"Kanina pa ba 'yan?"
Hindi ko alam ang gagawin ko at kanina pa ako lingon nang lingon sa likod habang nag-uusap si Arkin at ang driver niya. Tumango naman ang driver niya at sinabing napansin niya iyon kanina sa parking kaso hindi niya nakilala ang sasakyan. Marami raw kasing kaibigan si Samantha at akala niya isa ito sa mga inimbita.
"Deretso na lang sa condo, Kuya," sabi ni Arkin. Wala naman kaming choice dahil doon, pwede niyang kausapin ang guards na huwag papasukin sa parking. Napasandal na lang ako sa upuan ko at napabuntong-hininga. Napalingon ako kay Arkin nang hawakan niya ang kamay ko. "Okay lang 'yan."
Tumango ako sa kaniya at umiwas na ng tingin. Tahimik kaming nakarating sa parking ng condo niya at hinarang 'yong sasakyan na nasa likod namin. Sinuot ulit ni Arkin ang cap niya sa ulo ko at bumaba ako, suot ang coat ni Clea, nakayuko. Nagmamadali akong pumasok sa loob at sumunod naman si Arkin sa akin.
Habang nasa elevator, nilagay niya ang kamay niya sa tuktok ng ulo ko para panatilihin iyong nakayuko dahil may ibang taong pumapasok. Nang makarating kami sa unit niya, saka lang ako nakahinga nang maluwag.
"Sorry, Via," sabi kaagad ni Arkin habang nag-tetext.
Hinubad ko ang coat ni Clea at dahan-dahang tinupi. Mukhang mamahalin at ang bango pa. Nakakahiya naman kung ibabalik kong may lukot. Mas nakakahiya kung lalabhan ko dahil baka may sarili siyang paraan kung paano palabhan ang coat.
"Ibalik mo na lang 'to kay Clea," sabi ko kay Arkin. Abala siya sa pag-tetext at tawag kaya pumunta muna ako sa kwarto niya para maligo. Wala naman akong choice kung hindi matulog dito dahil baka naghihintay pa rin ang media sa may lobby naman. Kailangan ko talagang magpalit ng damit.
Nang makaligo na ako at nakapag-toothbrush, humiga na ako sa kama ni Arkin at yumakap ng unan, handa nang matulog. Nag-alarm na lang ako nang maaga dahil nga may gagawin pa kami ni Dan bukas na project. Nakatulog na ako kaagad habang nasa labas pa rin si Arkin, may kinakausap.
"Babe... 'Yong alarm mo. Gising na."
Dahan-dahan akong dumilat at nakita si Arkin sa harapan ko, nakatayo sa gilid ng kama at hawak ang cellphone ko. 1 minute na lang ay tutunog na ang alarm ko pero nauna siyang nanggising dahil totoo namang mas maganda pakinggan ang boses niya kaysa sa alarm sound ko.
"Maaga ako sa UST... Mag-cocommute na lang ako. Huwag mo na ako ihatid." Nagmamadali akong pumasok sa banyo para maligo. Nauubos na yata ang damit ko rito, ha! Wala na akong masuot na maayos kaya nanghiram na lang ako ng shirt ni Arkin at nag-tuck in na lang sa pantalon dahil masyadong malaki.
"Kumain ka muna," sabi ni Arkin pagkalabas ko ng kwarto, nakabihis na. Kumakain siya sa may lamesa ng toasted bread. Tinignan ko ang oras at maaga pa naman kaya umupo muna ako sa tapat niya at nakikain.
Kinuha ko muna ang phone ko para ipaalala kay Dan na magkikita kami ngayon sa gazebo kaso biglang sumilip si Arkin sa phone ko kaya nakita niya at napakunot ang noo niya.
"Sino 'yan?" Nagtatakang tanong niya dahil wala naman akong pinapakilalang iba sa kaniya kung hindi sina Luna.
BINABASA MO ANG
Golden Scenery of Tomorrow (University Series #5)
RomanceUNIVERSITY SERIES #5. Ever since they were kids, Avianna Diaz from UST Architecture and Larkin Sanchez from UP Film were inseparable, not until Larkin's fame grew over time, and they suddenly found themselves taking different roads at the same time.