"What's on your mind?", hinawakan niya yung pisngi ko at tiningnan ako ng derecho sa mata.
Ang idols ay nagrerehearse ngayon, kami?? Nandito sa kwarto, pinalista lang ni Yoongi yung mga kanta na ipeperform ko and he even gave me somebody's song to memorize it. Di ko pa yun nasisilip. Magiging smooth naman daw ang lahat so I don't have to worry about our performances.
"Are you still worried?", tanong ulit nito nung walang matanggap na sagot sakin.
"I won't deny it. That worries will always remain even if I trust you. Hindi na yata mawawala yun. But then again, I'm trusting you". Nilapit ko yung mukha ko sakanya at idinampi yung labi ko sa labi niya.
Ngumiti siya nung maghiwalay ang mga labi namin.
"I swear I'll make it worth it. Thanks for trusting me!", niyakap niya ko ng mahigpit pagtapos nun ay nagpaalam siya dahil may importante daw siyang pupuntahan. Sisilip din daw siya sa venue.
Bukas na yung concert pero ni isang gagawin ay wala saking inutos si Yoongi, he's the one who's handling it. Si Chan and Ces ang katuwang niyang nag aasikaso ng lahat.
'Just spend all your time with our kids..'
Yan lang ang sinabi niyang pagtuunan ko ng pansin. Dahil alam niya daw kung gaano ako kasabik na makasama yung kambal. He doesn't even want me to check my phone kaya kinuha niya sakin yun.
Nagpadeliver ako ng mga sangkap dito sa bahay, gusto kong ipagluto ang kambal pati na rin sila tita.
"Kamusta po pala sila daddy?", tanong ko kay tita na nagpresintang tulungan ako sa pagluluto.
"Ayon abala pa din sa trabaho. Si Kayla naman ay masyadong tutok sa pag aaral. Pero pareho silang nag alala nung marinig yung balita about incident. Gustuhin man nilang sumama dito para makita at makamusta ka ay di nila magawa dahil sa kakulangan sa oras.", ngumiti ako sakanya at tumango.
"Okay lang po yun tita, nagkausap naman na po kami ni daddy. Naiintindihan ko po yun and mas mapapanatag nga po akong di sila gaanong nalalapit sakin para sure akong safe sila and di sila madadawit sa anumang nangyayari sakin". Sinserong sabi ko.
"Siguro sobra kang natakot at nangamba sa nangyari no. Sino kaya ang gagawa sayo nyan? Nawa ay mahuli na kung sinuman yon para mapanatag na yung kalooban mo. Basta iha nandito lang kami palagi ha". Hinawakan niya yung likod ko at hinimas yon.
"Maraming salamat po tita". Nakangiting sabi ko.
Wala pa ring lead sa kung sino ang nasa likod nung insindenteng nangyari, walang subpoena kase di pwedeng hulihin si Jane, but she cannot join her group's performance or even any appearances because she's still under investigation. Tho she's denying it so bad.
"Totoo bang muling nagpakita yung ex girlfriend ng asawa mo?", bigla akong napatingin kay tita.
Ex girlfriend?
Yan ang laging kiniclaim sa article na nagsspread out."She's not Yoongi's ex girlfriend tita nor his ex lover. Their lovestory didn't reach it's climax dahil hanggang courting part lang po sila. I know sa korea once na magkita ang dalawa romantically ay kiniclaim as dating but not on Yoongi's vocabulary.
"Eh bakit-- paano?", nababakas ko ang pagka interesado ni tita sa usapan naming ito.
"They were on their courting days when I got hired as one of their back up dancers. Akala ko rin sila but they keep denying it that time tho alam kong talagang may involved na feelings. Hanggang sa hindi inaasahang napalapit ako kay Yoongi, aso't pusa kami lagi. Hindi kami magkasundo as in, never nga ako naattract sakanya tita eh maybe because I'm engaged with Z. Pero when Zian betrayed me, nun ko naappreciate ang presence ni Yoongi. He's my comfort zone. He's been with me nung kinakain ako ng sakit. Pero walang anumang namagitan samin, then Shina found it out na lagi kaming nagkakasama ni Yoongi so she confronted me and right in front of my face sinabi ni Yoongi na tinitigil niya na yung panliligaw kay Shina. That he had enough. And that's how their story ended". Curious siya sa lovestory nila pero parang lovestory namin yung naisiwalat ko but seems like she liked it more.
BINABASA MO ANG
SEESAW - My Perslabstori Book 2 (ONGOING)
FanfictionIt was a good start The ups and downs, themselves Before I knew it, we grew tired With meaningless emotional drains Repeated seesaw game Now, I'm so sick of this Repeated seesaw game We're getting sick and tired of each other -BTS Suga (Trivia:Seesa...