07

1.4M 59.1K 242K
                                    


"Let's just hurry up since we need to be back before the program starts again!" 


Kanina pa nagpapanic si Samantha habang nauunang maglakad sila Sevi at Luna, excited kumain dahil libre raw ni Sam. Wala siyang choice kasi in-announce kaagad ni Sevi na makapal ang mukha at kuripot. Mabuti na lang at mabait si Sam at pumayag din naman kaagad, kaso ngayong pinapaalalahanan niya sila Sevi ay parang wala silang naririnig. Sila pa naman ang emcee ng program. Hindi magsisimula 'yon hangga't wala ang dalawa. 


"Bacsilog! Bacsilog lang malakas!" Nagtatalo pa ang dalawa kung saan kakain habang si Yanna ay naglalakad lang sa likod nila katabi si Kierra, naririndi na panigurado sa sigawan ng dalawa. 


"'Paka-ingay n'yo naman. Lintek," iritang sabi ni Yanna at tinulak ang dalawang mukha ni Sevi at Luna gamit ang magkabilang palad bago dumaan sa gitna nito. Suot na niya ngayon ang malaking shirt ni Arkin na naka-tuck in sa pants niya. Naka-heels pa rin siya hanggang ngayon kaya ang tangkad niya lalo tignan. 


"For some reason, I want to be friends with her." Napalingon kami ni Arkin kay Sam nang tumabi ito sa akin habang naglalakad. Nakatingin lang ito kay Yanna bago lumingon sa akin at ngumiti. "Weird ba? I'm not sure... I just know when people want some help... But I'm not good with making friends." 


"Bakit? Mabait ka naman, ah! 'Di ba kapag nakakausap mo 'yung tao, friends na kayo?" Nagtatakang tanong ni Arkin at tumingin pa sa taas habang nag-iisip. "Maliban kay Via. Hindi siya ganoon mag-isip! Ako ang mas maayos mag-isip sa aming dalawa!" Proud pa siya roon. 


"For me, you need to be sharing something with the person before you can be friends." Napakibit-balikat si Samantha, naglalakad pa rin. "Whether it is time together... Or secrets... Anything that stays in between the two of you." 


"Uy! Saan kayo pupunta?! Dito tayo kakain!" Napatigil kami sa sigaw ni Kierra. Napalingon kami at nakitang nasa tapat na kami ng karinderya. Masarap daw kasi ang bacsilog doon at iba pang umagahan. Wala naman akong pakialam kung saan kakain. Ang pagkain ay pagkain. 


Umupo ako sa tabi ni Kierra at umupo naman si Arkin kaagad sa tabi ko. Uupo pa dapat si Sevi roon pero mabilis na hinatak ni Kino ang upuan kaya bumagsak ang pwet ni Sevi sa sahig. Narinig ko kaagad ang malakas na tawa ni Luna. 


Tumayo kaagad si Sevi at pabirong hinatak ang buhok ni Arkin pagkatapos magpagpag ng pantalon, masama ang tingin habang nakahawak ang isang kamay sa pwetan. Masakit siguro 'yon. 


"Dito ako, e!" Reklamo ni Arkin, hawak pa rin ang upuan na para bang aagawin sa kaniya 'yon. Napailing na lang ako at hindi sila pinansin. 


"Parang mga elementary, ah. Nag-aagawan pa sa upuan," sabi ni Kierra. 


"Sevi, just give it up. You're older than him," tumatawang sabi ni Sam bilang pang-aasar. Mukhang naging close na nga ang mga nasa Student Council. Si Luna, Sam, at Sevi. Kaswal na kasi silang nakikipag-usap sa isa't isa at nag-aasaran pa.


Bandang huli, umupo na lang sa kabisera si Sevi habang sa tapat namin ay si Yanna, Sam, at Luna. Kaniya-kaniya kaming tumayo para mag-sabi ng order doon sa may counter. Naiwan naman si Arkin doon sa table para hindi maagaw ng iba, at para rin tignan ang mga gamit. Ako naman ang mag-oorder para sa kaniya, e. Ang sabi niya lang, kung ano sa akin, iyon din ang sa kaniya. Wala talagang sariling desisyon ang lalaking 'yon. Gaya-gaya. 

Golden Scenery of Tomorrow (University Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon