A/N:I'm really sorry talaga for long hiatus mga ka readers. Maybe abala na rin ako sa module ko ngayon kasi Grade10 student pa po ako. Pero I can't say na that's the reason kung bakit ang tagal ko nang hindi nakapag update. The truth is sobrang tinamad na talaga ako. Oh sorry na.
Hahaha. Masasabi kong marami akong free time pero nawalan ako ng oras para dito. Oh wag na magtampo.
Hahaha pero dahil sa mga silent readers ko dyan, sa mga nag cocomment, nag aabang ng YFW so heto na po nag update na talaga ako. I'm really feeled being motivated by everyone, kase marami pa ding nag a-add nito sa reading list nila kaya malaki talaga ang pasasalamat ko sa inyo. Maybe I'm not that kind of writer you are finding for but I'm very thankful sa mga walang sawang sumusuporta saken.
Sa totoo lang, minsan ko nang napagdesisyonang i unpublished ito, (oo ganyan ako katopakin'g author hahaha) pero the truth na hinding hindi ko iyon magagawa, at hinding hindi ko iyon gagawin ay dahil sa inyo.And I ended up with the conclusion na tatapusin ko ito.
Not now but soon.So yah, because of the long haitus, maybe you've almost forgot the flow of the story so maybe backread nalang muna kayo sa naunang chapter or not minding it, okey gora. Enjoy reading kahit sobrang OA ng story ko hahaha.
I lub y'all.
Stay safe.KIA
"Heto po manong." sabay abot ko nang bayad. Nandito kase kami ngayon ni Rukawa sa tapat ng isang ice cream vendor. Naglibot kami sa mall kanina tapos nananghalian kami sa isang fastfoodchain at ngayon naman ay nandito kami sa isang park at bumili ng tig iisang ice cream.
"Ako na magbabayad." nabaling ang tingin ko kay Rukawa nang pigilan niya ako.
"Ha, hindi. Ako na." giit ko naman sa kanya. Siya na kase ang gumastos kanina habang naglilibot kami at siya na rin ang nagbayad nung kumain kami ng pananghalian. Nakakahiya namang magpapalibre na naman ako ngayon sa kanya. Eh may pera naman akong pambayad.
"Ako ang nag aya sayo kaya ako na magbabayad."
"May pera naman ako eh, ako na." naiirita kong tugon at pilit kong iniabot sa tindero yung pambayad.
"Tss. Ako na kase." saka naman siya nag abot ng bayad sa tindero. Nalilito na tuloy si manong kung kaninong bayad ang kukunin niya.
"Sa akin manong yung kunin niyo." mariing utos ko kay manong.
"Wag manong, sa akin na." tutol naman ni Rukawa. Argh. Talagang matigas ang ulo ng lalaking tuh. Ayaw talagang magpatalo.
Nakakapikon na!"AKIN NA KASE!" hindi ko sinasadyang mapalakas ang pagkakasabi ko nun kaya napalibot tuloy ang mga mata ko nang mapansin ang mga taong nakatingin sa amin. May mga babaeng nakatingin sa amin habang kinikilig at nag bubulung bulungan pa.
"Ay ang sweet naman nila."
"Oo nga. Para silang mag asawa eh."
"Ang kyut naman nilang magbangayan."
Tsk. Ano ba pinagsasabi ng mga tuh?!
Nabigla naman ako ng higitin ako ni Rukawa sa bewang dahilan para mapasandal ako sa dibdib niya.
Bakit ba kase ang tangkad niya eh.
"Pasensya na po manong, may katigasan lang talaga ang ulo ng girlfriend ko. Tss." masungit na tugon niya sabay irap.
Naks, ako pa talaga ang matigas ang ulo!
At anong g-girlfriend pinagsasabi nito-
Ahh..Gusto ko sana siyang batukan sa kalokohang sinasabi niya at baka maniwala naman si manong pero mas hinigpitan niya lamang ako ng yakap dahilan para hindi na ako nakapalag pa.
At sa huli siya parin yung nagbayad.
BINABASA MO ANG
Your Fictional World
FanfictionIsang masaklap na pangyayari ang syang maging dahilan nang pagpunta mo sa kakaibang mundo. Isang mundong matagal munang pinapangarap mapuntahan dahil dito nakatira ang lalaking gustong gusto mong makasama. Ngunit darating ang panahong kinakailangan...