"N-Nandito si Shina??", gulat na tanong ni Xhia nung ikwento ko sakanya yung nangyari sa hospital, siya lang ang nandito nung magising ako dahil magkakasama daw ang members pati na si Yoongi. And I don't know where they are.
"Yes, and di ko nga ineexpect na magkikita kami ulit after a long years". Sa totoo lang ay di ko maipaliwanag kung bakit pinagtagpo ulit yung landas namin.
Walang ano anong natahimik ang pangalan niya sa showbiz, ni wala nga akong naginh balita sakanya nung pasibol na yung career ng The Siszums eh--
"Masama ang kutob ko dyan sa muling pagpapakita ni Shina. Mag ingat ka Gela baka may kung anong binabalak yung bruhang yon.", napatango ako sakanya, naisip ko na din yon. Tho wala naman akong alam na reason para umeksena siya ulit.
"O-Oh teka diba't si Jane eh nandito din sa Hong Kong? Tingnan mo nga naman oh nagkataon talagang nasa iisang bansa kayo". Natatawang usal ni Zhia.
"Yes, pero wala namang bali balita kung anong ginawa niya dito, buti din at hindi nag aabot yung landas namin--", Xhia cut me off,
"Baka mamaya nandun na din yung sa hospital, nagpapaganda ng image tulad nung bruhang Shina". Napabuntong hininga nalang ako.
"Hay nako ewan ko ba naman, dapat ay hindi ko sila iniisip dahil top priority ko yung mga fans na affected sa incident. Saka ko na sila pagtutuunan ng pansin--", pinutol nanaman niya ko sa pagsasalita,
"Mentras mo nga di pinapansin saka nagpapapansin eh, oo nga pala si Zian? Anong reaction ni Yoongi nung idefend ka rin ng ex fiance mo?", naiintrigang tanong nito.
"Hahaha biruin mo yun, nakaharap niyo ex mo tapos ganon na din ex niya--", this time ay ako naman ang nagputol sa sasabihin niya,
"Hindi naman naging sila Xhia, so hindi natin masasabing ex lover siya ni Yoongi. Hindi ko nakita yung reaksyon ni Yoongi habang nagsasalita si Zian kanina, but I think after what happened wala naman na yun sakanila, matagal na yon and we have our own families na", sagot ko at napaisip naman siya bigla,
"Sure kang pamilyado na rin siya?? Diba't hindi naman nagwork yung kasal nila?", tanong pa nito.
"S-Siguro, e-ewan ko. Basta mukha naman siyang masaya. Kaya okay na okay na ko dun". Nakangiting sabi ko at tumango tango nalang din siya.
Maya maya lang ay biglang pumasok sa kwarto si Cliff, at walang ka abog abog na inabot sakin yung mga litratong hawak niya,
"Do you know her??", tanong niya, agad kong pinag tuunan ng pansin yung mga pictures na kuha sa cctv kaya may kalabuan.
"S-Si Jane yan diba? Sa tindig and postura", usal ni Xhia na tutok din ang tingin sa mga litrato,
"Oo siya nga, pero di ko maidentify kung sino tong kausap niya dahil balot na balot at halatang ayaw makilala". Sa picture kase ay may kaharap si Jane, tho likod ang kita namin tapos bukod dun ay may balabal pa yun na parang tinatago yung mukha niya--
"That was taken night before your fanmeeting". Saad ni Cliff,
"I knew it, dumating si Jane dito nung umaga before yung araw ng fanmeet. And naalala kong isa sa nakaattach na picture sa article ay may kausap din siyang babaeng balot na balot, posibleng iyan din yung babaeng yon". Tuloy tuloy na sabi ko.
"W-Wait posible kayang may kinalaman si Jane at yung babaeng kausap niya sa nangyaring insidente? Come to think of it, may sinasabi siyang big project dito diba? Eh wala namang nirerelease yung agency nila about their upcoming project. Ayokong magbintang pero Cliff saan kuha tong cctv??", mala detective na tanong ni Xhia,
"Sa rooftop kung saan sinasabing dun huling nakita yung chopper na ginamit para magpaulan ng bullet--". Nasamid ako pagkarinig yon.
"I knew it! I knew it!", siguradong siguradong sabi ni Xhia.
BINABASA MO ANG
SEESAW - My Perslabstori Book 2 (ONGOING)
FanfictionIt was a good start The ups and downs, themselves Before I knew it, we grew tired With meaningless emotional drains Repeated seesaw game Now, I'm so sick of this Repeated seesaw game We're getting sick and tired of each other -BTS Suga (Trivia:Seesa...