"'Yon si Clea... Grabe..."
Nakatulala pa rin ako sa harapan ng sasakyan habang nagda-drive si Kino papunta sa pupuntahan namin, kung saan man 'yon. Nakalimutan ko na pala siya tanungin dahil nga occupied pa ang utak ko dahil sa pagka-starstruck kay Clea. Hindi naman ako kadalasan makakita ng mga artista katulad ni Arkin at wala rin naman akong pakialam pero ganoon pala ang feeling makakita ng sobrang sikat na artista sa harapan mo.
"Hindi mo ba talaga naging crush si Clea?" Tanong ko na sa kaniya. Hindi ko alam kung hahanga ako o magseselos dahil noong nakita ko si Clea, parang natulala ako. Ganoon pala talaga siya ka-ganda, 'no? She gave off a vibe that her level was higher than us. Kahit kay Arkin. Parang hindi siya pwedeng hawakan.
"Via, halos buong buhay ko, ikaw lang ang naging crush ko," natatawang sabi niya.
Natahimik tuloy ako. Halos buong buhay na ata ni Kino ay naka-dedicate sa akin kung makapagsalita siya. Dapat magpasalamat na lang akong hindi siya nagtatanong tungkol sa fan meeting kanina, kung bakit naroon ako at paano ako nakasali roon?!
"Anong trip mo at nasa fans club ka?" Napasinghap ako nang malalim nang tinanong niya bigla! Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa.
"Dinamay lang ako ni Luna," pagpapalusot ko kaagad at umiwas ng tingin. Sorry, Luna... Alam ko namang ako talaga ang nangdamay sa kaniya.
Tumawa ulit siya habang nagda-drive at hindi na nagsalita. Napapaisip tuloy ako kung iyon na 'yon or i-oopen ulit niya ang topic mamaya! Anong sasabihin ko?! Hindi tuloy ako mapakali dahil hindi siya nagtatanong pero ayaw ko rin namang magtanong siya!
Hininto niya ang sasakyan sa tapat ng condo niya para ibaba ako sa lobby habang siya ay pupunta naman sa parking. Nauna siya sa unit niya at naghahanda na ng lulutuin nang dumating ako. Hindi raw kasi kami pwedeng kumain sa labas. Hindi naman sa gusto kong kumain sa labas pero na-realize ko lang din na hindi normal na relationship ang mayroon kami. Kailangan pa naming magtago palagi.
"Marunong ka na magluto ngayon?" Kumunot ang noo ko pagkalapag ng bag ko.
"Nag-aral ako ng kaunti para sa isang role," sabi niya sa akin habang nag-aayos sa kusina. "Pero baka gusto mong magpalit muna ng shirt. Nakakailang makita 'yong mukha ko sa suot mo."
Nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa suot kong t-shirt. Nakalimutan kong suot ko pa rin pala 'to! Nagmamadali akong pumasok sa kwarto niya para kumuha ng damit ko. Kinuha ko ang tank top kong itim at sinuot 'yon bago ako nag-ipit ng buhok at lumabas sa kusina, tinitignan kung okay na ba ang niluluto niya.
"Napakayabang mo pa. Corned beef lang naman pala ang niluluto mo," inis na sabi ko nang makita ko ang ginagawa niya.
"Hoy, huwag mong maliitin corned beef ko!" Pagtatanggol niya sa sarili niya at mahina akong tinulak para umalis ako roon sa kusina. Masyado pa siyang focused! Akala mo naman ay napakagaling na chef.
Umupo ako roon sa may mataas na table malapit sa kusina para panoorin siya. Nagpahalumbaba ako, naghihintay. Buti marunong na rin siya magsaing? Dati hindi. Sabagay, paano siya mabubuhay niyan mag-isa kung hindi siya marunong magsaing?
BINABASA MO ANG
Golden Scenery of Tomorrow (University Series #5)
RomanceUNIVERSITY SERIES #5. Ever since they were kids, Avianna Diaz from UST Architecture and Larkin Sanchez from UP Film were inseparable, not until Larkin's fame grew over time, and they suddenly found themselves taking different roads at the same time.