Third Person
"Kia.." halos pabulong na banggit ni Ayako sa pangalan niya.
Nagulat pa ito ng makita ang posisyon ng dalawa.
Nakasandal si Kia kay Rukawa na tila natutulog pa rin.
"Kia..gising na.." sabay kalabit nito
"Ohh." mahinang sambit nito.
"Tignan mo yang posteng sinandalan mo." mahinang sabi ni Ayako na may nakakalokang tingin at ngumuso nguso pa ito kay Kia.
"Huh?Ba-
Naputol ang nais niyang sabihin ng mapagtanto niya kung anong bagay ang sinandalan niya.
"A-anong." dahan dahan niyang inilayo yung sarili niya kay Rukawa. At agarang tumayo.
"Gisingin mo sya pag naka labas na ako." tanging na sabi niya lang kay Ayako at agad naring lumabas para sundan sina Sakuragi.Kia's POV
Nabulabog yung pagtulog ko ng gisingin pala ako ni Ayako.
"Tignan mo yung posteng sinandalan mo." at tinignan ako ng nakakaloka sabay ngunguso nguso pa sa harapan ko.
Magsasalita na sana ako ng malingon ko kung sino yung tinutukoy niya.
Si..si
Rukawa..
"A-anong." walang alinlangang inilayo ko yung sarili sa kanya at agad ng tumayo.
Pinauna ko yung sarili kong lumabas bago niya gisingin yung isa."Pano ba nangyari yun? Iniba siguro niya yung posisyon niya habang natutulog. Hayystt, kasalanan ko pa kasi bat ako natulog. Tskk, ang tanga naman selp. Nakakahiya. Sobra."
"Diko alam na tulog mantika ka rin pala tulad ni Rukawa. Hahahah.." nabalik ako sa reyalidad. Kasalukuyan pala kaming nasa loob ng gym. Katabi ko si Ayako habang pinapanood silang naglalaro.
Katatapos lang ng interhigh na naganap sa Hiroshima, pero di talaga nila maiwan iwan ang lugar natu.
"Nagkataon lang sigurong inantok ako ng ganun." sagot ko naman kay Ayako.
Pero I swear, antukin din talaga ako. Kaya nga nainteresado ako kay Rukawa dahil tila may kapareho kami. Sa pagiging antukin lang siguro,di yung ka coldan niya. Diko yata matiis pag di ako nakapagsalita sa buong araw.
"Ahh ganun ba."-Ayako
"Nga pala Ayako, i-kaw lang ba ang nakapansin kanina?" ang ackward ng tanong ko
"Hahaha ewan ko ba. Nagulat nga ako sa posisyon nyong dalawa. Siguro sa hindi nakakakilala sa inyo, mapagkakamalan talaga kayong may relasyon." ayy naku naman..
Ramdam kung nag init yung dalawa kung pisngi. Ewan ko ba, nang dahil ba sa kilig o ng dahil sa kahihiyan.
Sana nama'y di yun nakita ng posporo dahil sigurado akong ano na namang kadaldalan ang sasabihin nun."Oh cge players. Magpahinga na kayo. May pasok pa tayo bukas. Congrats nga pala sa ating lahat."-Ayako
"Isang napakalaking karangalan bilang panghuling Captain ng Shohoku ang makasama kayo sa pag abot ng pangarap ng ating team. Mapapanatag na kami ni Kogure. Ngayon ay nakasalalay na sa inyo ang kinabukasan ng Shohoku team." -Captain Akagi
"Siyempre Gory, ang henyo na ang bahala sa lahat." nagmamayabang na naman itong si Sakuragi
"Tahimik, gunggong." sabat naman ni Rukawa.
"Rukawaaa.." -SakuragiNapapangiti nalang ako sa dalawang nagbabangayan.
Nakipagsalitaan pa si Captain Akagi sa kanyang mga kasamahan at pagkatapos ay nagpaalam na ang isa't isa.
"Mauna na kami Kia.-Miyagi
alam na pala niya ang pangalan ko.
"Cge Kia,una na kami." -Kogure
"Dika pa ba uuwi?" tanong naman ni Ayako saken habang panay yung pagd-drible ko ng bola.
"Maya na,susunod na lang ako."
"Cge,ingat ka ha." paalala naman ni Ayako saken
"Marunong ka palang mag dribble Kia heheheh." sabat naman ni Sakuragi
"Basics lang naman yan gunggong." pang iinis naman ni Rukawa ng diko sila tinitignan.
Nakatuon lang kasi yung atensyon ko sa ring.
At mag ta try na mag jumpshot."3 points yun ah." nabaling yung atensyon ko sa nagsalita. Si Mitsui pala. Kala ko'y sumunod na rin itong lumabas pero sa tingin ko'y galing pa ito sa locker room.
"Di na yun basic." dagdag pa niya ng nakangiti.
Nginitian ko na rin siya pabalik.
"Sinu nag turo sayo?" usisa niya
"Kuya ko." tipid kong sabi
"Players din ba yung kuya mo?" daldal naman nito.
"Oo, vice captain." maagap kung sagot at tinalikuran na sya, sabay harap pabalik ng ring.
Matipid lang talaga ako magsalita. Nakikipag usap lang ako kung importante at kung ako ang may gusto. Pero kung si Sakuragi na ang makakaharap ko siguradong magiging madaldal talaga ako dahil sa inis."Sakuragiii.." nilingon ko kung sino yung tumawag sa posporo. Si Haruko pala.
"Harukoo." parang batang sabi nito at agad pumunta sa kinaroroonan ni Haruko.
"Congrats sa inyo Sakuragi. Ang galing galing mo."-Haruko
"Heheheh isa kasi akong henyo.." lumaki na naman ulo ng posporong yun. Pero kahit papaano, kinakailangan niya ring papurihan.
"Una na ako sayo Kia." paalam ni Mitsui
"Kami rin Kia..hehehe" paalam rin ni Sakuragi at nginitian rin ako ni Haruko. Nakilala na siguro ako nito kaya ngumiti nalang din ako sa kanya.
"Ingat.." sabay nag wave sa kanila.Ibinalik ko yung atensyon ko sa kasama ko.
Oo, kaming dalawa nalang din ni Rukawa. Nasa kabilang ring siya.
Umupo nalang ako sa bench habang pinagmamasdan siya.
Panay pagd-drible,takbo,lay-up ang ginagawa niya at minsan rin nag sla-slamdunk.
"Ang taas niya talagang tumalon."
Ibang klase talaga tu si Rukawa,di man lang siya naiilang na pinapanood ko siya. Hayyst, iba talaga pag yelo."Gabi na." wlang ka emo emosyon niyang sabi.
Alam kong wala siyang ibang sinabihan maliban sakin.
"Sa totoo lang talaga'y wala akong matutuluyan dito. Kaya wala akong balak umuwi." seryosong sagot ko sa kanya.
Sa aasahan mo na'y wala talaga siyang isasagot.
Tinignan niya lang ako kaya agad na rin akong tumayo para lampasan siya ng agaran siyang nagsalita.
"Sa'n ka?" ang ikli talaga ng tanong. Dalawang salita lang yun.
"Maghihilamos lang." cold kong sagot at agad na siyang nilampasan.
Pumunta ako sa bandang locker room at agad akong naghilamos. Mabuti naman at may panyo ako sa bulsa ko para ipamunas at agad na rin akong lumabas.Nandun pa rin siya sa tapat ng ring at panay nag sho-shoot.
"Kala ko umuwi na." bulong ko sa sarili.Ilang minuto rin ay umupo na siya at nagpahinga.
Binalak kong lapitan siya at ayaing.."Pwede ba tayong mag one on one? Kung okey lang sayo." naglakas loob talaga akong sabihin yun.
Tinignan niya lang ako.
Kung normal lang talaga siya, alam kung pagtatawanan na ako nito sa sinabi ko.
Sino ba naman kasing tangang babae ang hahamon sa tulad niya, ace player pa ng team.
Pero wala na akong ibang paraan.
Pag hihingi naman ako ng pabor ng diritsahan sa kanya alam kong di talaga ito papayag. Gaya ng pag sinabi ko tu "Maaari bang sa bahay niyo ako tutuloy? Kahit isang araw lang?" sino ba namang Rukawa ang papayag ng ganun ganun lang."Marunong ka?" nabigla talaga ako.
Kala ko kasi titignan niya lang ako tas lalampasan na.
"Try." oh one word lang yun.
Agaran ko namang sagot at saka ngumiti."Pag natalo ka?" tanong niya. Napapaisip ako nito.
"Ahm gantu nalang. Pag ako yung nanalo, p-pwede bang makituloy muna ako sa bahay ninyo. Then pag ikaw naman ang nanalo, maghahanap nalang ako ng ibang mapagtutuluyan o di kaya ikaw na bahala mag isip kung ano." mahabang paliwanang ko sa kanya. Umepekto naman sana kahit kunti..
"Deal?" tanong ko habang tinitignan ko yung ring.Mga limang segundo pa ata siya bago sumagot.
Nagshoot sya ng bola habang ako naman ay nasa harap ng ring."Deal." cold niyang sagot.
Third Person
Naglakas loob si Kia na hamunin ng one on one si Rukawa.
Ginamit itong paraan ni Kia para may bahay syang matutuluyan kahit sa isang gabi lang.
Kapatid si Kia ng vice captain ng pinaka sikat na team sa reyalidad niyang buhay. Samantalang si Kia naman ay three pointer ng kanilang team. Player ng mga kababaihan.
Sa reyalidad niyang buhay, madalas syang napagkakamalang tibo dahil sa angking talino niya sa larangan ng basketball."Deal." cold na sagot ni Rukawa
BINABASA MO ANG
Your Fictional World
FanfictionIsang masaklap na pangyayari ang syang maging dahilan nang pagpunta mo sa kakaibang mundo. Isang mundong matagal munang pinapangarap mapuntahan dahil dito nakatira ang lalaking gustong gusto mong makasama. Ngunit darating ang panahong kinakailangan...