31-Pag amin ni Mitsui

78 5 3
                                    

KIA

Para akong namental block sa biglang sinabi ni Rukawa. Hindi ko alam kong anong ibig niyang sabihin o kung tama ba yung narinig ko mula sa kanya. O sadyang lutang lang talaga ako sa ere ng pagkakataong yun kaya hindi ko siya narinig nang maayos.

Matigas akong napalunok nang laway bago napagpasyahang magsalita.

"Ayos na ako. Tara na." aya ko na lamang sa kanya at ipinagkibit balikat kung ano man yung narinig ko.

Narinig kong nagbuga lang siya ng hangin bago tumayo.

Hindi ko man sinabi sa kanyang alalayan niya ako'y ginawa na niya iyon at saka na kami tuluyang umalis sa dalampasigan.

Medyo madilim na rin ang paligid. Sa tansiya ko'y nasa alas sais na ngayon nang gabi. Tahimik lang akong nakasunod kay Rukawa sa daan. Kasalukuyang nakasalampak yung earphone niya sa dalawa niyang taenga. Kanina pa din hindi kami nag uusap.

Problema nito?

Kitang kita ko ang malapad na likod ni Rukawa dahil sa tanglaw nang ilaw ng mga poste rito sa daan.

Bigla akong napangiti ng pilit.
Ewan ko pero parang nakaramdam ako ng kaunting pagkirot sa puso ko.
Habang tinitignan ko siya mula rito ay para bang palayo siya nang palayo saken. Na para bang huling araw na namin itong pagsasama.

Weird.
Lumalabo na siguro itong mata ko.

Malalim akong napa buntunghininga at paulit ulit na iling ang ginawa at nag patuloy na lamang akong tahimik na sumusunod sa kanya.

Mabuti nalang din at hindi na nya bukambibig saken yung babaeng nasa sketch.
Hay..

Nakita kong huminto siya sa paglalakad at saka ako nilingon. Tinanggal niya yung earphone niya at saka ibinulsa.

Napaangat ako sa kanya nang tingin at huminto rin sa paglalakad.

Sinalubong ko siya nang nakakunot ang noo ko. Ibig sabihin lang na tinatanong ko siya kung may problema ba.

"Do you know na magkamukha kayo ng babaeng iginuhit ko?" biglang sabi niya.

Speechless..

Pansin niya rin pala iyon.

"Bakit mo naman nasabi?" tanong ko nalang at saka sumunod na rin sa kanya sa paglalakad. Lumakad na eh.

"Wala. Obvious naman." simple niya lang na sagot habang nasa daan yung tingin.
Wala na akong masabi kaya nanahimik nalang ako.

Yun lang yun?

Tss. Weird.

Pansin kong sinadya niyang bagalan yung paglalakad niya dahilan para magkasabay na kami ngayon.

"Gabi na, sasakay nalang tayo ng bus pauwi?" pambabasag niya pa ng katahimikan.

Hindi niya kase dinala yung bisikleta niya.

"Hindi na. Ayos lang naman saken ang maglakad." I just wanna spent my whole night with you, Kaede Rukawa.

"Ikaw? Baka gusto mo nang makauwi kaagad?" pagpapatuloy ko pa. I don't wanna ended up our conversation ng ganun ganun nalang.

"Hindi pa naman." tipid niya lang na turan at wala na akong mahagilap na sasabihin pa kaya back to silent mode na naman kami habang naglalakad.

Kahit pinagpiwasan siya kanina sa paglalaro at nagpalit rin naman siya ng T-shirt ay hindi pa rin maipagkakaila ang kakaibang bangong taglay ng Ace player na tu. Nakakainggit. Mukha pa ring katatapos niya pa lang maligo.

Your Fictional WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon