20

1.3M 49.3K 165K
                                    


tw: drug abuse


"Anong plano mo sa debut mo, Via?" 


Napangiwi kaagad ako sa tanong sa akin ni Papa. Naririnig ko pa lang ang 'debut' ay parang gusto ko nang magreklamo dahil alam kong panibagong gastos lang 'yon. Ni hindi pa nga kami bayad dito sa bahay na 'to dahil mas mahal sa bahay namin dati. Ang dahilan ni Papa ay may iniwan pa naman daw na pera si Mama para sa amin kaya iyon ang ginagamit niya para bayaran 'to. Alam kong sasabihin na naman niyang may iniwang pera rin si Mama na nakalaan sa debut ko pero hindi ko na 'yon kailangan. Totoo namang malaki ang kinita niya noong sumikat sila.


Ngunit ang mabilis na kasikatang 'yon ay mabilis ding nawala. Roon na nagsimulang magulo ang buhay namin. 


"Hindi naman importante ang debut ko, Pa," sagot ko kaagad. "At kung magkano man ang iniwan para sa akin ni Mama, kung mayroon man, gamitin mo na lang 'yon para kina Mira, o kaya pambayad dito sa bahay. Huwag na sa mga party-party na ganito." 


Una sa lahat, ayoko ng mga birthday parties. Ang last na birthday party na cinelebrate ko ay noong mga panahong buhay pa si Mama at ang mga bisita ay halos mga hindi ko naman kakilala pero kaklase ko noong elementary. Pagkatapos noon ay wala nang epekto sa akin ang birthday ko. Hindi 'yon mahalaga at gastos lang 'yon dahil kailangan pang manlibre ng pagkain. 


"Hindi mo ba papakainin ang mga kaibigan mo? Kahit sila man lang?" Pamimilit pa ni Papa. Isa pang dahilan kung bakit ayaw ko ng debut party ay dahil hindi naman lalagpas yata sa sampu ang bisita ko. Sina Luna lang naman ang tinuturing kong kaibigan. 


"Pa, gastos lang-" 


"Kanang kamay na ako halos ni Engineer, Via! Tumaas na rin ang sahod ko tsaka naghahanap na ako ng part-time tuwing weekend, tutal kaya naman na ni Mira asikasuhin ang bahay kapag wala ka." Nakangiti pa si Papa para itago ang paghihirap doon sa mga sinabi niya. 


"Pa, nahihirapan ka ba sa tuition ko?" Diretsang tanong ko. "Kung gusto mo, lilipat na lang ako-" 


"Patapos na ang 1st year mo, Via! Ano ba 'yang sinasabi mo?! Tsaka ang Tita mo ang tumutulong sa tuition mo ngayon kaya huwag kang mag-alala! Kailangan ko lang mabayaran ang bahay kaya naghahanap ako ng trabaho," pagpapaliwanag niya. "Huwag mong ibahin ang usapan. Pakainin mo ang mga kaibigan mo sa birthday mo..." 


Wala na akong nagawa dahil nagpupumilit si Papa kaya sinabihan ko na lang sina Arkin na magkita-kita kami sa Wings Club sa birthday ko para roon na lang ako manlilibre. Sa araw ng birthday ko, akala ko ako na ang pinakamaagang dumating dahil inagahan ko talaga pero nagulat akong naroon na kaagad si Sam. Ngumiti kaagad siya nang makita ako at kumaway. 


"Happy birthday! Welcome to the legal club, Via!" Bati niya kaagad sa akin at niyakap ako. Tumawa ako at niyakap siya pabalik bago siya inaya papasok. Nagpa-reserve na ako ng table kaya umupo na lang kami roon habang hinihintay ang iba dumating. 


"Kumusta?" Tanong ko. Bumaba ang tingin ko sa suot niyang necklace na may singsing. Napansin niya yata 'yon kaya tinignan niya rin at agad tinanggal, mukhang nagulat pa. 

Golden Scenery of Tomorrow (University Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon