27

1.3M 52.4K 259K
                                    


"Kaya nga ako narito para samahan ka, hindi ba? Ano pa bang gusto mo? Ginagawa ko naman lahat para sa 'yo!" 


Matalim kong tinignan si Arkin nang tumaas ang boses niya sa akin. "At sapat ba 'yon?" tanong ko sa kaniya. Lumapit siya sa akin at nilagay ang dalawang kamay sa magkabilang arm rest ng inuupuan ko. 


"Sabihin mo kung ano ang gusto mo para alam ko. Hindi kita kayang basahin... Ang lalim. Masyado kang malalim para sa akin," bulong niya at nilapit ang mukha niya. "Kaya parang awa mo na..." 


Nahugot ko ang hininga ko habang tinititigan ang mga mata niya. Pinanood ko kung paano bumaba ang tingin niya sa mga labi ko bago niya hinawakan ang mukha ko at hinalikan. Napapikit ako nang maramdaman ang malambot niyang labi bago ako natauhan at tinulak ang dibdib niya nang mahina. 


"Wala naman 'yan sa script, ha!" reklamo ko sa kaniya at tinaas ang papel na binabasa namin. Pinapractice niya kasi ang mga lines niya sa akin. 


"Wala, gusto lang kitang halikan. Ang cute mo." Tumawa siya at siniksik ang sarili niya sa tabi ko kahit isa lang naman ang kasya sa upuan. Hinampas ko ang braso niya nang itayo niya ako gamit ang pagtulak sa baywang ko bago niya ako pinaupo ulit sa mga binti niya. 


Pinalupot niya ang braso sa akin at sinandal ang likod ko sa dibdib niya. Pagkatapos ay kinuha niya ang dalawang binti ko at nilagay iyon sa gilid niya para nakasabit iyon sa may arm rest at nakalutang ang mga paa ko sa gilid. Para naman akong baby rito sa posisyon namin! 


"Okay na 'yon." Sinandal niya ang mukha niya sa leeg ko. Tumindig ang balahibo ko nang maramdaman ang paghinga niya roon habang nakapikit. Galing siya sa photoshoot sa malayong lugar kaya naman pagod na pagod siya ngayon. 


"Matulog ka na," sabi ko sa kaniya. Narito kami sa condo niya dahil weekend naman. Tuwing weekdays ay umuuwi ako sa amin dahil may mga plates pa ako, pero kapag weekend ay pumupunta ako rito, lalo na kapag free siya at wala masyadong schedule. Bihira kasi siya magka-schedule ng Sunday unless kailangang kailangan talaga dahil rest day niya iyon. 


"Let's stay like this for a while," bulong niya ulit at pinatakan ng halik ang leeg ko bago sinandal ulit ang ulo niya. 


Yumakap ako sa leeg niya at marahang hinaplos ang buhok niya para makapag-relax siya. He sighed so I flinched a bit because I felt his hot breath on the sensitive part of my neck. Napansin niya ata 'yon dahil kumunot ang noo niya at tinignan ako saglit. 


"Magkano talent fee mo?" tanong ko sa kaniya bigla. Naalala ko lang na may event ang buong Archi at gusto nilang magpa-mini concert. Nahihirapan kasi silang humanap ng artist ngayon at akala ata nila ay close kami ni Luna kay Arkin dahil close kami sa admins kaya may 'connections' daw kami. Nasaktuhan pang napasama ako sa partnerships pool dahil sa org kaya kami ang kumokontak ng artists. 


"Para saan?" Tumaas ang isang kilay niya. His voice was low and hoarse because he was sleepy and tired. 


"May event 'yong Archi... Org ko 'yong nag-hahandle. Iniisip ko lang kung kaya ka i-hire sa budget since marami kang fans doon," sabi ko naman. "Pero hindi naman 'to malaking event katulad ng Paskuhan kaya okay lang din na huwag na. Tinatanong ko lang..." 

Golden Scenery of Tomorrow (University Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon