14-Bagong pamilya

137 15 0
                                    

Kia's POV

"Ate Kia?!" halatang gulat na tanong ni Yasuda.

Diko maiwasang matawa ng marahan sa reaksyon niya.

"Oy grabeh ka naman Yasuda, para kang nakakita ng multo ah." natatawa kong sabi sa kanya at saka sya inakbayan.

Nagtaka rin ng kaunti si mama Aida pero ng mapagtantong niyang magkakilala na pala kami ay nginitian nalamang niya kaming dalawa.

"Oh magkakilala na pala kayo anak, maiwan ko nalang muna kayo dyan. Tatapusin ko muna yung naiwan ko." at saka kami nginitian ni mama Aida at naglakad na pabalik sa kusina.

"Ate Kia naman, andito ka lang naman pala. Bat dimo sinabi sa amin." tila dismayadong sabi niya ng mapakawalan ko na siya sa pagkaka akbay ko.

"Ahaha..diko nga inaakala na mama mo pala ang may ari ng napasukan kong trabaho eh." at saka ako humila ng mauupuan naming dalawa.

"Trabaho? Dito? Nag apply ka rito ate?!" paninigurado niya.

Tinanguan ko lang siya saka nginitian bilang pagtugon.

"Eh kaya pala dika sumulpot ng gym. Hinanap ka pa naman ni Mitsui." tila mapang asar nyang sabi na halatang nagpipigil ng ngiti.

Napakunot nalang ako ng noo sa narinig. hinanap ako ni mitsui? bat naman?

"Sabi mo naman diba na pupunta ka kung sakaling may mga practice kami." parang nabasa niya yung isip ko

"Ahh." nakalimutan ko ata yung sinabi ko nung una. Yun pala yung dahilan kung bakit hinanap niya ako. Si Mitsui kase yung may pakana ng lahat eh.

"Ahahah pasensya kana Yasuda, na busy ata ako ngayon. Pero wag kang mag alala, bibisitahin ko naman ang buong team kung may pagkakataon." mahabang lintiya ko sa kanya.

"Nga pala ate Kia..ano ahmm.." nagkamot sya ng ulo, tila nag aalinlangan sa sasabihin niya.

Kinunutan ko siya ng noo at saka ngumiti.

"Pagpatuloy mo." maamong tugon ko sa kanya.

"Nasabi na sa akin ni mama. Lahat. Pasensya na." may kaunting lungkot sa tono ng boses niya. Nakuha ko naman kung anong gusto nyang sabihin.

Yun pala ang pinag usapan nila kanina. Nakakabilib naman itong si mama Aida, nasabi niya lahat ng iyon nung nag usap sila ni Yasuda, eh sandali lang naman silang nag usap. Ibang klase..sinumarry ata ni mama

Yung kwentong napilitan ko lamang sabihin katumbas ng pagiging ulila ko sa lugar natu. Nasabi ko kasi kay mama Aida na ulila na ako matagal na. Na lumaki lamang ako sa orphanage at inampon ako sa kaibigan ni mama pero sa kasamaang palad, naaksidente sila sa isang airplane crash. Kaya heto, napadpad nalang ako rito ng walang patutunguhan.

Yun lahat ng pinanindigan kong ipapaniwala sa kanila ni manang dahil kung sasabihin ko man sa kanila ang buong katotohanan na wala talaga akong ideya kung pano ako napunta rito, alam kong di nila ako maiintindihan at mas magiging mahaba nalang ang explenasyon at mas lalong magugulo yung utak ko. Wala akong taong makokompronta sa katotohanang tinatago ko kaya wala akong ibang mahanap na paraan kundi ang gumawa nalang ng sariling kwento. sorry sa inyo mama Aida

Nginitian ko lamang si Yasuda na nagsasabing okey lang.

"Pero wag kang mag alala ate Kia, andito kami ni mama. Kami na ang magiging bagong pamilya mo."

Ramdam ko ang maging komportable sa kanila bilang bago kong pamilya. Sobrang saya ko dahil ramdam ko ang pagiging welcome ko sa kanila. Si mama Aida bilang mama ko at si Yasuda na ituturing kong nakakabatang kapatid. Ramdam kong malapit talaga ang loob ko sa kanila kaya di ako maiilang na makasama sila sa iisang bahay. Pangako mama Aida, Yasuda, magpapakabait ako bilang bagong kasapi ng pamilya niyo.

Your Fictional WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon