44

1.4M 55.4K 197K
                                    


"Mukhang kanina ka pa busy, Architect Diaz. May boyfriend ka na siguro."


Kanina pa ako inaasar ng mga kasamahan ko dahil kanina pa rin ako tingin nang tingin sa phone ko. Palagi kasing nagte-text si Arkin kaya sinasagot ko na lang din. Tungkol lang naman sa mga napaka-random na mga bagay ang text niya katulad ng may binili raw siyang bagong sapatos, may natapong drink sa set, galit ang direktor, at may aso raw na naligaw. 


From: Arkin

Gusto mo starbucks


Naglakad ako palayo sa may site para pumunta sa lilim dahil mainit bago ako nagtipa ng reply sa kaniya. 


To: Arkin

Nasa Bulacan ako. Nagtatrabaho. 


From: Arkin 

Alright what time are you going home 


To: Arkin

Around 4 PM may kukuhanin pa ako sa office


Matagal bago siya nag-reply kaya tinago ko na lang ulit ang phone ko at bumalik sa may site. Nagkakaroon sila ng meeting doon kaya naman nakinig ako at nagsabi na rin ng input ko. Nahihilo na yata ako sa sobrang init. 


"Kanina ka pa namumutla, Via," puna ni Dan sa tabi ko. Napangiti lang ako sa kaniya at pinunasan ang pawis ko. Ang init-init ngayon at hindi pa ako nakakakain simula kanina. "Kumain ka ba? Sandwich, gusto mo?"


"Huwag na. Mamaya na. May aayusin pa ako." Pumasok ako sa may office at kinuha ang laptop ko para magtrabaho. Nag-attend na rin ako ng virtual meeting para roon sa firm namin sa Spain kaya naman napapakunot ang noo ni Dan, hindi maintindihan ang sinasabi ko. 


Medyo matagal ang meeting kaya naman hindi ko napansing madilim na pala pagkalabas ko. Akala ko ay gabi na ngunit pagtingin ko sa oras ay maga-alas kwatro pa lang. Mukhang uulan kaya naman bumalik ako at inayos na ang mga gamit ko. Kanina, ang init, tapos ngayon uulan pa. 


Tinawag pa ako ng mga kasama naming architect kaya sinuot ko ang hard hat at pinuntahan sila para tingnan iyong ginagawang first floor. Nag-uusap pa kami nang biglang umulan nang malakas kaya nagkaniya-kaniyang takbo kami pabalik sa office. Nabasa pa ako! 


"Mukhang kailangan na nating umuwi. Lumalakas na rin ang ulan," sabi ng isang architect.


Hinubad ko ang hard hat at kinuha ang gamit ko. Tinignan ko kung alin ang hindi pwedeng mabasa at iniwan na lang 'yon doon. Hindi ko naman gaanong kailangan. Itinago ko na lang ang laptop sa bag ko bago nagpaalam sa kanilang aalis na. 


Tinakbo ko na lang ang ulan hanggang sa makarating sa sasakyan. Nilapag ko ang mga gamit ko at kumuha ng maliit na towel para punasan ang sarili ko dahil nabasa na rin ang katawan ko. Hininaan ko na lang ang aircon ng sasakyan habang nagda-drive pabalik ng Manila. 


Nang makauwi ako, saka ko lang napansin ang reply ni Arkin. Ang sabi niya pala ay dadaan siyang bahay pagkauwi ko dahil magdadala siya ng dinner kina Papa. May usapan daw sila ngayon. Wala pa naman siya pagkarating ko kaya naligo na muna ako at nagpalit ng damit pambahay. 

Golden Scenery of Tomorrow (University Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon