"Ano?! Ano'ng sinasabi mo?! Bakit ka ba nandito?!"
Napasigaw siya nang hampasin ko siya sa braso at umatras pa para ilagan ang tulak ko. Tinaguan pa niya ako at nagtago sa may pader malapit sa fire exit na parang tutang napagalitan. Saka ko lang natandaang kasama ko pala si Pauline nang mapaupo siya sa sahig, nakatakip sa bibig niya.
"Pau, tumayo ka riyan!" Hinatak ko ang palapulsuhan niya para tumayo siya pero nanghihina ang tuhod niya. "Saka na tayo mag-usap. Umuwi ka muna."
Hinatak ko si Arkin at ang maleta niya papasok ng apartment ko dahil hindi naman kami pwedeng mag-usap sa labas. Pinaupo ko siya sa may sofa at tumayo sa harapan niya habang nakakrus ang dalawang braso sa dibdib.
"Anong dito ka na titira? Una sa lahat... ¿Hablas español? No. No sabe lo que está haciendo! Sube el taxi y ve a casa ahora mismo. Es mejor si no te quedas aquí!" sunod-sunod na sermon ko sa kaniya.
Nang mapansin kong nakatulala na lang siya sa akin at nakaawang ang labi, tumigil na ako sa pagsasalita ko. Napasapo ako sa noo nang ma-realize na sunod-sunod na pala akong nag-Spanish sa harapan niya.
"See? Hindi ka nga marunong mag-Espanyol tapos titira ka rito? Tsaka... Bakit hindi ka nagsasabi beforehand? Nanggugulat ka na lang dito bigla! Isa pa... Hindi ba may school ka pa, huh?!" pagpapatuloy ko ng sermon.
Kinamot niya 'yong isa niyang tainga at pasimpleng tinakpan 'yon habang nakaiwas ng tingin. Napailing ako sa kaniya at pumunta munang kusina para uminom ng tubig at pakalmahin ang sarili ko. Nang makabalik ako ay prenteng nakasandal na siya roon na parang bahay niya 'yon.
"Hello," bati niya ulit sa akin at ngumiti. "Okay, bago ka magalit... May school nga ako pero sembreak na ngayon! I'll live here for a month and I'll go home at the end of January to finish my sem. Chill ka lang!"
"Hindi mo kasi nililinaw kaagad." Binato ko siya noong maliit na unan at tumawa naman siya nang masalo niya 'yon.
"No but after I graduate, dito na rin ako titira. Inaayos pa 'yung papeles ko," seryosong sabi niya sa akin.
"At bakit dito ka na titira, huh?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Kasi dito ka nakatira?" Tinaasan niya rin ako ng kilay na para bang sinasabing 'Obvious ba?'
Grabe, unbelievable! Ano bang naisip ng lalaking 'to at bigla na lang sumunod dito? Simula pagkaalis ko, kahit kailan ay hindi ko naisip na gagawin niya 'to! Na susundan niya ako. Akala ko iyon na talaga ang wakas naming dalawa pero... Ang kulit talaga!
"At paano ang trabaho mo, huh?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Dito ako magtatrabaho?" sagot niya rin na para bang napakasimple noon! "May mga kilala akong direktor dito, Via. Magtatrabaho muna ako sa kanila para kumuha ng experience tapos... unti-unti na 'yon! Huwag kang mag-alala! Alam ko ang ginagawa ko!"
"Talaga?" Sarkastiko akong natawa. "Parang hindi naman, Arkin. Parang nagising ka lang isang araw tapos naisip mong miss mo na ako kaya sumunod ka rito kung makagawa ka ng desisyon!"
BINABASA MO ANG
Golden Scenery of Tomorrow (University Series #5)
RomanceUNIVERSITY SERIES #5. Ever since they were kids, Avianna Diaz from UST Architecture and Larkin Sanchez from UP Film were inseparable, not until Larkin's fame grew over time, and they suddenly found themselves taking different roads at the same time.