Kasabay ng pagkumot ko sakanya ay ang pagmulat ng mata niya,
Namumula sa lamig ang pisngi at palad niya.
Tinapunan niya ko ng tingin at bumaling sa kumot na ipinatong ko sakanya.
Bumuntong hininga muna siya saka bumangon, hindi niya pinulot yung kumot na dumausdos sa sahig at walang sabi sabing nilagpasan ako.
Natameme pa ko saglit bago ko siya sundan ng tingin, dumirecho siya sa kusina. Hindi ako umalis sa pwesto ko nakatingin lang ako sa bukana nun, hanggang sa lumabas siya dun at dumirecho paakyat sa second floor.
Well obviously, he's ignoring me.
Napabuga nalang ako ng hangin saka pinulot at tiniklop yung kumot. Inayos ko din yung sapatos niya, iniisip ko kung iaakyat ko ba yun sa kwarto pero napagdesisyunan kong igilid nalang muna sa staircase.
Dumirecho ako ng kusina, makapagluto nalang kaysa isipin yung pambubugnot nung isa.
Sinangag ko yung natirang kanin last night, saka ako nag egg omelette at nagprito ng bacon and hotdogs. Inihain ko lang yun sa lamesa para derecho kain na sila pagbaba, 7:30 naman na and usually 8 gising na yung kambal.
Ako naman ay uminom lang ng kape at kumain ng isang loaf of wheat bread.
Saktong alas otso nga nung ibaba ni yaya Mary yung dalawa.
"Goodmorning mommy". Bati ni Deigh sakin at humalik sa pisngi ko si Kneight naman ay naupo na agad at tumusok ng hotdog.
"Goodmorning sweeties". Nakangiting bati ko at agad na inasikaso na sila.
"Where's dad?", tanong ni Kneight na lumilinga pa.
"Oh there". Turo ni Deigh sa hagdan at oo nga pababang naglalakad si Yoongi dun.
"Let's eat". Mahinang aya ko. Nakapagpalit na siya ng damit. Wearing a stripe shirt and a jogging pants.
"Goodmorning daddy". Malambing na bati ni Deigh sakanya.
"Goodmorning son". Ginulo niya yung buhok ng anak bago pumwesto sa harap ng lamesa, usually ay magkatabi kami pero sa tabi siya ni Kneight naupo.
Hindi niya pinansin yung fried rice ko. Yung omelette and bacon lang ang kinain niya.
Tahimik lang kami at panay si Deigh lang ang salita ng salita tungkol sa cartoons na pinanuod daw nila last night nung nandito si Pinky,
"Ma'am Gela, there's a mail for you", inabot sakin nung isang kasambahay yung maliit na envelope. Nakaribbon ng pink at humalimuyak ang bango nun nung ilapit ko sa ilong ko.
An invitation.
Napansin kong napalingon sa side ko si Yoongi. Maybe wondering what this mail all about.
Pero bago ko pa buksan yun ay tumunog yung phone ko na nasa bulsa ng hoody na suot ko.
"Yeoboseyo?", it's from unknown number.
'Noona, it's Daniel. I got your number from Manager Cliff. Are you free today?'
Aga namang tumatawag nito.
"I'll check my schedule but waeyo?", tanong ko pabalik.
'I want to treat you, I want you to know that I'm so grateful you accepted our proposal'
Natawa ko ng mahina, ang cute niya para siyang bata,
"Don't mention it, Daniel--", natigilan ako nung tumayo bigla si Yoongi at padarag na binagsak yung tinidor sa plate niya,
BINABASA MO ANG
SEESAW - My Perslabstori Book 2 (ONGOING)
FanfictionIt was a good start The ups and downs, themselves Before I knew it, we grew tired With meaningless emotional drains Repeated seesaw game Now, I'm so sick of this Repeated seesaw game We're getting sick and tired of each other -BTS Suga (Trivia:Seesa...