"Tapos ka na bang umiyak?"
Lumingon ako kay Kino pagkahinto ng van sa tapat ng building ng condo niya. Rito niya ako ibababa at siya naman ang bababa sa parking lot just in case na may sumusunod or nagbabantay sa kaniya. Hindi siya nagsalita at nakaiwas ang tingin sa akin pero nakita kong kinakalikot niya ang mga daliri niya. Ibig sabihin noon ay kinakabahan siya sa akin.
"Magkita na lang tayo sa taas," sabi ko sa kaniya bago ako bumaba at dire-diretsong pumasok sa may lobby. Mayroon akong resident card na binigay sa akin ng magulang ni Kino kaya naman dumiretso na lang ako sa may elevator.
Nauna akong nakarating sa unit niya kaya binuksan ko 'yon gamit ang susi ko. Nakasabit kasi iyon kasama ng susi ng bahay kaya palagi ko ring dala-dala. Pagkapasok ko ay ganoon pa rin ang itsura ng condo niya. Malinis na parang hindi inuuwian. Tinanggal ko ang sapatos ko at umupo sa maliit na sofa habang hinihintay siya.
Maya-maya, pumasok na rin siya at sinara ang pinto sabay alis ng hood, cap, at shades. Masyado namang protektado 'tong lalaking 'to. Nang magtama ang tingin namin ay umiwas kaagad siya at dahan-dahang naglakad palapit. Umupo siya sa may pinakadulo ng sofa at huminga nang malalim.
"Sorry, Via!" Malakas na sabi niya kaya nagulat ako. "Ilang beses kong prinactice sa salamin kung paano ko sasabihin sa 'yo pero palagi akong pinapangunahan ng takot na makita ulit 'yong ganoong tingin mo sa akin... Disappointed. I didn't want to disappoint you."
"With what you did... You just disappointed me more." Natawa ako nang sarkastiko at umiwas ng tingin.
"Mali ako. Alam kong mali ako at dapat sinabi ko sa 'yo nang maaga kaysa malaman mo pa sa iba. Alam kong nangako ako sa 'yong papagbutihin ko ang pag-aaral ko. Alam kong marami akong naging kasalanan sa 'yo. Hindi na ako mangangako pero sasabihin ko sa 'yong simula ngayon, sasabihin ko na lahat. Lahat ng gusto mong malaman. Lahat ng kailangan mong malaman. Lahat ng nangyayari sa akin. Lahat, Via... Patawarin mo lang ako..."
"Hindi na rin ako aasa sa mga sinasabi mo..." Yumuko ako. "Pero maniniwala ako..." Maniniwala ako pero para maiwasan ang sakit, hindi na ako mag-eexpect masyado sa kaniya.
"Via..." Lumapit siya nang kaunti, tinatantya ang reaksyon ko. "Hindi ko sinasadyang ma-guilty ka dahil sa akin... I'm sorry... Alam kong kahit anong gawin ko o gustuhin ko, susuportahan mo ako dahil gusto ko 'yon... Huwag mong isiping hadlang ka sa lahat ng ginagawa ko."
"Baka... masyado na tayong nalayo sa isa't isa na pareho na tayong nawalan ng tiwala, 'no?" Lumingon ako sa kaniya, pinipigilan ang luha ko. "Wala ka nang tiwalang mananatili ako sa tabi mo kahit anong mangyari... At wala rin akong tiwalang sasabihin mo lahat ng totoo sa akin... Paano na 'to, Arkin?"
Hindi ako sanay sa ganito. Hindi ako sanay na ganito kaming dalawa dahil simula pa rati ay malaki na ang tiwala namin sa isa't isa kaya naman madalas naming hayaan ang isa't isa sa lahat ng desisyong ginagawa namin. Ngayon, pakiramdam ko unti-unti na naming hindi nakikilala ang sarili namin.
"'Yong UP... Pangarap ko 'yon... UP 'yon, e'... Nagalit ako kasi inisip ko ring ang unfair... Kasi paano mo nakakayanang isuko 'yong bagay na pinapangarap ko?" Tumulo na ang mga luha ko. "Pero ngayong sinasabi ko nang malakas, na-rerealize ko kung gaano ka-self-centered ang galit ko... Nagagalit ako dahil sa personal na rason at hindi ko man lang naisip na nahihirapan ka nang pagsabayin ang pag-aaral mo riyan sa... passion mo."
BINABASA MO ANG
Golden Scenery of Tomorrow (University Series #5)
RomanceUNIVERSITY SERIES #5. Ever since they were kids, Avianna Diaz from UST Architecture and Larkin Sanchez from UP Film were inseparable, not until Larkin's fame grew over time, and they suddenly found themselves taking different roads at the same time.