15

1.2M 54.7K 171K
                                    


"Congratulations, Yanna at Sam!" 


Tuwang tuwang nagpasabog ng party poppers 'tong si Luna pagkapasok ni Yanna at Sam sa loob ng bahay nila Sevi. Nakasuot pa sila ng toga at 'yong cap nila dahil kakatapos lang din ng graduation nila. Napangiti kaagad si Sam at tinanggal ang cap para ilagay sa gilid saka inayos ang buhok. 


Habang palapit nang palapit ang college admission tests, mas lalo akong nagiging lito sa kukuhanin ko. Naalala ko ang tuwa namin nang makapasa si Yanna sa FEU, at si Samantha sa Ateneo. Nakapasa rin sila sa ibang universities pero mas masayang doon sila sa gusto talaga nila, pero kaakibat ng tuwa ay ang inggit ko sa kanilang dalawa dahil alam nila ang kursong gusto nila at masaya sila roon. Ako ba? Kailan ko kaya malalaman? 


"Huwag kayo masyadong maingay. Tulog si Sofia," pagbawal sa amin ni Sevi at tinakpan pa ang bibig ni Luna. Nadagdagan na nga pala ang kapatid ni Sevi noong pinanganak ang bunso nilang babae. 


"Ang tatanda n'yo na," sabi ko sa kanila at tumawa habang nakaupo kami ni Arkin sa may sofa. Ang bilis pala lumipas ng panahon. Simula noong natalo kami sa volleyball ay wala na 'kong ginawa kung hindi mag-focus na lang sa pag-aaral ko at gumala kasama sina Luna. Madalas kami lang mga babae dahil si Kino ay abala pa rin sa Music club. 


Mas gumaan na ang loob ko pagkatapos kong umalis sa volleyball team dahil wala na 'kong iniisip na training pagkatapos ng klase. Iyon nga lang, kailangan ko pa ring mag-workout para hindi maging masama sa katawan ko ang biglaang pagtigil. 


"Tayo na ang next na mag-eexam. Sam, pahingi ng reviewers, a'!" Sabi ni Kierra habang naghahanda ng pagkain. 


"Sure, nasa bahay lang siya. Anyway, I can't stay here for too long. I need to attend my graduation party." Ngumuso si Samantha, mukhang nalungkot. "My driver will be here in 2 hours." 


"Ano ba 'yan? Graduation party mo lang naman 'yon. Bakit kailangan ka roon?" Reklamo ni Sevi sa kaniya. 


"Joke ba 'yan o bobo ka talaga?" Tanong naman ni Yanna, nakataas ang isang kilay. 


"Bakit ang tahimik mo naman diyan, Kino? Anong ginagawa mo?" Curious na tanong ni Luna at sumilip pa sa cellphone ni Arkin. Napatingin din ako roon at natawa nang makitang naglalaro pa rin siya ngayon noong bolang tumatalbog. 


"Kailangan ko matalo ang high score ni Via," desididong sabi niya at nag-focus na ulit doon sa ginagawa. "Sabi niya, may wish daw ako kapag natalo ko siya." 


Alam ko namang hindi magaling si Kino sa mga larong ganiyan kaya hinayaan ko na lang siya sa mga kondisyon niya. Hindi ko alam na seseryosohin niya pala masyado 'yon. Kahapon pa niya sinusubukang talunin ang score ko pero hindi niya magawa-gawa. Ayaw pang sumuko ng kumag na 'to. Baka hanggang kolehiyo ay naglalaro pa rin siya niyan. 


Nang sinabi ni Kierra na kakain na, kinuha ko kaagad ang cellphone kay Arkin para sabihing itigil niya muna 'yon kaya naman sinamaan niya 'ko ng tingin na parang batang nagmamaktol. Tumaas ang kilay ko at tinago sa likod ko ang cellphone niya kaya mas nainis siya at padabog na naglakad papunta roon sa lamesa. Tumawa ulit ako sa itsura niya dahil namumula siya sa inis. Malapit na raw kasi niya matalo score ko tapos bigla kong kinuha. 

Golden Scenery of Tomorrow (University Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon