35

1.7M 60.7K 171K
                                    


"Nag-reply na ba si Sam?" 


Kanina pa ako nasa phone ko, sinusubukang tawagan si Samantha pero hindi siya sumasagot. Dapat masaya ako ngayon dahil tapos na ang oath taking namin nina Luna at Kierra, pero mayroon namang bad news kay Samantha. Hindi ko siya magawang iwanan sa sitwasyong ganito dahil maski ako ay naranasan kong maging kalaban ng media. Naranasan kong husgahan ng mga taong hindi naman ako lubusang kilala. 


"Kasama na 'ata niya si Yanna," sabi ni Kierra pagkabalik. Kausap niya si Yanna sa phone kanina. "Hayaan muna natin sila... Baka hindi pa kayang humarap ni Sam sa mga tao." 


Napatingin ako sa phone ko nang makitang nag-message ang Tita ko ng flight details. Inasikaso ko na noong mga nakaraang buwan o linggo ang requirements papuntang Spain. Okay na ako at handa nang umalis. Hindi ko pa lang alam kung paano sasabihin kina Luna. Alam kong nabanggit ko naman na dati pero hindi ko na in-open ulit ang tungkol doon.


Malapit na akong umalis. Ni hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin doon. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang bagong yugto sa buhay ko. Wala sina Luna roon sa Spain. Wala ang mga kapatid ko... Wala si Papa. Kaya ko ba? 


Natatakot ako, oo... Pero ang sabi ko sa sarili ko, saka ko na haharapin kapag nariyan na sa harapan ko. Saka ko lang malalaman ang dapat gawin kapag naranasan ko na mismo. Kaya ko ba? Kakayanin ko. Sana. 


"Ano 'yong sasabihin mo, Via?" tanong ni Sevi habang kumakain kami ng dinner. Nagkita-kita na lang kami noong gabi, maliban kay Samantha at Yanna, dahil may gusto akong sabihin sa kanila at para ma-celebrate na rin namin ang pagiging architect namin. Alam naman na ni Yanna ang tungkol sa Spain at ite-text ko na lang si Sam tungkol doon dahil mukhang hindi pa siya okay lumabas ngayon. 


"Una, congratulations sa ating lahat. Architects na tayo, pagkatapos ng napakaraming paghihirap na dinanas natin sa school. Salamat dahil nanatili kayo sa tabi ko..." Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. "Salamat sa pagdamay sa akin sa lahat. Gusto ko mang makasama pa rin kayo bilang workmates naman pero... Aalis na ako next week," sambit ko.


Muntik nang madura ni Sevi ang iniinom niya nang marinig 'yon. Napakunot naman ang noo ni Kierra at si Luna, tumigil sa kakanguya. Tumitig sila sa akin, naghihintay ng susunod kong sasabihin. 


"Pupunta na akong Spain... Nabanggit ko na kina Luna 'to noon pero heto na... Naka-book na 'ko ng flight for next week. Sevi, huwag mo sanang sabihin kay Arkin ang tungkol dito. Hindi na niya kailangang malaman," paghingi ko ng pabor. 


"Teka... Teka lang..." Napahawak si Sevi sa ulo niya, hindi pa nagsi-sink in sa kaniya ang sinabi ko. "Bakit ka pupuntang Spain bigla?" 


"Magtatrabaho ako roon para sa Tita ko, at pwede rin akong mag-aral ulit doon," sagot ko naman. "Hindi ko alam kung babalik pa ako... Pero bibisita naman ako rito." 


"Gago, masyado mo 'atang sineryoso 'yong España sa UST..." Gulat pa rin si Sevi. "Joke ba 'to? Bakit agad-agad? Next week talaga?!" 


"Paulit-ulit ka naman!" Binatukan siya ni Luna. "Next week na nga raw! Kaya dapat magplano na tayo ng Despedida party natin!" 

Golden Scenery of Tomorrow (University Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon