Third Person
Di alam ni Kia na mas naunang nagising si Rukawa sa kanya.
Madaling araw pa itong pumunta sa gym para mag solo practice ng basketball.
Si Rukawa yung tipong manlalaro na walang salitang mailalarawan kung gaano niya kamahal ang basketball. Determinado syang maabot ang kanyang pangarap, maging pinakamahusay at isang sikat na manlalaro sa buong Japan,kaya di maitatangging matapos ang interhigh ay kumalat ang pangalan niya sa mga sikat na mga team tulad ng Sannoh, lalo pa't natalo ito ng Shohoku.Di mabilang ang humahanga kay Kaede Rukawa, ang Ace player ng Shohoku. Pero sa kabila ng mga nakakakilala,pumupuri at humahanga sa kanya, masaklap sabihing wala syang pakialam sa mga ito. Mulat na rin ang lahat sa katangiang mayroon si Rukawa. Isang taong hindi bababa o lalampas ng sampung salita ang sinasabi, seryoso, mahilig mapag isa, cold at walang ibang pinagtutuunan ng pansin kundi ang paglalaro ng basketball.
"Sawakita." seryosong banggit ni Rukawa sa pangalan ng Ace player ng Sannoh.
Sa pagsosolo practice ni Rukawa ay ibinalik tanaw niya ang ginawang depensa sa kanya ni Sawakita noong interhigh, at siya nama'y opensa.
Nag-iisa lang si Rukawa sa gym kaya walang ibang ingay ang bumabalot sa buong paligid ng gym kundi ang talbog lamang ng bola at ang kanyang paghinga habang nagd-dribble at tumatakbo.
Kia's POV
Di muna ako makakaligo ngayon dahil sa kamay ko. Sobrang mahapdi pa yata ito kung mababasa ng tubig lalo pa't kagabi palang ito. Kaya matapos kung kumain ay nag ayos na ako ng sarili ko. Humarap ako sa salamin habang sinusuklay ko yung maikling mala chokolate kong buhok. Nakasuot ako ngayon ng jogger na kulay puti at black na tshirt. Ito yung suot kong damit noong interhigh. Pasalamat naman at makapal ang mga ito at di ako gaanong malalamigan sa labas lalo pa't sobrang maaga pa para maglakad.
Yung panyo ko naman na kulay blue ay ginawa kung headband at tinali yung magkabilang dulo nito sa ulo ko.
Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto at dumiritso na sa sala papuntang pinto palabas nitong bahay. Nais ko pa sanang silipin si Rukawa sa kwarto niya pero baka makaabala ako sa tulog niya, kaya wag nalang.Wala talaga akong ibang kadala dala except ng sarili ko.
Tatlong beses pa akong bumuntunghininga bago nilibot yung nga mata ko sa kabuuan ng bahay."Mamimiss ko tuh." malungkot na sabi ko sa aking sarili bago pinihit yung bisagra ng pinto at lumabas na.
"Bye Rukawa." piping bulong ko sa sarili ko matapos maisara yung pinto at naglakad na ako papuntang gate.Bago pa ako tuluyang maka abot sa gate ay napaharap na naman ako sa bahay na lilisanin ko na. Ewan ko ba kung bakit, tila kasi pinipigilan ako ng mga paa kong humakbang palayo. Napa buntunghininga na naman ako. Diko alam kung ano ba tung nararamdaman ko. Parang may hinihintay ako. Nagbabakasakaling pipigilan ako ni Rukawang umalis. Pero malabo yun.Sobrang labo!
Tulog na tulog sya kaya panu niya malalamang umalis na ako. At para saan pa para pigilan niya ako?!
"Hayystt." napabuntunghininga na naman ako.
Pinal na yung disisyon ko. Aalis na ako.
Mabigat man sa pakiramdam ang lisanin ang bahay natu, pero pinilit ko yung sarili kong tumalikod na at dahan dahang maglakad papunta ng gate ng sa ganoon ay mapigil ko yung mga pinaplano ng utak ko. Baka bigla mag bago yung isip ko at bumalik. Tssk! di pwede yunRamdam ko ang lamig ng hanging dumadampi sa mga balat ko. Sobrang lamig ng paligid at ang tahimik pa.
Nasa tapat na ako ng gate. Nag aalinlangan ko pang buksan ito. Para kasing nagdadalawang isip pa akong aalis na ba o ano pa. Naguguluhan ako. Para akong naiiyak na isiping iiwan ko na siya. Mag iisa na naman siya.
Aakmang bubuksan ko na yung gate ng may kung anong pwersa ang nagtulak nito papunta saken kaya nabunggo ako ng kaunti.
"Arayy! Sino ba namn kasing- ang aga ag-
BINABASA MO ANG
Your Fictional World
FanfictionIsang masaklap na pangyayari ang syang maging dahilan nang pagpunta mo sa kakaibang mundo. Isang mundong matagal munang pinapangarap mapuntahan dahil dito nakatira ang lalaking gustong gusto mong makasama. Ngunit darating ang panahong kinakailangan...