49

1.2M 54.5K 161K
                                    


"Doon ka na ulit magtatrabaho?" 


Tumango ako kay Aidan habang tinutulungan niya akong mag-impake ng mga damit ko. Inasahan ko na 'to pero kumikirot pa rin ang dibdib ko tuwing naiisip na nangyayari na naman 'to. Tinutulungan niya na naman akong mag-impake dahil iiwan ko na ulit sila. 


"Anak, ang iba mo pang damit. Nilabhan ko na 'to kagabi..." Pumasok si Papa sa kwarto ko at nilapag ang mga damit ko sa kama. Napangiti ako sa kaniya nang tipid nang makita ang lungkot sa mga mata niya. 


"Pa, huwag kang mag-alala. Nariyan naman si Mira... Hindi kayo papabayaan noon," I assured him again pero mukhang hindi iyon ang problema niya. 


"Hindi naman ako nag-aalala para sa kapakanan namin, anak. Mas gusto ko lang talagang narito ka... at nababantayan ko kung kumakain ka nang maayos o kung okay lang ba ang pakiramdam mo." Nakita kong paiyak na naman siya kaya tumawa ako at tumayo para yakapin siya. Pinipigilan na niya ngayon ang iyak niya sa balikat ko. 


"Pa... Huwag kang mag-alala sa akin. Mas mag-alala ka sa sarili mo... Huwag mong kalimutan uminom ng gamot at huwag kainin 'yong mga bawal sa 'yo. Ako, malakas pa ako at kaya ko ang sarili ko!" Ngumiti ako at tinapik ang balikat niya. "I'll be okay..." 


"Nag-aalala si Papa dahil hindi ka naman nagsasabi kapag hindi ka okay, Ate." Napalingon ako kay Ysha na nakasandal sa may pinto at sumisilip sa amin. "Gaya noong nakaraan, wala kaming masabi dahil hindi ka nagsasalita sa nararamdaman mo..." 


"Kaya ko naman kasing harapin ang mga 'yon mag-isa," sabi ko naman.


"Hindi mo naman kailangan harapin 'yon mag-isa." Nakisali na rin si Mira na kararating lang, dala-dala ang isa pang maleta na pinakuha ko sa baba. "Napanood at naranasan namin kung paano ka nasira, gumaling, at nasira ulit... Pero masaya kami dahil mukhang hindi ka sumusuko para magpagaling muli." 


"Lakas mo, Ate," sabi naman ni Aidan.


Naluluha tuloy ako sa mga naririnig ko. Sobrang saya ko dahil ganito ang tingin nila sa akin. Hindi nila ako tinitingnan bilang mahinang tao. Kinakaya ko naman talaga lahat para sa kanila... at ngayon, para na rin sa sarili ko. Mahal na mahal ko ang pamilya ko. Hindi ko pagsisisihan lahat ng ginawa kong sakripisyo para sa kanila.


They grew up as great individuals. I can't help but be proud of them and myself. I practically raised them, along with my dad. Hindi naging madali para sa akin ang tumayong ina sa buhay nila sa murang edad. Wala namang madali sa nangyari simula noong nawala sa sarili si Mama. I just... had no choice but to grow up quicker than other kids. 


Dahil alam ko naman, simula pa lang, na babalik akong Spain, naging madali lang ang pag-iimpake ko. Hindi pa naman ako aalis ngayon pero mas mabuti nang maayos na ang mga gamit ko dahil may hinanda na namang farewell party sina Luna para sa akin. Mag-get together daw kami ulit bago ako umalis. Kasama si Arkin doon. Wala namang rason para hindi siya makasama. 


"Saan ba tayo pupunta? Bakit kailangan ganito suot?" Hatak-hatak ako ni Luna palabas ng bahay namin habang inaayos ko ang grey necktie ko. Nakasuot ako ng white blouse na naka-tuck in sa grey corporate skirt ko tapos black closed heels. Ganoon din ang suot niya, pati nina Yanna at Kierra dahil iyon ang dress code. 

Golden Scenery of Tomorrow (University Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon