KIA
Dahil sa hindi inaasahang pagyakap ko sa kanya'y na outbalance tuloy si Rukawa kaya kapwa nahiga kaming dalawa sa kama. Nadaganan ko siya. Nahuli ko ang bahagyang pagkagulat sa kanyang mukha dahil sa ginawa ko pero agad rin naman siyang napangiti. Umiiyak na isinubsub ko ang aking mukha sa kanyang dibdib. Kumilos ang mga kamay niya para yakapin ako. Ngunit patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ko na animo'y wala nang balak huminto sa pag iyak.
"Sshh. Everything is all fine, shooting guard. Tumahan kana. Mas nagiging kyut ka lalo kapag umiiyak.
Kaya nahihikayat tuloy akong halikan ka."
Kung namumula na ako kanina ay mas domoble ata ang pamumula ko ngayon. Pakiramdam ko parang sasabog ako sa sobrang kilig. Dahil sa asar ay na hampas ko siya ng marahan sa dibdib dahilan para siya ay matawa.
Sobrang saya ko ngayon. Mali. Mas mainam sabihing walang salitang makakapaglarawan sa sayang nararamdaman ko ngayon. Dahil sa wakas ay nakasama ko na ang taong matagal ko nang ginusto.
Pero sa sayang iyon ay nangingibabaw parin ang matinding sakit.
Sobrang sakit na iisipin kong ang lahat nang kasiyahang nararanasan ko ngayon ay pansamantala lamang at hindi permanente.
"M-magiging maayos pa ba kaya ang lahat kung maglalaho na ako sa mundo mo?" bakas ang lungkot na itanong sa kanya ang bagay na iyon. Hindi ko maiwasang mag alala dahil natatakot ako. Natatakot na akong iwan na namang muli si Rukawa.
Hindi siya sumagot. Naramdaman ko lang ang maingat na paghagod niya sa aking buhok at saka niya hinigpitan ang pagkakayakap saken. Nagulat pa ako ng marahang dampian niya ako ng halik sa noo. I felt my cheeks burning.
Hinigit niya ang bewang ko at iniba ang posisyon naming dalawa. Magkatabi na kami ngayong nakahiga sa kama habang ako'y nanatiling sakop nang kanyang mga bisig. Maliit ako kaya madali lang para sa kanya ang ikulong ako sa mga braso niya. Nawindang ang utak ko nang mga sandaling ito. Napasinghap ako nang maamoy ko ang natatanging bango ni Rukawa. Rinig na rinig ko na ang malakas na kalabog nang aking dibdib kaya mas nagyuko ako nang ulo. Sobrang lapit namin sa isa't isa kaya paniguradong maririnig niya yon. Pero hindi ko paman tuluyang naitago ang ulo ko ay unti unti niyang iniangat ang aking mukha at iniharap sa kanya.
Napapikit ako sa labis na hiya pero nararamdaman ko ang pagngiti niya.
"Just open your eyes.
Gusto kitang pagmasdan sa mga oras na ito." ramdam na ramdam ko ang hininga ni Rukawa na nagpakiliti sa buo kong sistema.
Alam kong namumula na ako ng sobra sobra ngayon pero pinili ko paring magmulat nang mata.
Pakiramdam ko biglang huminto ang pagtibok ng puso ko ng muling magtama ang paningin namin ni Rukawa. Bumungad sa paningin ko ang maiitim niyang mga mata na tila ako'y pinapako sa mga titig nito. Perpekto ang mga kilay niya na halos matakpan na sa kanyang maitim na may berdeng kalaguang buhok. Ang mukha niyang sing puti ng niyebe. Bumaba ang tingin ko sa mga labi niya'ng nakangiti. Kunot noong ibinalik ko sa kanya ang tingin.
"Ngiti ngiti mo diyan." naiilang na saway ko sa kanya. Nahuli ko kaseng nakangisi ito na parang tuwang tuwa sa pagmumukha ko. Nakakaasar.
"Wala.
Hindi ko lang kase aakalaing ganoon magalit ang isang Kia Kirisaki ko." natutuwa niyang saad na ang tinutukoy ay ang pag dadrama ko kanina. Shit. Pinamulahan na naman ako ng pisnge.Tinakpan ko agad ang mukha ko at nabigyan nang pagkakataong makatalikod sa kanya. Hindi ko kayang makapagtitigan sa napaka gwapong anime na tu. Parang nagiging yelo akong unti unting tinutunaw.
BINABASA MO ANG
Your Fictional World
FanfictionIsang masaklap na pangyayari ang syang maging dahilan nang pagpunta mo sa kakaibang mundo. Isang mundong matagal munang pinapangarap mapuntahan dahil dito nakatira ang lalaking gustong gusto mong makasama. Ngunit darating ang panahong kinakailangan...