34-Flight

84 6 3
                                    

KIA

"Nakapili kana ba, Kia?"

"Teka lang- ano ba!? Alam mo ba kung gaano kahirap ang mamili sa kanila ha?!
Miss na miss ko na ang pamilya ko, sila mama at kuya.
Pero hindi ko kayang iwanan si Rukawa dahil mahal ko siya..." hindi ko na mapigilan ang sarili ko at nasigawan ko na si Anima.

Talagang naguguluhan na ako.

Sa bawat isang pipiliin ko sa kanila, may mga bagay na mawawala at isasakripisyo..

"Tinatanong lang kita, wag kang high blood diyan." pairap na sabi niya sa akin na para bang wala man lang pakialam sa nararamdaman ko.

"Sorry.. Pasensya na..Hindi ko sinasadya.." paghingi ko pa nang paumanhin dahil sa nagawa ko sa kanya.

"Kapag nakapili kana, may isang bagay kang maaaring hilingin sa akin."

Agaran naman akong nagpunas ng luha dahil sa sinabi ni Anima. Naguguluhan ko siyang tinignan habang pilit pinayapa ang aking isipan.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala kanang oras kaya mamili kana." diritsahang niya lang na sagot.

Mas lalo na lamang gumulo ang utak ko.

Bwes*t ano ba!

Hindi kita maintindihan.

"Ginugulo mo lang ang utak mo Kia. Isa lang naman ang sagot sa mga iyan.

Mamili kana.. O may mga bagay ka pang nais pag sisihan sa huli..

Hawak mo ang desisyon."

Hindi ko man maintindihan ang sinabi ni Anima ay wala akong ibang magawa kundi tumango nalang at gawin ang nararapat..

"Oo. Pinal na ang desisyon ko." tugon ko sa kanya at saka inabot yung sketch na hawak hawak ko pa kanina.

Tinignan niya ako ng diritsahan at wala akong mababakas na emosyon sa kanyang mukha.

"Babalik na ako sa reyalidad."

Third Person

Isang linggo na ang nakaraan ay hindi pa rin nagigising si Kia sa hospital.

Labis ang pag alala nang lahat lalo na sa buong team ng Shohuko dahil sa nangyari sa dalaga. Ngunit hindi nila alam ang tunay na mga nangyayari.

Natapos na ang winter cup. Sa kabila nang pagka aksidente ni Kia ay pinagkunan nila ito nang lakas upang manalo sa laban.

At gaya nga nang inaasahan ng team, dalawang araw matapos ang winter tournament ay lilipad na si Rukawa papuntang Amerika.

KIA

Tipid na napangiti si Anima sa naging sagot ko.

Sobrang mabigat man sa kalooban ang naging desisyon ko pero ito ang nararapat.

Nararapat na kalimutan nalang ang lahat, at iwanan si Rukawa. Na hindi man lang naaamin sa kanya ang nararamdaman ko at hindi man lang magawang makapag paalam sa kanyang aalis na ako.

"At ngayon, maaari munang hilingin ang isang bagay mula sa akin bago ka na makakabalik sa reyalidad."

Teka-

Tama ba ang narinig ko.

Maaari akong humiling sa kanya nang isang bagay-

"Oo Kia, maliban sa isa." sagot naman nito na tila ba binabasa kung ano ang iniisip ko.
Nga pala, bakit ko ba kailangang kalimutang hindi siya ordinaryong anime.

"Maliban sa?"

"Maliban sa paghiling mo sa akin na I exist ang mga tulad namin sa mundo mo.."

"Inaasahan ko na yan Anima. At napaghandaan ko na rin ang bagay na ito."

"Kung ganun, dapat mo ring malaman na kung ano man ang hilingin mo'y may mga bagay na magiging kapalit."

Mariin akong napalunok nang laway at tumango sa kanya bilang sagot.

Ibinalik ako ni Anima sa mundo nila at natagpuan ko nga ang sarili kong nakahiga rito sa hospital.

Dali dali akong bumangon mula sa pagkakahiga at tinanggal ang mga aparatus na nakakabit sa aking katawan.

"Ate Kia, mabuti at gising kana- isang linggo kanang- Teka! Ate Kia, anong ginagawa mo?"

Ngayon ko lang napansin si Yasuda na tila kagigising lang mula sa pagbabantay sa akin.

Hindi ako nagsalita.

Aakmang pipigilan niya ako sa aking ginagawa nang mahigpit ko siyang niyakap at saka ako umiyak.

"Pabayaan muna ako Yasuda.
Wala na akong oras.."

"Kia..ano ba yang pinagsasabi mo?" ramdam ko ang takot at pag aalala sa kanyang boses.

Ngunit bahagya akong nagulat nang sa kauna unahang pagkakataon ay hindi ko narinig mula sa kanya ang katagang 'ate'. Tila may humaplos sa puso ko nang banggitin niya ang pangalan ko.

Malungkot akong napangiti at saka kumawala mula sa pagkakayakap niya.

Payukong pinunasan ko ang aking mga luha at saka ko siya hinawakan sa magkabilang balikat.

Tinignan ko siya sa mata.

"Maraming salamat sa lahat Yasuda, s-sa inyo ni mama. Kahit na bigla bigla nalang akong sumulpot sa buhay niyo, pero hindi niyo ko pinaalis o pinagtabuyan man lang. Samaktuwid ay minahal niyo pa ako at itinuring na kabahagi ng inyong pamilya..

Mahal na mahal kita Yas.

Hinding hindi ko kayo makakalimutan.
Sayoonara (paalam) Yasuda.." at saka ko ginulo ang buhok niya at nagsimula na naman akong maiyak.

Pipigilan pa sana niya ako pero agaran na akong umalis.
Nadaanan ko pa sila Mitsui at Ayako. Siguro ako ang bibisitahin nila. Yumuko ako at nagpatuloy sa paglalakad upang hindi nila ako mapansin ngunit narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Yasuda kaya mabilis na akong tumakbo palabas ng hospital.

Alam kong wala silang kaide ideya sa mga nangyayari pero wala na akong panahong ipaliwanag pa sa kanila ang lahat.

Tama nga ang sinabi sa akin ni Anima, na wala na akong oras dahil ngayon na pala lilipad si Rukawa sa Amerika.

Alam na pala ni Anima na ito ang magiging kahilingan ko sa kanya.

Ang hilinging ibalik ako sa mundo nila, at bigyan ng pagkakataong makausap si Rukawa.

Iyon rin ang dahilan kung bakit minabuti ni Anima na makapili na ako ng mas maaga pero hindi ko rin naman nagawa.

Huli na mang malaman na minahal niya rin ako,

ngunit sana hindi pa huli ang lahat

para maamin sa kanya ang totoo.

Your Fictional WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon