02

1.6M 65.3K 237K
                                    


"Ah! 'Yung baon ko! Bakit?! Huwag naman ganoon!" 


Tinulak ko ang pagmumukha ni Arkin habang nilalagay ko ang pagkaing niluto ko sa dalawang lunchbox. Dahil hindi ko na kailangang pagbaunan si Arkin ay 'yung white na lunch box na lang ang ibibigay ko para kay Mira. Mas gusto niya ang white kaysa blue, tsaka para hindi na rin sila mag-away ni Ysha sa color pink. Ako na lang ang kukuha ng blue. 


"Masaya akong may kaibigan ka na pero... Teka, sa kwento mo, hindi mo naman tinanong, ah! Ang usapan natin kapag tinanong mo. Kusa 'yon, e!" Sinubukan niya pang i-salba ang pustahan naming dalawa. 


May point siya pero umiling ako. "A deal is a deal... At huwag ka nang maingay. Baka magising si Aidan," pag-bawal ko sa kaniya. 


Monday na naman at sobrang aga ni Arkin pumunta sa bahay. 8 AM ang pasok sa amin pero 6 AM pa lang ay narito na siya para maki-kain din ng breakfast. Palibhasa kasi alam niyang 6 AM ay gising na ko't nagluluto na rin para sa mga kapatid ko at para kay Papa. Kung siya ang nagbabayad ng pinapamalengke ko ay okay lang kahit maki-lamon siya rito, pero hindi, e! Pa-epal lang talaga siya! 


"Sa susunod, bumili ka na lang ng breakfast mo," sabi ko pagka-lapag ng plato niya sa lamesa. Sinara ko na rin ang mga lunchbox at nilagay sa mga bag ng dalawa kong kapatid. Napangisi si Arkin at sinimulan nang kumain ng fried rice, egg, at hotdog. 


"Mas gusto ko ang luto mo," sabi niya sabay ngisi pa sa 'kin. Wala akong naging reaksyon at napailing na lang. 


Lumabas na rin ako ng kusina at umakyat sa kwarto para maligo. Ayaw ko nang makitang kumakain si Arkin ng luto ko dahil mas nabibwisit lang ako. Wala na ngang lunch, gusto pang maki-breakfast! Kung hindi lang talaga sila close ni Papa, matagal ko na siyang pinagbawalan makapasok sa bahay... Kaso hindi, e. Si Papa pa mismo ang gustong dito kumakain si Arkin. Sabagay, marami na ring natulong ang magulang niya sa amin. 


Ginising ko muna ang mga kapatid ko para maka-kain na sila bago ako naligo at nag-bihis na ulit ng uniform. Nag-lalagay pa lang ako ng necktie ay pumasok na si Arkin sa kwarto ko kaya nagulat ako at napalingon. Dahil nagulat ako, nagulat din siya sa reaksyon ko. Parang siraulo lang talaga. 


"Ako na mag-tali." Pumunta siya sa harapan ko at inayos ang necktie sa leeg ko. 


Sobrang lapit niya sa 'kin pero hindi naman na bago para sa akin ang presensya niya. Kailangan ko nga lang siyang tingalain dahil mas matangkad siya sa 'kin. Mukhang seryosong seryoso naman siya sa pagsusuot ng necktie sa akin. 


Binitawan niya kaagad ako pagkatapos kaya umupo na ulit ako sa kama ko para i-suot ang medyas ko. Lumabas na rin siya para mag-toothbrush sa C.R kaya pumunta na lang ako sa kwarto nila Papa para kuhanin si Aidan na kakagising lang. Binuhat ko siya at bumaba sa kusina. 


"Aalis ka na, Pa?" Tanong ko nang makitang nag-susuot na siya ng sapatos. "Teka lang. 'Yung lunchbox po." Kinuha ko ang lunchbox at inabot sa kaniya habang buhat ko pa rin ang inaantok kong kapatid. Maaga raw kasi si Papa ngayon dahil may interview siya kaya ako na ang maghahatid kay Aidan sa kapitbahay. 


"Oo, anak. Gagalingan ko sa interview." Tumawa siya at pinisil ang pisngi ko pagkatayo. 


Golden Scenery of Tomorrow (University Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon