35-Galit ako sayo Rukawa

100 8 1
                                    

Third Person

"Rukawa.." desperadang tawag ng pawisan at pagod na dalaga sa pangalan ni Rukawa.

Nilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng airport at nagbabasakaling makita niya ito ngunit tanging mga bulung bulungan lamang sa paligid ang kanyang natanggap. Ngayon niya pa nga lang napagtanto sa sarili na nakadamit pang hospital pa siya dahil sa pagmamadali. At batid nyang pinagkakamalan na siyang baliw ng mga ito, idagdag pa ang kanyang itsura na halatang kagagaling lang mula sa pagtakbo ngunit balewala lang ito sa kanya. Ang tanging iniisip niya ngayon ay ang makausap at makita niya ngayon si Rukawa. Dala ang pag asang "sana hindi pa huli ang lahat".

"Mister, yung flight po papuntang America?" hingal na hingal na tanong ni Kia.

Bahagya pang nagulat ang lalaki nang bigla na lamang siyang sumulpot sa harapan nito at nang magbalik sa ulirat ay saka pa isa isang binuklat ang listahan nang bawat flight nang mga eroplano.

Tumigil siya nang makita niya na ang kanyang hinahanap at agad namang ibinalik ang tingin sa dalaga na tila ba nagdadalawang isip pa sa sasabihin.

KIA

"M-mister!" sigaw ko sa kanya dahil tinitigan niya lang ako na tila ba walang balak na magsalita.
Nakita ko ang pagkagulat niya at saka na niya itinuon sa akin ang atensiyon.

"K-kakalipad lang p-po nang eroplano-

Di ko siya napatapos sa kanyang sasabihin at agad kong hinablot ang tila listahan na hawak hawak niya. Pansin ko pa ang panginginig nang kamay ko habang binubuklat ang listahan dahil sa matinding kaba.

Natigilan ako. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang makumpirma kong hindi nga siya nagsisinungaling.

Hindi ako nakaimik.

Naramdaman ko na lamang ang biglang pagsikip ng dibdib ko na tila ba sa bawat oras ay sasabog ito sa sobrang sakit.

Unti unting namuo ang mga luha sa aking mata.

Hindi.

Hindi ito maaari.

Ibinalik ko agad sa kanya ang listahan at tumakbo ako papunta sa paliparan ng eroplano ngunit mariin akong pinigilan ng dalawang gwardiya.

Nakita ko ang paglipad nang eroplanong sinakyan ni Rukawa sa madilim na mga ulap na tila ba may nagbabadyang malakas na pag ulan.
Gusto ko mang habulin pa ang eroplano at pababain si Rukawa mula roon,
ay huli na.

Lahat nang pag asa at pag nanais na makasama siya kahit sa huling sandali ay nawala na lamang na parang bula.

Matinding sakit ang lumukob sa buong sistema ko na masaksihan ang paglisan nang taong matagal ko nang minahal.

"RUKAWA, BUMALIK KA DITO!!

BWES*T KA!
MAHAL NA MAHAL KITA!
BA'T BIGLA BIGLA KA NA LANG NANG IIWAN?!

BUMALIK KA DITO!!

RUKAWAA!!" halos masira na ang lalamunan ko dahil sa ginawa kung pagsigaw. Pero kahit ano pang pilit kong gawin ay wala na, hindi na niya ako maririnig.

Magmistula man akong baliw dahil sa paghagulgol ko nang iyak at sa pagsigaw ko nang paulit ulit ay wala na akong pakialam pa sa mga sasabihin nila dahil pati ako'y wala na ring ideya kung anong gagawin ko ngayon.

"RUKAWAA-

"Ma'am, umalis na po kayo dito-

"BUMALIK KA SABI DITO, RUKAWA MAHAL K-

Hindi ko na magawang banggitin pa ang mga huling katagang iyon dahil agad na akong kinaladkad ng dalawang guwardiya papalabas. Anumang pilit kong pagpupumiglas ay bigo ako.

Your Fictional WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon