06

1.3M 61.3K 136K
                                    


"Bakit ka naman sumisigaw, Sam? Nakakagulat ka." 


Si Sevi ang pinakaunang nagsalita, binasag ang matagal na katahimikan pagkatapos magmura ni Samantha. Gulat pa rin ang lahat at umayos kaagad ng upo nang sumigaw si Sam na para bang sila ang pinagalitan.  Natahimik din ang dalawang babaeng pinag-uusapan si Yanna at guilty na umiwas ng tingin. Nakatingin lang sa harapan si Sam kaya hindi nila alam kung sino ang tinutukoy niya pero may pakiramdam ako kung sino nga. 


"I'm sorry for shouting, Pres. I just... can't hear you properly..." Ngumiti si Sam nang tipid kay Chevy at pinag-krus ang binti na para bang walang nangyari. 


"Alright." Bumuntong-hininga si Chevy at pinagpatuloy ang pagsasalita habang may sinusulat sa white board. "Everyone, please be quiet. May pinag-uusapan kami rito," pahabol niya nang may mag-ingay ulit. 


"Hoy, tahimik nga!" Sigaw ni Sevi. 


Napabalik ang tingin ko sa upuan ni Yanna pero wala na siya roon. Tumingin tuloy ako sa paligid at nakitang nakabukas ang pinto. Ibig sabihin ay lumabas na siya kahit sinabi ni Sam na may sasabihin pa siya sa candidates. Nagpaalam din ako kay Luna at lumabas ng room. Hindi ko alam pero umuulit kasi sa isipan ko ang palagi niyang pag-iyak sa library. 


"Via! Sama!" Napasapo ako sa noo ko nang maramdaman ko ang presensya ni Arkin sa likod ko. Nakasukbit pa sa balikat niya ang itim na case ng gitara habang nakangiti sa akin. Para talaga siyang bata kung umasta. Hindi maiwan mag-isa, e. 


Sumilip ako mula sa 2nd floor at nakitang naglalakad na palabas ng gate si Yanna, dala ang bag at tila walang pakialam kahit bawal pang umuwi. Mukha naman siyang maayos kaya bumaba na lang ako at umupo roon sa hagdanan. Tumabi naman si Arkin sa akin at binaba ang gitara sa gilid. Kahit alam niyang wala naman kaming gagawin ay para bang excited siya at nakangiti pa, hinihintay ang sasabihin ko kahit wala naman. Gusto ko lang umalis doon kasi pagkatapos sumigaw ni Sam ay naging mabigat ang hangin. 


Tahimik lang kaming dalawa habang nakaupo at nakatingin sa malayo pero walang bahid ng kahit anong awkwardness sa katahimikan namin. Na-estatwa ako nang sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at bumuntong-hininga. Napatingin ako sa kaniya at tinulak nang mahina ang ulo niya paalis gamit ang isa kong daliri pero masyadong mabigat kaya hinayaan ko na lang. 


"Anong problema?" Tanong ko dahil sa buntong-hininga niya pa lang, alam ko nang may gusto siyang i-reklamo sa akin. 


"Hindi ko makuha 'yung bridge ng tutugtugin namin, e." Umayos siya ng upo at napakamot sa ulo niya. 


"Parinig nga ako," sabi ko, nagbabaka-sakaling matutulungan ko siya. 


Nilabas niya ang gitara niya sa case at tumayo sa harapan ko para magkasya ang gitara niya. Mabubunggo kasi sa akin kapag nakaupo siya. Ini-strum niya muna para masiguradong nasa tono pa bago sinimulang tugtugin ang kanta. May part na binabagalan niya kasi hindi niya magalaw nang maayos ang daliri niya kaya inabot ko ang kamay ko para ibigay niya sa 'kin ang gitara. 


"Ano bang chords?" Tanong ko sabay lagay ng gitara sa binti ko. Nilabas niya ang papel sa bag niya at binigay sa 'kin. Medyo alam ko ang kanta kaya kinapa ko na lang saglit habang nag-iisip. "Eh, alam ko na. Mali ka kasi, e." Napakamot ako sa ulo ko nang ma-realize kong mali ang pag-pwesto niya ng daliri. 

Golden Scenery of Tomorrow (University Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon