/ Clark International Airport /
Pagkalapag namin ay agad kong tinawagan si Rio,
"Where are you?", tanong ko.
"Kayo ba? Sasalubungin ko nalang kayo. Saan ba kayo banda?", luminga ako.
"Sa entrance na lang tayo magkita baks". Pagkasang ayon niya ay pinatay ko na agad ang tawag.
Ibinaba ko yung cap ko para hindi masyadong makita yung mata ko, I am wearing a mask, maging ang kambal na akay ko sa magkabilang kamay ay pinagsuot ko din ng mask.
Wala naman sigurong makakakilala sakin. I'm wearing a mom jeans and a white oversized printed shirt na medyo naka tucked in ang harapan.
Sa ilang minutong pananatili namin dito sa loob ng airport ay puro kaba ang nararamdaman ko,
Paulit ulit ako ng sinasabi sa isip ko.
Na sana walang makakilala sakin kahit isa.
Gusto nila Cliff na pasamahan ako ng bodyguards pero sinabi kong mas makakaattract lang kako ng atensyon pag may bodyguard,
Si Mary ang pinasunod ni Ces.
Siya ang magdadala ng maleta namin at makakatuwang ko sa kambal, tanging yung bag ko lang ang dala ko with my wallet and phone. Mamayang tanghali lang naman ang flight niya.Alerto ko, isang kislap lang ay napapatingin ako dahil baka may kumukuha samin ng nakaw na litrato pero tanging mag nagseselfie ang pinanggagaling ng flash--
"Gelaaaaaa!!", napapitlag ako nung may sumigaw.
Nakita ko si Rio na patakbo palapit. At niyakap yung kambal.
"Kala ko may nakakilala na sakin. Tsk buti hindi mo ko tinawag na Angelique kundi! Tsk tsk", palatak na sabi ko na napapailing.
"Imissyouuu so muchhh!", tumayo siya at niyakap din ako.
"I miss you!", agad kong ginantihan ang yakap niya.
"Let's not stay here longer. Let's go outside", usal ko.
"Ah okay okay. Now who wants to be carried by your fairy god mother?", nakalahad pa yung braso niya.
Tiningnan ko yung kambal, halata sa mata ni Deigh na nakangiti siya, si Kneight naman ay nanatiling derecho ang tingin.
"Hahahahahaha!", tawa ko nung makita si Kneight na sensyasan yung kapatid niyang lumapit kay Rio, meaning, ayaw niyang siya ang buhatin nito.
"Yoongi'ng yoongi ah!", nanlaki mata ko sa sinabi niya.
"Watch your mouth, Rio! Baka may makarinig sayo". Napatakip naman siya ng bibig at tiningnan kung may tao bang malapit samin.
"Sorry baks hehe tara na". Lumapit na siya kay Deigh at binuhat ito. Habang si Kneight naman ay akay ko pa din.
"Look, is she a celebrity? Look at her skin and her figure". Nakarinig ako ng nagsalita sa gilid, may dalawang babaeng magkausap ang nakatinginan ko,
Yumuko ako at agad na binawi ang tingin ko.
'Hintayin niyo muna kaming makalabas please'
"I think she's Korean, look at the little boy she was holding, I like his eyes omg!", rinig ko pang sabi.
"Parang may kilala kong kpop idol na ganyan din yung mata--", ani nung isa,
"Lahat naman ng korean, singkit.",
"No, iba iba ang pagkasingkit nila, sino ba dun ang tinutukoy mo?",
"May kpop idol na bang may anak?",
BINABASA MO ANG
SEESAW - My Perslabstori Book 2 (ONGOING)
Hayran KurguIt was a good start The ups and downs, themselves Before I knew it, we grew tired With meaningless emotional drains Repeated seesaw game Now, I'm so sick of this Repeated seesaw game We're getting sick and tired of each other -BTS Suga (Trivia:Seesa...