#RespectAngelique is now trending in Ph and Korea. And I don't know why.
Nagulat pa ko nung biglang tumunog yung phone ko, tumatawag si Xhia.
"Nagkakagulo sa social media ah. Kamusta kayo ni Yoongi?", bakas sa tono niya ang pag aalala.
"Kakabukas ko lang ng phone ko, nagtataka ko kung bakit trending yung #RespectAngelique, anong meron? Kakatapos lang ng final shoot ko.", walang kaalam alam na tanong ko.
"Nag aaway ang mga fans niyo ni Yoongi, ang daming galit kay Yoongi dahil iniisip na pinapabayaan ka dahil daw ang inaasikaso is yung anak niya sa ibang babae. Madaming Filipino fans ang galit na galit. Na sana daw nirespeto ka man lang ni Yoongi.", ayan na nga sinasabi ko eh mas nagiging malaki yung ingay nito sa fans.
"Maling desisyon yata yung naglabas ako ng dance cover". Usal ko. I don't want to put Yoongi on fire.
"N-No. You're obviously showcasing your dance ability there, they're just see it in a different way and ayon nga yung napansin nilang hindi ka okay so they jumped into conclusion na pinababayaan ka ni Yoongi, sinabayan pa nung picture na pinost ni Shina sa sns" a-anong picture?
"Ang daming media sa harap ng bighit building. Umulan naman daw ng flowers and gifts sa office nila Cliff and that's all for you. Ngayon hating hati yung mga fans niyong mag asawa. Mas grabe pa yata yung war nila kaysa sa fandom war na madalas nangyayari sa pagitan ng mga idols.", this is so stressful.
"Kailan pa to? 2 days na ang nakalipas nung irelease ko yung dance cover ah? B-Bakit kaya hindi binanggit sakin ni Yoongi yung tungkol dito?", naisaboses ko yung dapat ay nasa isip ko lang,
"Nasan ba asawa mo? I hope wala siya sa bighit building ngayon. I'll send you the picture that Shina posted. Nagkakagulo ang media at fans sa harap ng building, even the haters nagkaroon ng chance para ibaba si Yoongi", parang biglang nadurog ang puso ko.
He doesn't deserved this.
Pero ano nanaman ba kasi yun Shina."I'll talk to him, and yeah please send me the picture. Thankyou". Agad kong ibinaba yung tawag. I don't want to be the reason of his downfall. Marami na siyang napatunayan at napagtagumpayan sa entertainment industry. I need to do something para di siya maipit sa ganitong sitwasyon. Pero kung sasabay si Shina ewan ko nalang talaga.
Tumawag ako sa kasambahay, at nakahinga ako ng maluwag nung malamang hindi umalis ng bahay si Yoongi.
Tiningnan ko yung sinend na litrato ni Xhia, stolen shot yun ni Yoongi at Shine, halatang masaya at nag eenjoy nang magkasama, itinaon pa kasing usap usapan yung tungkol sa napansin sa dance cover ko edi mas sinilaban niya lang yung apoy. Jusko naman!
Ang dami kong calls na natatanggap pero ni isa ay walang tawag from Yoongi,
"Where's Yoongi?", tanong ko kay Aling Rosie pagkasalubong ko sakanya pagbaba ko ng kotse,
"Huli ko po siyang nakitang nakikipaglaro sa kambal, pero agad din pong nawala sa paningin ko nung kailangan ng paliguan ni Mary yung mga bata", tumango ako sakanya.
"Tingnan ko nalang ho sa kwarto--", pinutol niya yung sasabihin ko,
"Wala din po siya sa kwarto niyo, galing po ako dun para kunin yung nalantang bulaklak". Muli akong tumango sakanya,
Alam ko na kung saan siya makikita kung ganong wala din pala siya sa kwarto.
Sa genius lab.
Dun agad ako dumirecho, nakatatlong katok ako pero walang nagbubukas ng pintuan kaya pumasok na ko,
Nakita ko siyang nakayukyok sa harap ng monitor, he's sleeping.
Gusto kong malaman kung ano ang nararamdaman niya. Kung ako nag ppretend na okay lang, siya naman di talaga showy kaya di mo mahahalatang may pinagdadaanan.
BINABASA MO ANG
SEESAW - My Perslabstori Book 2 (ONGOING)
FanfictionIt was a good start The ups and downs, themselves Before I knew it, we grew tired With meaningless emotional drains Repeated seesaw game Now, I'm so sick of this Repeated seesaw game We're getting sick and tired of each other -BTS Suga (Trivia:Seesa...