Kia's POV
"Sabay na tayong lumabas." pambabasag niya ng katahimikan habang nakayakap parin ako sa kanya. Gusto ko mang kumawala sa ganoong posisyon pero ewan ko ba kung bakit tila may pumipigil sa akin. Parang nagpapaubaya nalamang ba ako sa mga yakap niya.
Ilang saglit pang nanatili kami sa ganoong posisyon ay sa wakas nagbalik na rin yung kuryente.
Naramdaman kung lumuwag na yung pagkakahigit niya sa bewang ko kaya wala na akong ibang ginawa kundi ang humiwalay sa kanya.
Sobrang binalot ako ng hiya, yung tipong ackward na posisyon para sa aming dalawa. Pero wala naman akong ibang reaksiyon na nakita mula kay Rukawa liban lang sa sarili kong nakaramdam ng ganito.Humakbang siya ng kaunti at isinarado ang kanyang pintuan sa kwarto niya bago pa man niya ako balingan ng tingin.
"Tara na." tugon niya na ikinatango ko lang sa kanya at sumunod na palabas ng pintuan nitong bahay.
Parang balewala lang sa kanya yung ginawa niya kanina. Pero ako naman nito'y hindi maiwasang mag isip ng kung ano ano. Argh..
Nasa labas na kami ng gate ngayon at tanaw na tanaw ko mula rito yung bahay namin na nasa harapan lang. Hindi ko alam kung anong oras naba ngayon pero nagtataka ako kung bakit hindi pa nakauwi si Yasuda. Gabi na kaya halatang halata na walang tao sa loob ng bahay dahil nakapatay lahat ng ilaw, inoff ko kase lahat ng switch bago ako umalis kanina.
"Salamat, ulit Ace player." sabi ko nang balingan ko siya ng tingin sa aking likuran na kasalukuyang nag sasarado ng gate. Pinasadahan lang niya ako ng isang cold na tingin.
Wala na akong inexpect na sasabihin niya kaya tumalikod na agad ako at saka na naglakad. Pero naudlot ako ng magsalita siya bigla sa aking likuran.
"Teka lang." pigil niya sa akin saka ko siya nilingon. Hawak niya parin yung bola sa kanang kamay niya. Naka sando siya ng kulay puti at pinalooban niya ito ng itim ng tshirt. At naka short rin siya ng kulay itim na mas lalong nagpatingkad ng kaputian niya sa gabi.
Pinigil ko ang sarili kong hindi mautal sa harap niya kung sakaling ano man ang kanyang sasabihin.
Nakakasira kasi itong kabog ng puso ko. Nakakairita."Ayos ka na ba?" cold niyang tanong pero halatang may bakas ng pag aalala sa kanyang tinig. Ewan ko kung ako lang ba ang nag iisip nun o sadyang wala lang sa kanya kung yun ang itinanong niya.
"Oo." maagap ko ring sagot.
Nabigla pa ako ng bigla siya humakbang palapit ng kinaroroonan ko. Napa atras ako ng kaunti pero huli na nang mailapat na niya yung kamay niya sa noo ko.
Tila pinapakiramdaman niya kung may lagnat pa ba ako. Pero hindi ako nakatingin sa kanya sa pagkakataong tu kundi nakayuko lamang ako. Hindi ako makatingin sa kanya ng diritsahan at baka mapansin niyang namumula na yung magkabila kong pisnge.
Agad niya ring binaba yung kamay niya kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Mainit ka pa. Magpahinga ka muna." tugon niya at agaran naman akong tinalikuran.
Inilapat ko naman yung kamay ko sa aking leeg para kumpirmahin yung sinabi niya.
Ow crap!
Napamura nalang ako sa isipin ng mapapunas ako sa leeg ko ng pawis. Totoong mainit pa ako pero bakit pinagpawisan naman ako nito ng todo. Sunod sunod na patak ng pawis ang naramdaman ko sa loob ng aking jacket basang basa na yung likod ko pero ang mas nakapagtataka kung bakit tila gumaan na yung pakiramdam ko.
"Sige." halos pabulong na sambit ko nalamang sa kanya at tinanaw na siyang naglakad palayo. Alam kong sa gym na naman ang punta niya. Nasanay na ako sa kanya, kahit gabi ginagawa niyang araw basta makapag practice lang nang basketball. Kaya hindi na maipagkakailang maging nom. one na manlalaro siya sa Japan.
Tumawid na rin ako sa kalsada na siyang namagitan sa bahay namin ni Rukawa.
Bumungad sa akin ang nakakabinging katahimikan sa loob ng bahay kaya binuksan ko na lahat ng ilaw sa loob bago ako pumasok sa kwarto ko. Agaran na akong nagbihis ng pantulog bago ako bumalik sa sala.
Mag aalas otso pa naman pala ng gabi. Hindi pa ako inaantok dahil ilang oras rin pala akong nawalan ng malay kanina.
Nagluto na lang muna ako ng mapaghahapunan ni Yasuda at saka na ako sumalampak sa sofa. Binuksan ko na rin yung tv pagpabasag ng katahimikan sa paligid habang hinhintay ko si Yasuda na makauwi na.
Nakabukas yung tv pero kung tutuusin hindi ko na naiintindihan yung palabas na pinapanood ko. Palagi kasing nag flaflashback sa isipan ko yung mga nangayari kanina.
Hindi ko siya maintindihan.
Parang nagkakaroon na ako ng chance na mas maging close kami sa isa't isa. Pero mas malaki rin yung tansiyang bibigay ako sa kakaibang impact ng mga ginagawa niya. Parang mapapa amin ako nito ng wala sa oras kung hindi ako magpipigil.
Pero mananatili pa kayang ganito yung pakikitungo niya saken if kaharap na namin yung ibang teammates sa basketball?
Sobrang labo ata.
Ginawa lang naman niya yun para tumulong, gaya na rin ng inaasahan nating gagawin ng iba kung nagkataon.
"Ate Kia, gising na." pang gigising ng isang boses saken sabay yugyog ng balikat.
"Oo na." at iminulat ko ng bahagya yung mga mata ko. Nilibot ko pa yung paningin ko.
"Hah, ba't dito ako nakatulog?" takang tanong ko kay Yasuda. Ngayon ko lang namalayang inumaga pala akong natulog rito sa sofa.
"Hindi kita nagising kagabi nung nakauwi ako. Kaya hayun, pinabayaan na lang kitang matulog dyaan.
Ouh ate, magaan na ba ang pakiramdam mo?"Agaran na akong bumalikwas sa sofa. Kinuha ko yung kumot at unan na alam kong si Yasuda ang nagdala nito kagabi. Tumayo ako at saka nagsimulang umakyat ng hagdan.
"Oo Yas. Kaya makakapunta na ako mamaya sa practice game."
"Dalian mo ate Kia. Magbihis ka nang pang jogging. Nag aantay sa atin si Rukawa sa labas."
Natigil ako sa pag akyat sa hagdan at saka ko binalingan ng masamang tingin si Yasuda.
"Wag mo nga akong pag tripan ng ganyan. Ang aga aga, naninira ka agad ng mood." pag arte ko pa sa kanya.
"Eh sino bang nagsabing pinagtri tripan kita ate.
Ikaw ate Kia, kung ayaw mo. Di naman daw siya namimilit." saad pa nitong nang babahala lang na hindi ako sumama. Kasalukuyan siyang nag lalagay ng tubig sa bottled water niya.Kinuha niya rin yung towel sa may upuan katabi ng duffle bag nya saka niya ito isinakbit sa kanyang balikat. Mukhang seryoso itong si Yasuda. I mean seryoso siyang mag jojogging kami ngayong umaga, pero yung sinabi niyang kasama namin si Rukawa, hindi ako naniniwala.
"Oh siya, antayin moko sa labas." tugon ko na sa kanya saka na ako nagpatuloy sa pag akyat sa hagdan. Inilapag ko muna sa aking kama yung unan at kumot na dala ko bago ako pumasok sa cr para maghilamos muna.
Dali dali kong sinuot yung v neck tshirt na kulay puti at pinarisan ko ng may kakapalang leggings na kulay itim na hanggang ibabaw ng tuhod ko. Saka ko sinuot yung isang pares ng sapatos ko bago na ako bumaba ng hagdan.
Pagkuway kumuha rin ako ng isang bottled water sa kusina at tuluyan na akong lumabas.
"Oh andyan na pala si ate Kia, Rukawa." rinig kong sabi ni Yasuda ng nakalabas na ako ng tuluyan sa gate.
Para akong napako sa kinatatayuan ko ng mahagip ng tingin ko si Rukawa na nakasandal sa may gilid ng gate at nakahalukpkip na nakatingin sa akin habang si Yasuda nama'y halatang katatapos pang mag warm up, paghahanda para sa pag jogging.
Anong nakain niya?
Bakit pabigla na lamang syang nag ayang mag jogging kaming tatlo?
Totohanan na ba ito?
Magbabago kana ba talaga Kaede Rukawa?
BINABASA MO ANG
Your Fictional World
FanfictionIsang masaklap na pangyayari ang syang maging dahilan nang pagpunta mo sa kakaibang mundo. Isang mundong matagal munang pinapangarap mapuntahan dahil dito nakatira ang lalaking gustong gusto mong makasama. Ngunit darating ang panahong kinakailangan...