"Ate? May trabaho ka ngayon... Hindi ka pa ba babangon?"
Nakatingin lang ako sa kisame nang marinig ang boses ni Mira. Kanina pa ako gising. Ni hindi ko nga alam kung nakatulog ba ako pero wala akong gana tumayo mula sa kama ko.
"Nagluto na ako para kina Aidan," sabi niya ulit. "Uhm... Ate..."
Alam kong may gusto siyang sabihin. Nabalitaan na ba niya? Malamang ay kalat na ulit sa lahat ng news ang nangyari kagabi. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Nakatingin lang ako sa kawalan habang hinahayaan ang lahat ng mga eksenang naiisip ko pumasok sa sistema ko. Napakarami kong naririnig. Napakarami kong inaasahang headline.
Hindi ko na ulit alam kung paano ko haharapin ang mundo. Wala akong lakas para lumabas ng bahay o kahit ng kwarto ko. Takot ako sa tingin ng mga kapatid ko... Ang mga kapatid ko...
Napatakip ako sa mukha ko nang maisip na kailangan kong magtrabaho para sa mga kapatid ko. Napakasama at napakabigat ng nararamdaman ko pero alam kong kailangan kong kumilos para sa kanila. Kung pwede lang manatili rito sa loob, ginawa ko na, ngunit marami rin akong responsibilidad na hindi ko pwedeng takasan.
"Sige na, Mira... Ayos lang ako," kalmadong sabi ko habang kumukuha ng damit. Napatango na lang siya at bumaba ng hagdan para iwanan ako. Nang mawala siya ay nabitawan ko ang damit na hawak ko at napaupo sa sahig. Napabuntong-hininga ako at napasabunot sa sarili ko.
Kinailangan kong ayusin ang sarili ko kahit sa hitsura lang, kahit sa panlabas lang, para hindi magmukhang sirang-sira na ako sa loob. Hindi maayos ang utak ko. Hindi maayos ang puso ko, at alam 'yon ng mga kapatid ko. Nakatingin lang sila sa akin nang lumabas akong naka-cap at facemask. Balot na balot din ako dahil naka-long sleeves at pants.
I was trying to protect myself with clothes, thinking that the more I covered myself, the more they can't hurt me... but I knew the damage was inside. No one can see it... but it was there. Only I knew about my own suffering, about how hard it was to deal with my wounds.
It was not healed at all. The scars just opened again and it hurt more than before since I was just not carrying the present, but the past too. It bled more... It was deeper than before.
Pumasok ako sa trabaho nang walang kinakausap, kahit si Dan. Hindi rin niya alam kung paano ako kakausapin pero nararamdaman ko ang tingin niya. Gusto kong magmakaawang huwag niya akong tingnan pero alam kong nag-aalala lang siya sa akin. Hindi ko alam kung ano na ang mga nakita nila o nabasa nila. Wala akong lakas para tingnan ang phone ko. Ayaw ko nang makita ang mga sinasabi ng mga tao tungkol sa akin.
"Architect Diaz-"
I almost jumped from my seat when I heard someone call me. Mukhang nagulat din siya sa reaksyon ko, lalo na nang tingnan ko siya. Puno ng takot ang mga mata ko at nanginginig ang mga kamay ko habang hinihintay ang sasabihin niya.
"Papa-approve ko lang ang interior para sa bahay ni Ms. Aguilar..." Dahan-dahan niyang nilapag ang folder sa table ko.
"O-okay." Nautal pa ako bago umiwas ng tingin at yumuko ulit, ayaw magpakita at makakita ng mga tao sa paligid ko. Kinuha ko ang folder at tiningnan ang mga naroon kahit kung saan-saan lumilipad ang utak ko.
BINABASA MO ANG
Golden Scenery of Tomorrow (University Series #5)
RomanceUNIVERSITY SERIES #5. Ever since they were kids, Avianna Diaz from UST Architecture and Larkin Sanchez from UP Film were inseparable, not until Larkin's fame grew over time, and they suddenly found themselves taking different roads at the same time.