SEESAW II - 43

55 3 0
                                    

Pagkaparking ay agad kaming bumaba, madaling araw palang at gantong oras maganda mamalengke,

Tinakasan ko yung bodyguards ko na pinadala ni Cliff, dapat din ay si Rio lang ang pupunta ng bayan pero kase I miss doing this.

Mamayang gabi ang blessing sa bahay. Kaya kailangan naming mamili para sa handa. Sinabi nilang mag catering service nalang daw para hindi na ako mapagod pero kase ang dami kong namiss na gustong balikan dito sa probinsya,

Yung may mga nagluluto sa labas ng bahay na gamit ang malalaking kawa, yung kita mo ang pag kakatay ng baboy at manok. Yun ang makikita mo everytime may handaan. Kaya gusto kong ganon ang mangyari. Besides marami naman kaming magtutulong tulong.

"Di ka man lang nagcover kahit facemask man lang". Usal niya. Exposed nga ang mukha ko, nakapanjama pa nga ako at malaking tshirt lang.

"Okay lang yan, wala naman gaanong tao siguro ng gantong oras", isa sa dahilan kung bakit maaga kaming umalis,

Inuna namin ang mga gulay, si Rio ang nakikipag usap. Ako lang ang tagapili at taga abot ng bayad--

"Tawad ate dalawang kilo naman bibilin namin", nakapout na usal niya,

"Wag ka ng tumawad", saway ko sakanya. Sinimangutan niya naman ako.

"Sige na ate wag na daw ako tumawad, eto po keep the change na". Hindi naman na ko nagreklamo nung iabot niya yung 200 bayad sa 135 pesos na ilang sangkap,

"Nakalimutan kong bigatin nga pala kasama ko". Tatawa tawang sabi niya.

"Kaunti lang kase ang kinikita nila dun bakit pa natin tatawaran.", sabi ko. Namamangha siyang tumingin sakin,

"Wow, parang dati lang sa tuhog tuhog ng fishball pang sampung piso kinukuha mo tapos lima lang binabayad mo. Tsk tsk!", pang iinis nito.

"Dati yun!", nauubusan ng pasensyang sabi ko nalang.

Kailangan din naming bumili ng baboy and manok, yung dalawang baboy kase na kakatayin sa bahay ay for lechon kaya kailangan namin for ibang putahe.

"Siya yung artista sa ibang bansa diba?", tanong nung ale kay Rio habang nakaturo sakin.

"Ah opo", sagot nito.

"Idol siya ng anak ko, pwede ba magpapicture sakanya?", diko alam kung bakit si Rio ang tinatanong niya.

"Ah eh hehe siya po ang tanungin niyo.", nahihiyang sabi ni Rio.

"Eh nakakaintindi ba ng tagalog?", nagkukuling tanong nung tindera.

"Opo pinay din po yan. Magsalita ka kasi!", dinunggol niya ko sa braso.

"Ah hello po", ngumiti at tumango ako dun sa ale. Nagningning naman ang mata niya.

Naiilang ako dahil nakatitig lang siya sakin,

"Napakaganda mo naman iha". Puri nito sakin.

Ngumiti ako at nagpasalamat saka patuloy pa din ang pagdutdot sa karne,

"Pwede bang magpapicture? Idol ka kase ng bunso ko", galak na tanong nito.

Tumingin ako kay Rio, luminga linga naman siya at nagaya na din ako. Wala naman sigurong makakapansin, dahil ilang beses na kong nakuyog ng fans everytime na may mapagbibigyan akong magpapicture.

Lagi rin iyung nasa local news, kaya nga nagpadala ng bodyguards si Cliff eh.

"S-Sige po", safe naman siguro ngayon.

Hinubad niya yung apron niya saka dinukot dun yung phone niya,

"Rio, please. Thanks", inabot ko to sakanya para kuhanan kami.

SEESAW - My Perslabstori Book 2 (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon