4-Talo ako...dibah

190 15 1
                                    

Kia's POV

Mga dalawampu't limang minuto na ata akong naka angkas sa bisiklita niya ng huminto na ito sa tapat ng gate na kulay blue.
Tinantya ko lang yung oras.

Kaya bumaba na ako.
Bahay na siguro nila tung hinintuan namin.
Tanging tanglaw lang ng ilaw sa may poste ang nagbibigay liwanag sa tapat ng gate. Kaya diko rin gaanong mailarawan yung bahay na nasa loob dahil patay lahat ng ilaw.

"Cge, salamat ha." sabi ko sa kanya pagka baba ko sa bike niya. Tatalikud na sana ako.

"Talo ako...dibah?" cold na tanong niya.
Napangiti nman ako sa tinuran niya. Inamin niya rin sa wakas. Kaya hinarap ko agad sya.
"Tapos?" nag maang maangan ko pang tanong.

As what we expected, di sya sumagot. Dumiritso lang siya sa gate at pagkuwa'y binuksan ito.
Tinignan niya lang ako ng walang ka emo emosyon. Ang hirap talagang basahin nito.

Diko alam kung anong gusto niyang sabihin pero tinutulak ako ng mga paa kong pumasok.
Dahan na dahan pa akong naglakad papasok, nagbabakasakaling sisitahin niya pero tanging langitngit lang naman ng gate ang narinig ko.
Sinara niya pala.

Inunahan niya akong maglakad.
Binuksan na niya yung pinto at pagkuwa'y may pinindut. Agad namang nagliwanag ang loob ng bahay.

"Pasok." cold niyang utos

Napakunot naman yung noo ko. Seryuso tu?

"Wag kang magkalat." dagdag pa niya at umuna nang pumasok kaya sumunod na rin ako.

Nasa sala ako ngayon, nakaupo lang. Diko yata kayang i feel at home yung sarili ko rito. Sobrang linis, nakaka ilang. Habang inaantay ko siya, pumasok kasi yun sa kwarto kanina, magbibihis siguro, nilibot libot ko muna yung mga mata ko.
Tanging tv lang ang appliances na nahagip ng mata ko. Walang gaanong mga bagay sa paligid. Yung lugar na tila ang dami pang espasyo.
Pero ang tanging naakit ng atensyon ko ay yung mga nakasabit sa ding ding. Lumapit ako sa mga ito.
"Group picture nilang lahat." Puro picture lang ng Shohoko team ang nandun. Group picture sa bawat laro nila ng basketball.
"Ito sa Miuradai, Kainan, Shoyo at Ryonan." at yung iba nama'y dko na alam.

Sa bawat picture na tinitignan ko. Siya yung hinahanap hanap ng mga mata ko. Number 11, Ace player ng Shohoku. Si Kaede Rukawa. Ang ultimate weapon ng team.
Diko maiwasang mapangiti sa pagkakataong tu..

Napansin kung lumabas na siya at nakapagbihis na. Kulay black na sando. Mas lalo lamang tumingkad yung kagwapuhan niya, este yung kaputian niya.

"Heto." sabay abot niya ng damit sakin na kulay pink. Isang t-shirt.
Napakunot naman yung noo ko.
"Kanino tu?" nakapagtataka namang may pambabae syang damit eh nag iisa lang naman siya dito sa tingin ko. Pero malay ko ba kung may kapatid syang babae.
"Sa lola ko." agad niya namang sagot pero ang seryoso pa din ng mukha.
"A-ha..ahh..s-sige salamat." at may tinuro siya.
"Sa kabila."

Muntik pa akong matawa sa sinabi niya. Pero magmukha cguro akong timang pag ginawa ko yun. Tanging ngiti nalang ang ibinigay ko sa kanya at pumasok na sa kabilang kwarto para makapagbihis na ako nito.
Kanina pa palang basa yung likuran ko. Ni wala nga man lang akong dalang bag liban sa isang panyo na kanina ko pa nasa bulsa.

Hanggang ngayon kasi ay wala pa ako ni isa mang ideya kung pano ako napunta dito.
Alam kong may pamilya ako, alam ko yung kabuuan ng buhay ko, pero ni isang pangalan ay wala akong matandaan.
Maliban sa mga taong nakakasalamuha ko sa lugar natu.
Sobrang weird.
Kung tutuusin nga'y gusto ko nang pagkamalan yung sarili kong baliw, dahil na nga sa mga nangyayari.
Pero kahit san mang lupalop pa ng mundo ako mapunta, magpapatuloy parin ako sa buhay ko.

Ang linis ng kwarto dito. Wala kang makikita ni isa mang kalat. May isang malambot na kamang kulay blue, eksakto lang sa isang tao. May study table rin sa kaliwang bahagi ng kama at sa kanang bahagi naman nito ay isang lampshade. Sa isang sulok din ay kulay blue na dorabox.
May cr din dito kulay blue rin yung pinto.
Kung swewertehin ka naman, favorite color ko pa.

Your Fictional WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon