SEESAW II - 46

63 2 0
                                    

"Why do you have to do that?", usal ko dahil ayaw niyang magpapigil.

"Because I want to. I miss doing this for you", tinaasan ko siya ng gilid ng labi.

"Yeah but I'm supposed to do that because we're lost. That's our deal. Give it to me". Inaagaw ko sakanya yung sandok pero ayaw niyang ibigay sakin,

"It doesn't matter. I'm not doing this because of the deal. I just want to cook for you and our kids. Leave it to me, love.", nginitian niya ko saka tinap yung ulo ko na parang bata--

"Ate!", napalingon ako, boses ni Kayla yun. Umuwi na sila kanina ah.

"Kayla?", nagtatanong ang tono ko, nagpaalam ako kay Yoongi na lalabas ng kusina at tumango naman siya,

"Oh bumalik ka?", bungad ko pagsalubong sakanya, hanggang sa makita ko yung dalawang may edad na babae ang dumungaw sa pintuan, kaso agad na humarang yung dalawang body guard, tinanguan ko sila para sabihing kilala ko yung bisita kaya tumabi din sila agad.

"O-Oh Mrs. Dela Cruz and Mrs. Santos", napatakip sa bibig na sabi ko saka ako lumapit sakanila at nagmano.

They were my elementary advisers. Ofcourse I still remember them, sila ang nag guide sakin sa mga dance competition nung nag aaral pa ko,

P-Pero paanong? A-Anong sadya nila dito?

"Kaawaan ka ng Diyos iha, nakakatuwa naman at naaalala mo pa kami. Totoo nga ang sabi nila na wala kang pinagbago". Nakangiting sabi nila na nagniningning pa ang mata habang nakatingin sakin.

"Pasok po at maupo po muna kayo.", iginiya ko sila papasok sa sala at pinaupo.

"Ate nanghingi kasi sakin ng favor sila ma'am Dela Cruz na makita ka and I know you don't mind", tumango ako at nag okay sign kay Kayla na nakaupo sa sofa,

"Oo naman no. Ipaghanda mo sila ng makakain, Kayla", sabi ko at tumango naman siya.

"Sure ate, maupo ka na dyan". Hinawakan niya ko sa braso at pinaupo saka niya kami iniwan sa living room,

"Oppaaaaaaaaaaaa!!", napasapo ko sa noo nung marinig ko ang sigaw niya. Hindi ko alam kung bakit parang bago ng bago kay Kayla pag nakikita si Yoongi.

Nawala sa loob kong si Yoongi nga pala ang abala sa pagluluto ng pagkain.

"Pagpasensyahan niyo na ho hehe", naiilang na sabi ko dahil nagulat sila Mrs. Dela Cruz, after ng kamustahan ay may inusal si Mrs. Santos,

"Ang totoo iha eh bukod sa gusto ka naming makita ay may sadya rin kami saiyo". Tatango tango akong nakikinig sakanya,

"Ano ho iyon?", nakangiting tanong ko--

"Susmaryosep!", nagulat ako nung mahulog sa pagkakaupo si Mrs. Santos, nakatakip pa ang kamay sa bibig niya kaya agad akong lumapit para tulungan siyang tumayo,

"Hehe", napalingon ako nung may biglang tumawa, tho alanganin yung tawang yon,

S-Si Yoongi. May bitbit siyang tray ng pagkain at ipinatong yun sa lamesa.

Nagtatanong kong tiningnan si Kayla pero naka tutok ang atensyon niya kay Yoongi na kumikinang kinang pa ang mata habang nakangiti, hays ang sabi ko siya ang maghanda ng pagkain bakit si Yoongi ang pinalabas niya?

"Annyeonghaseyo", nakayukong bati niya saka naglakad patabi sakin.

"Mrs. Dela Cruz and Mrs. Santos this is Yoongi, my husband. Yoongi, they're my elementary advisers.", pagpapakilala ko sakanila,

"H-Hi, my son is a big fan of yours". Nakangiting usal ni Mrs. Dela Cruz at halatang nahihiya nung ilahad niya yung kamay kay Yoongi,

"Oh thankyou. Nice to meet you!", agad na inabot ni Yoongi yung kamay niya para magshakehands, ganon din kay Mrs. Santos na hindi pa rin makapaniwala sa kaharap niya.

SEESAW - My Perslabstori Book 2 (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon