"Ate, ang daming bisita eh". Ungot ni Kayla. Kakapark lang namin ng car nandito kami sa reception ng binyag ng anak ni Rio. Kayla is with us.
Tomorrow morning pa ang flight namin pabalik sa Korea kaya may time pa to pay a visit ofcourse. Nandito na rin kami bakit di pa kami pupunta.
Hindi na nga lang kami sumama sa simbahan dahil need magpahing from yesterday shoot kaya dito na sa reception ang naabutan namin at 2PM na rin kase. No one between us naman ang kinuhang ninang or ninang dahil inaanak ko na yung first child niya.
"We are here as visitors din naman. We don't have to cover up, love. It's okay". Usal ko dahil nag aalangan siya kung magcacap and mask pa ba siya.
We are in a black and white style today, printed black shirt ang suot niya ako naman ay printed white shirt. Si Kayla ay suot yung dress na binigay ko sakanya.
"Bumaba na yung bodyguards nito ate". Saad ni Kayla kaya napatingin ako sa bintana at palapit na sila sa kotse namin. Naka convoy kase sila simula pa nung umalis kami ng bahay.
Ofcourse with Cliff's permission naman ang pagpunta namin dito, but still he sent bodyguards. Mas mabuti na rin naman yun. Tatlo lang din naman sila. They have to look after Yoongi because I'll be fine naman, basta comfortable ang asawa ko.
Nagpasya na rin kaming bumaba, si Yoongi ang sa driver seat, I was on the passenger seat and Kayla's on the backseat. Dalawang bodyguards ang dumalo sakin at isa kay Yoongi hanggang sa magsabay sabay kaming tatlo ng lakad.
'Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah-ackssxvsdsdfvc'
Nabulunan yung bisitang tumili, naagaw agad ang atensyon ni Rio kaya agad itong lumapit samin,
"Glad you came". Bumeso siya sakin at ganon din kay Yoongi and Kayla.
"Ofcourse". Nakangiting usal ko. Kabi kabilan flash ng camera na ang naririnig ko,
"Dun nalang kayo pumwesto sa loob baks. Sila papa lang yung nandun. Tara". Nag aalalang aya ni Rio dahil halata mong hindi kumportable si Yoongi, hinawakan ko din ng mahigpit ang kamay niya. Si Kayla naman ay nasa kabila ko clinging her arm on mine.
Iginiya niya kami papasok, nagmano at bumati ako sa papa niya na buhat buhat yung bagong baptist na baby.
Sumunod na nagmano si Kayla at syempre Yoongi's used to do it too.
"Iha mabuti at nakarating kayo. Aba'y talaga namang totoo pala ang sinasabi ni Rio na ang gandang lalaki ng napangasawa mo". Usal ni tito na ngingiti ngiti pa ang mata habang babaling baling kay Yoongi na walang magawa kundi ngumiti lang.
"Tito syempre maganda rin naman si ate." Usal ni Kayla kaya natawa kami.
"Aba'y oo naman iha. Hindi lang sa panlabas na anyo maganda yang anak ko na yan kundi maging ang kalooban nyan. Kaya naman lahat ng tinatamasa niya ngayon ay talagang deserve niya.", I pouted after hearing what he have said.
"Tito naman eh". Parang batang usal ko. Kinuha ko sakanya si baby Renren at kinandong ito.
"Nasaan pala ang mga bata?". Tanong niya sakin.
"Naiwan ho sa Korea. May inayos lang po kase kami kaya kami nauwi dito. Babalik din po kami bukas ng umaga dun". Nakangiting sagot ko habang hinahalik halikan ang pisngi ni RenRen.
"Nakakatatlo na ang kaibigan mo. Kayo ba kailan niyo balak sundan ang kambal?", Nagkatinginan kami ni Yoongi, ngumiti lang ito sakin hindi ko alam kung nakakarelate ba siya sa usapan namin dahil tagalog na tagalog kumausap ang papa ni Rio.
Bumulong si Kayla kay Yoongi na siguro ay trinanslate ang sinabi ni tito. Hindi siya umimik tumango tango at nangingiti ngiti lang siya.
"Masyado pa po kaming busy tito. Hindi pa po namin matutukan ng maayos. Pero kung mabibigyan naman po ulit eh why not. That's a blessing". Nakangiti pa ring usal ko. Napansin kong nilalaro ni Yoongi ang mumunting mga kamay ni Renren at di ko mapigilang mapangiti lalo.
BINABASA MO ANG
SEESAW - My Perslabstori Book 2 (ONGOING)
FanfictionIt was a good start The ups and downs, themselves Before I knew it, we grew tired With meaningless emotional drains Repeated seesaw game Now, I'm so sick of this Repeated seesaw game We're getting sick and tired of each other -BTS Suga (Trivia:Seesa...