"Last day of school! Saan ka magva-vacation, Via?"
Nagbabasa lang ako ng libro habang nakatambay kami nila Luna sa bleachers ng covered court. Dahil nga last day na, halos hindi na uma-attend 'yung mga teachers ng klase. Busy na sila kaka-compute ng grades dahil kailangan na nilang ipasa kaya naman halos lahat ng estudyante ay kung saan-saan mo makikita.
Kami, naghihintay lang ng P.E ngayon. Naka-jogging pants kaming grey at white shirt na may grey linings sa sleeves at collar. May nakalagay lang na "V.H.S" sa jogging pants at logo ng school sa may shirt. Maglalaro daw kami ngayon ng volleyball. Napapabuntong-hininga na lang ako dahil... Volleyball na naman.
"Hindi ako magba-bakasyon," sabi ko naman kay Luna. "May training kami."
"Ah, sayang naman! Ngayong vacation na rin 'yung pasahan ng application para sa Student Council! Gusto ko tumakbo as 2nd year representative! Sa tingin mo ba mananalo ako?" Parang kumislap ang mga mata ni Luna nang pagdikitin ang dalawang palad at tumingin sa 'kin.
Kahit hindi ko naman sabihin ay alam kong malakas ang hatak niya. Marami siyang kaibigan at alam kong lahat ng 2nd year ay iboboto siya kung sakali mang tumakbo siya next school year. Huwag lang nila akong pilitin sa mga ganiyan dahil ayaw ko noon.
"Kaninong party ka tatakbo niyan?" Tanong ni Kierra sa kaniya. "Sino kayang tatakbong President sa mga 4th year 'no? Wala akong maisip. Sino bang sure win?"
Habang pinag-iisipan nilang dalawa, napatingin sila sa mga lalaking naglalaro ng basketball sa baba. Binaba ko tuloy ang librong hawak ko para sundan ang tinitignan nila. Nakita ko na naman si Camero, 'yung basketball player, na nakikipaglaro sa mga 2nd year. Breaktime ata niya dahil hindi naman siya nakasuot ng pang-training niya. Sa dalas ko siyang nakikita tuwing may training kami, saulo ko na ata ang suot niya.
"Balita ko tatakbong Vice President si Camero," sabi ni Kierra. "Siya 'yung kumausap sa 'yo last time sa fishball-an, Luna. Natatandaan mo? Siya rin pala 'yung basketball player na pinagkakaguluhan ng mga kaklase natin."
"Ah, ganoon." Nagkibit-balikat si Luna at tila walang pakialam. Nakatingin lang siya sa kuko niya dahil nagasgas niya ata sa zipper ng bag. "Sinong President? Wala akong nakakalap na chismis! Ikaw, Ke, ang chismosa mo, ha!"
"Wala rin akong natutunugang tatakbo bilang President..."
Napatingin kami sa lalaking natamaan bigla ng bola sa ulo. Nakasuot din siya ng P.E uniform. Naglalakad lang siya sa gilid pero nang hindi masalo ni Camero ang bola, natamaan siya sa ulo. Napangiwi siya at humawak sa likod ng ulo niya pero tuloy-tuloy lang naglakad na parang walang nangyari. Nanginginig pa nga ang tuhod at muntik pang madapa sa sobrang takot. Ang sakit siguro noon.
"Ayan! Si Acel! Pakiramdam ko tatakbong President!" Tinuro ni Kierra ang lalaki.
"Totoo ba? 'Yung highest sa batch nila? Saang party siya? Roon na lang ako! Mukhang malakas-"
Napatigil sila bigla sa pag-uusap nang biglang pumito 'yung teacher namin sa P.E kaya sabay-sabay kaming nagsibabaan sa court. Umalis na rin 'yung mga nagbabasketball dahil pinaalis ng isa pang teacher kaya halos kami na lang ang natira.
BINABASA MO ANG
Golden Scenery of Tomorrow (University Series #5)
RomanceUNIVERSITY SERIES #5. Ever since they were kids, Avianna Diaz from UST Architecture and Larkin Sanchez from UP Film were inseparable, not until Larkin's fame grew over time, and they suddenly found themselves taking different roads at the same time.