"You'll find out why I just can't easily let him go".. lumuwag ang pagkakahawak ko sa kamay ni Yoongi hanggang sa tuluyan ko yung mabitawan.
Napalunok ako dahil pakiramdam ko natuyo ang lalamunan ko. Tagus tagusan kong tiningnan si Yoongi saka ako nagmadaling talikuran sila.
"I think guys, I will go home first.", pagkabalik ko sa table namin ay agad kong kinuha yung purse ko at nagpaalam sakanila,
"All of a sudden Gela?", nagtatakang tanong ni Rm.
"May nangyari ba?", nag aalalang tanong naman ni Xhia. Imbis na sumagot ay lumingon ako sa likod, papalapit na si Yoongi--
"Is there something wrong?", pag uulit na tanong ni Hobi.
"A-Ah I feel sick. I have to go guys, I'm sorry". Pagkasabi ko nun ay nagpresinta pa si Hobi na ihatid ako pero sinabi kong kaya ko naman.
"Gela!", rinig ko pang tawag ni Yoongi pero di ko siya pinansin.
"Angelique-ssi, where are you going?", agad akong sinalubong ng reporter. Pero nakayuko lang ako at pilit silang nilalagpasan.
"Please, excuse me", pakiusap ko kaya kusa silang gumigilid.
Pagkalabas ko ay gulantang yung bodyguards kanina at dinaluhan ako.
"You don't have to guard me, the members are still inside". Usal ko pero di sila natinag, nakapaligid sila habang naglalakad ako.
Paano ba ko uuwi?
Wala bang dadaang taxi dito?--
"Gela!", hinawi ko yung kamay niya nung hawakan niya ko sa braso.
"Just stay here!", mariin pero mahinang usal ko na enough lang para marinig niya.
"No, let's go home!", pilit niyang hinahawakan yung kamay ko pero inilalayo ko to,
"AISH! What's your problem?", aburidong tanong nito. Napaiwas ng tingin yung bodyguards pero nanatili sila sa likod ko.
Kaninong bodyguards ba to? Diba sa bangtan members?
"Just give me the car keys and stay here". Imbis na sagutin siya ay inilahad ko yung kamay ko sakanya para hingin yung susi,
"No! Answer me first". Akmang hahawakan niya yung kamay kong nakalahad sakanya kaya agad kong binawi yun.
"Okay then, I'll just grab a taxi". Pagkasabi ko nun ay tumalikod na ko at lalayo na sana nung bigla kong maramdaman ang pag angat ng paa ko sa sahig,
"YAH! BRING ME DOWN!", Kahit anong pagpipitlag ko ay di siya natitinag.
Nagawa niya pang ipasa yung susi sa isang bodyguard. Binuksan niya agad yung passenger seat at pilit akong isinakay dun. Sinensyasan niya pa yung isang body guard na parang sinasabing bantayan yung pintuan dahil baka lumabas ako.
Pagkasakay niya sa driver seat ay agad niyang pinindot yung lock ng pintuan.
"AISH!", Inis ko siyang inirapan saka ako bumaling sa gilid.
Is the night couldn't be more suffocating for me?? I hate this.
Napaigtad pa ko nung ikabit niya yung seatbelt sakin, pero di ko pa rin siya tinitingnan.
Di na rin siya kumibo pa at pinaandar na yung kotse,
Habang nasa byahe ay kinakagat kagat ko yung labi ko para di mag tuloy yung pagtulo ng luha ko,
Masyadong gulong gulo ang isip ko.
Nasasaktan ako sa di mawaring dahilan--"What's the problem? I ain't doing anything wrong my love". Malumanay na sabi niya pero di nun napapagaan ang loob ko. Mas bumibigat pa dahil parang wala siyang kaalam alam sa nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
SEESAW - My Perslabstori Book 2 (ONGOING)
FanfictionIt was a good start The ups and downs, themselves Before I knew it, we grew tired With meaningless emotional drains Repeated seesaw game Now, I'm so sick of this Repeated seesaw game We're getting sick and tired of each other -BTS Suga (Trivia:Seesa...