Arkin's new song "My Favorite Movie" is attached in this chapter as YouTube video. Check it out!
___
"Via, saan ka galing?"
Nakatulala akong bumalik sa table namin at umupo sa tabi ni Arkin na nag-aalala ang mukha dahil sa itsura ko. Mabuti na lang at noong umalis si Adi ay sumunod sa kaniya si Clea kaya naman nakalabas ako nang maayos doon sa C.R. Kinakausap ako ni Sam pero nakatingin lang ako kay Arkin dahil nakatitig siya sa akin at naghihintay na magsalita ako.
Naramdaman kong binabasa ng mga mata niya ang iniisip ko habang nakaawang ang labi at nakaakbay ang kamay sa sandalan ng upuan ko. Lumipat ang kamay niya sa buhok ko at inayos niya 'yon.
"Anong nangyari, mahal?" he asked in his most soothing voice.
Napaiwas kaagad ako ng tingin at umiling. Hindi ko naman dapat narinig 'yon kaya ayaw kong sabihin sa iba! Nirerespeto ko ang privacy ni Clea. Ayaw kong gumawa ng bagay na ikapapahamak niya. Alam niya ang sikreto namin ni Arkin at hindi niya 'yon pinagsasabi kaya naman mananatili ring sikreto para sa akin ang kaniya.
"Wala." Umiling ako at uminom na lang ng alak sa harapan ko habang si Samantha ay kausap na ulit sina Kalix doon sa kabilang table. Nakatingin pa rin sa akin si Arkin habang umiinom ng beer mula sa bote, tinatantya ako. "Bakit ka nakatingin?"
"May ginawa ba sa 'yo si Clea?" nagtatakang tanong niya. "Bakit ganiyan ang hitsura mo?"
"Wala kaya!" tanggi ko agad. Napalakas yata ang boses ko kaya nagulat siya at napatakip ako sa bibig. Kinagat ko ang ibabang labi ko at uminom na lang ulit sa baso. Bakit ba hindi ko magawang magtago ng kahit ano kay Arkin?! Bakit ba kasi nahahalata niya kaagad kapag may tinatago ako? "Uminom ka na lang."
"Hmm..." Mukhang hindi siya kumbinsido pero tumango na lang siya at uminom ulit sa beer niya.
Mabuti na lang at nakipag-usap na siya kay Sevi pagkatapos noon. Bumalik na rin si Kierra galing sa baba. Hindi ko alam na umalis pala siya saglit. Ano kaya ang ginawa noon? Umupo siya sa tabi ko at ngumiti lang sa akin bago uminom ulit.
"Tumawag ako kay Luna. Sabi ko pumunta siya rito kaso natunugan yata kung bakit. Sayang! Ayaw tuloy pumunta!" Tumawa si Kierra.
"Hello, babe?" Tumayo naman si Sevi at naglakad paalis habang may kausap sa phone.
Napailing si Arkin dahil nawala ang kausap niya kaya naman sa akin na naman siya nag-focus. Sinandal niya ang siko niya sa table at humarap sa gawi ko. Nakahawak na ang isa niyang kamay sa gilid ng ulo niya habang ang isang kamay ay may hawak na beer.
"Inaantok ka na ba? Uwi na tayo?" tanong niya sa akin.
Hindi ako nakasagot dahil bumalik si Sevi at nagpaalam na kaagad sa amin. May pupuntahan pa raw siya kaya naman nagkasundo na kaming lahat na umuwi na. Nagsuot ulit ng facemask at cap si Arkin habang sabay silang naglalakad ni Sevi papunta sa condo ni Sam. Ihahatid daw kasi kami ni Sam pauwi. Nagpababa lang pala si Arkin dito.
BINABASA MO ANG
Golden Scenery of Tomorrow (University Series #5)
RomanceUNIVERSITY SERIES #5. Ever since they were kids, Avianna Diaz from UST Architecture and Larkin Sanchez from UP Film were inseparable, not until Larkin's fame grew over time, and they suddenly found themselves taking different roads at the same time.