SEESAW - 24

54 3 1
                                    

"Maupo ka nga dito, kanina ka pa di makali dyan". Hinila ako ni Xhia na nakaupo sa couch.

"Di ba tayo pwedeng umattend ng afterparty?", seryosong tanong ko, bakas sa labi niya ang pagpipigil ng tawa,

"Wala naman tayong invitation. Ano gusto mo? Mag gatecrash tayo? Gusto mong tumambad nanaman sa article yang ganda mo kinabukasan?", sarkastikang usal nito.

"Tingin mo aattend ng party si Shina?", tanong ko ulit. Bumuntong hininga muna siya bago sumagot.

"Malamang, bida bida yon eh! For sure sakanya ang spotlight lalo na comeback stage niya diba?! Teka nga, bakit ba kase ha?", she crossed her arms saka ako hinarap na akala mo nanay na sinisermonan yung anak.

"Iniisip ko lang magkakasama sila". Naningkit ang mata niya sa sagot ko.

"Eh ano naman? Di lang naman silang dalawa ang nandun, gusto mo ba pabantayan ko asawa mo kay Jin?", I rolled my eyes.

"May tiwala naman ako kay Yoongi--", she cut me off.

"Ayon pala eh, ano pang iniisip mo dyan?", nauurat na tanong nito.

"May tiwala ako sa asawa ko pero wala akong tiwala na malapit sakanya si Shina. Simula nung magkita kami after a long time. Iba yung dating ng awra niya sakin.", seryosong sabi ko at halata namang napaisip si Xhia.

"What do you mean?", derechong tanong nito.

"Para siyang sisira ng pamilya!"..

--

'Copycat'
'Siszums wannabe'
'Trying hard'

Yan ang mga salitang naririnig ko kay Xhia habang pinapanuod namin ang comeback stage ni Shina ft. Jane.

Like siszums nga masyadong daring and pasexy yung choreography nila. Ang alam ko dati hindi naman ganyon ang type ng performance ni Shina,

Ang title ng kanta niya ay 'Was Mine'. Hindi na ko magtataka kung sino din ang tinutukoy niya sa lyrics nito. Well it's too obvious.

"Move on girl, aish!! Pamilyado na yung tao for damn sake!", muntik ko pang maihagis yung unan dahil sa pagkagulat sa biglang pagsigaw ni Xhia.

"Hayaan mo na. Kahit ano namang sabihin niya wala ng mababago". Usal ko saka ako tumayo na.

"Magluluto lang ako for our dinner". Paalam ko pero nagsalita siya ulit.

"Di mo ba papanuorin yung performance ng bangtan?", tanong nito.

"Hindi na, makapagluto na para di tayo malate sa dinner", pilit na ngiti ang iginawad ko sakanya at tuluyan nang tumalikod.

Wala naman talang mababago diba?
Kahit anong pagpapansin at kahit anong sabihin niya, Yoongi is Yoongi. Kabisado ko yung pagkatao ng asawa ko--

"Ouch!", agad kong hinugasan yung daliri ko nung makita ang pag agos ng dugo mula dito.

"Tsk ako na nga ang magluluto, pull yourself together. Wala ka sa sarili mo". Dinunggol ako ni Xhia at siya ang naghiwa sa mga sangkap na lulutuin ko.

"Akala ko ba papanuorin mo ang performance nila?", tanong ko not minding what she have said.

"Dibale nalang, gabi gabi ko naman nakikita ang performance ni Jin. And that's enough", kinikilig pang sabi nito at napailang nalang ako.

"Silipin ko lang yung mga bata". Paalam ko. Kinuha ko yung basahan sa may ref at idiniin sa daliri ko para maimpit yung pagdudugo.

"Are you hungry sweeties?", tanong ko sa tatlo nung madatnan kong nagtatawanan habang nanunuod, syempre maliban kay Kneight na walang karea-reaksyon.

SEESAW - My Perslabstori Book 2 (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon