43

1.2M 54.5K 113K
                                    


"Ano? Okay na kayo?" 


Iyon kaagad ang tanong ni Luna sa akin pagkabalik ko galing sa usap namin ni Arkin. Nakahawak pa ako sa ulo ko kung saan niya nilagay ang kamay niya kanina, hindi makapaniwalang ginawa niya 'yon! 


"Okay naman kami, ah," sabi ko sa kaniya habang nag-aayos ng mga plato. Tinawanan niya ang sagot ko at pinisil lang ang pisngi ko para sabihing nakakatawa raw ako. Hindi ko rin alam sa kaniya kung ano kaya ang nakakatawa. 


Gaya ng pakiusap ko kay Arkin, normal naman kaming umakto sa harap ng mga kaibigan namin habang kumakain. Hindi na mabigat ang atmosphere namin dahil pareho na kaming sumasali sa usapan at nakikipagtawanan pa sa mga banat ni Sevi. Nagplano silang mag-bonfire pagkatapos kaya naman nagpalit ako ng damit. Malamig kasi kaya kumuha ako ng cardigan at sinuot 'yon kasama ng isang floral long dress. Nakapaikot na sila roon at nag-iihaw ng kung ano-ano habang si Arkin ay may hawak na gitara. 


"Ginintuang Tanawin naman!" request ni Sevi. Napatingin kaming dalawa ni Arkin sa kaniya nang masama pero tumawa lang siya. "Sige na! Matagal ko nang hindi naririnig 'yon! Favorite ko kaya 'yon!" 


Sunod namang tumingin sa akin si Arkin pero umiwas ako at niyakap na lang ang tuhod ko. Hinahangin ang ilang hibla ng buhok kong hindi nasama sa ipit ko habang nakatingin sa may dagat. Nang marinig ko ang pag-strum niya ng gitara, bumilis kaagad ang tibok ng puso ko. Napakaraming alaala ng kantang 'yon. 



"Napapaisip sa gitna ng kaguluhan... Litong lito sa pulso ng nararamdaman... 'Di mawari kung ito'y isang panaginip... Tila ang puso ko'y naglalaro sa kalawakan..." pagkanta niya. Tahimik ang lahat at nakikinig lamang sa kaniya kahit abala sa ibang ginagawa tulad ng pag-iihaw at pagbubukas ng bote ng beer. 


Ang musika lamang ni Arkin ang naririnig ko kasabay ng paghampas ng alon at pagdaan ng hangin. Kung nariyan ako sa liwanag ng araw niya, naroon naman siya sa kadiliman ng buhay ko at hindi ko mapagkakait 'yon sa kaniya. Binalik lamang ng kantang 'yon lahat ng pinagsamahan namin noon. Nakakatawa dahil hanggang ngayon, nakaupo kami malayo sa isa't isa. 


"Sana'y dinggin ang dalangin, ang aking hangaring mahalin mo rin ako..." Lumingon na ako sa gawi niya nang marinig ko ang linyang 'yon ngunit nakayuko lang siya at abala sa pagtugtog ng gitara. Iyon na ang naging pagkakataon ko para tingnan siya nang mabuti. 


Kapag nasa labas siya kasama ang iba niyang mga kaibigan sa showbiz o kaya kapag napapanood ko siya sa screen, ibang-iba siya sa pagkakakilala ko sa kaniya, pero ngayong narito siya kasama ang mga kaibigan namin, alam kong iyon pa rin siya. He wasn't here as Larkin Sanchez, but only as Kino. Our friend. 


Orange, yellow, a bit of red. The color of the bonfire reflected on the side of his face while he was strumming the guitar and singing from his heart. At that moment, I knew that I could never be strangers with the man who had known me for years. All my fresh wounds and my healed scars. 


"Nagtatanong ang aking isipan, kailan kaya kita mahahagkan? Mawawala na lang nga ba ang ating pagkakaibigan?" Nagulat ako nang magtama ang tingin naming dalawa. He stopped for a moment but his fingers were still strumming the guitar, leaving the question for us. He changed the lyrics of the song to fit our situation now. 

Golden Scenery of Tomorrow (University Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon