita nyang mahimbing pa itong natutulog habang nakapatong yung kaliwang kamay nito sa isang unan na sa tingin nya'y sinadya ni Kia sa ganoong posisyon upang hindi ito magalaw o maipit kahit natutulog siya.
Nakaramdam si Rukawa ng awa kay Kia at guilt sa sarili niya.
"Di na sana kita pinahugas ng pinggan.Tssk." cold na sabi nito sa sarili bago pa man dahan dahang isinara yung kaunting pagkabukas ng pinto at tumuloy na sa lakad niya.Kia's POV
Natapos na ako sa pagluluto kaya plano ko munang bumalik sa kwarto para makapaghanda ng umalis, mabuti pa't tulog pa si Rukawa.
Napatanaw ako saglit sa orasan, 5:50 na. Ganun ba talaga ako katagal sa kusina?! Hayy syempre andami ko pa kasing ginawa. Pero di bali na, eksakto lang naman pala yung pagkakagising ko.
Bumalik na lang muna ako sa kwarto para ayusin at iligpit na yung pinaghigaan ko kanina. At pagkatapos kung nagligpit ay pumunta ako sa cr para kunin yung mga nalabhan kong damit kagabi. Isinampay ko nalang kasi dun sa ere pagkatapos kong malabhan, mabuti nalang at natuyo rin agad.
Matapos kung mailigpit yung mga damit na nahiram ko kay Rukawa, inilagay ko nalang ito sa ibabaw ng study table niya. Ngayon ko lang napansin na may maliit na parang dorabox rito sa ibaba ng study table nya kaya binuksan ko iyon.
Mga ballpen,lapis,papel at iba't iba pang gamit sa school ang nakalagay doon.
Dina ito maipagkakaila, syempre study table tu eh. naibulong ko nalang sa aking sarili.Alam kong diko na makakausap si Rukawa ngayon kaya sumagip naman sa utak ko yung ideyang, bilinan ko nalang siya ng sulat. Ipapaloob ko nalang dito sa mga damit niya, gaya nung ginawa nya rin nung una.
"Goodmorning Ace player! Ngumiti kanaman dyan, binabati kita eh!"
panimulang bati ko sa sulat..di ba masyadong korni?! hahah tssk..basta yan na yan
"Kumain kana dyan, ipinagluto na kita, ang tagal mo naman kasing gumising. Nga pala, aalis na ako gaya ng pinangako ko sayo. Hahaha! Hoi Rukawa, salamat.."
anu paba sasabihin ko?! tssk
"Heto na pala yung mga damit mo, salamat..Nilabhan ko na yan!
Nga pala, yung kagabi.."tssk..nasaktan ako dun!!
ayy putik, hindi ganun.
erase..erase"yung nabasag kong plato papalitan ko nalang pag nagkita tayo ulit. Hahaha pasensya kana kung naki stay ako sayo ng dalawang gabi ha Sorry..hahaha
Aalis na ako ngayon, hahanapin ko na yung kapalaran ko sa lugar na tu. Magbabakasakaling makahanap ako ng trabahong mapapasukan. Pero maghahanap pa rin ako ng pagkakataong mabisita yung team.
Nasa inyo yung suporta ko!Ingat Ace player!
~Kia Kirisaki
Oh hayun! Natapos rin. Wag na masyadong madaldal! Itatapon din naman yan pagnatapos basahin. Tssk..oo nah!
Matapos kung maipaloob yung sulat ay agad na rin akong lumabas.
Dipa ako kumain eh! Hahahaa.
Dadamihan ko yung kain ko ngayon kasi wala pa naman akong perang pambili ng kahit ano.Hahanapin ko pa kapalaran ko...
BINABASA MO ANG
Your Fictional World
FanfictionIsang masaklap na pangyayari ang syang maging dahilan nang pagpunta mo sa kakaibang mundo. Isang mundong matagal munang pinapangarap mapuntahan dahil dito nakatira ang lalaking gustong gusto mong makasama. Ngunit darating ang panahong kinakailangan...