23

1.2M 56.4K 229K
                                    


"Bakit, Ysha? Bakit mo ako tinatawag?"


Agad kong inayos ang sarili ko at hinarap ang kapatid ko, kasabay ng pagtulak kay Kino patabi sa gilid para hindi siya nakaharang sa pinto. Pakiramdam ko ay pulang pula ang pisngi ko dahil sa init. Hindi ko alam kung paano ko nakayanang harapin ang kapatid ko na parang walang nangyari. 


"Girlfriend?" Nagtatakang tanong ni Ysha, curious sa sinabi ni Arkin. Agad kong narinig ang tawa ni Kino habang nagpapatuyo ng buhok doon sa sahig. 


"Babaeng kaibigan, Ysha," agad na palusot ko. "Anong kailangan mo kay Ate? Bakit mo ako tinawag?" 


"Bond paper po para sa assignment." Inosente pa siyang ngumiti sa akin. For some reason, na-guilty pa ako dahil may ginagawa akong kababalaghan bago siya kumatok sa kwarto. Agad akong pumunta sa desk ko at binigyan siya ng tatlong bond paper. Nagpasalamat siya bago bumaba ulit. 


Sinara ko ulit ang pinto at lumingon kay Arkin na nagpapatuyo pa rin ng buhok gamit ang blower. Agad akong umiwas ng tingin sa kaniya, hindi alam ang gagawin ko. Hindi ko 'to plinano! Wala lahat ng 'to sa mga inaasahan kong mangyayari! Bakit hindi ko siya tinulak?! Bakit?! 


Nakaupo lang ako sa dulo ng kama habang nakatulala sa kawalan, pinoproseso ang nangyari sa aming dalawa. Halik 'yon, hindi ba? First kiss ko 'yon! First kiss niya rin 'yon! Bakit niya 'yon ginawa?! Bakit bigla siyang tumapang sa harapan ko?!


"Matagal ko nang napapansing may gusto kang sabihin sa akin..." Mahinang sabi niya habang nakatalikod sa akin. Wala man lang siyang balak lumingon. Mas mabuti 'yon dahil nakakailang lalo kung nakatingin siya! 


"W-wala akong gustong sabihin," agad na tanggi ko. 


"Umamin ka, hindi ba?" Tinignan niya ako mula sa salamin kaya agad akong napalingon sa ibang direksyon. Masyadong seryoso ang mga mata niya at pakiramdam ko nababasa niya ang iniisip ko. "Noong nag-away tayo... Sabi mo sorry kung masakit kang magmahal." 


Narinig niya 'yon?! Akala ko wala siyang pakialam sa sinabi ko! Akala ko naintindihan niyang bilang kaibigan 'yon! Wala akong magawang rason dahil iba naman talaga ang ibig sabihin ko roon. 


"Hindi ko pinansin kasi akala ko kaibigan pa rin tingin mo sa akin... Pero bakit ka nagseselos, huh?" Tumaas ang kilay niya at lumingon sa akin. Kung saan-saan na ako tumitingin para lang makaiwas sa kaniya. 


Impit akong napasigaw nang makitang nasa harapan ko na siya ngayon at nakahawak sa baba ko para iharap ang mukha ko sa kaniya. "Selos ka?" Nang-aasar na tanong niya. "Kay Clea?" 


"Hindi!" Agad kong sinampal ang kamay niya paalis. Selos, huh?! Ako?! Bakit naman ako magseselos?! Alam ko namang mas maganda sa akin 'yon at mas mabuting sa kaniya siya magkagusto kaysa sa akin! Wala akong mabibigay sa kaniya. Wala siyang mapapala sa akin. 


Alam ko naman... Alam ko naman na iba ang pagmamahal ni Arkin sa akin kaysa sa pagmamahal ko sa kaniya. Alam kong hindi ko pinapakita. Alam kong walang pinagkaiba ang trato ko sa kaniya bilang kaibigan at bilang... ganito. Habang siya... Alam kong matagal na niya akong tinatrato hindi bilang kaibigan, kung hindi bilang taong gusto niya. Sa una, nagalit ako dahil pakiramdam ko ay trinaydor niya ako. Sa lahat ng pinakita niya sa akin, hindi pala 'yon bilang kaibigan? Iyon ang unang naisip ko pero ngayon... Ano 'tong ginagawa ko? Hindi na rin 'to bilang kaibigan. 

Golden Scenery of Tomorrow (University Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon