Warning: R-18. Read at your own risk.
"Sige na, Via! Ngayon lang 'to! May date ba kayo ni Arkin? Isama mo na lang si Avi!"
Napatitig ako kay Yanna na nasa harapan ko ngayon, sa tapat ng bahay ko. Sa isa niyang kamay ay hawak-hawak niya si Avrielle na nakangiti sa akin, may bag sa likod. Hindi ko naman matiis ang bata dahil malapit sa puso ko kaya tumango ako at hinawakan ang kamay niya para mapalapit sa akin. Magkikita pa naman kami ni Arkin ngayon.
Matagal na rin siguro niyang hindi nakikita si Avrielle kaya okay lang na isama ko ang bata sa "date" namin o kung ano man ang tawag doon. May plano lang kaming pumunta sa music studio na palagi niyang pinupuntahan.
"Alis na ako! May flight pa kami! Thank you!" Nagmamadali nang umalis si Yanna at sumakay sa sasakyan niya.
"Tita Via!" Niyakap kaagad ni Avrielle ang baywang ko. "Are we going to the amusement park today?! Mommy said you will take me there!"
Napaawang ang labi ko sa gulat. Ano na naman ba ang pinagsasasabi ni Ashianna?! Hindi ko nga alam na iiwan niya si Avrielle sa akin ngayon!
"Via!" Papasok pa lang sana ako sa bahay nang mapalingon ako kay Arkin na tumawag sa akin mula sa loob ng kotse. Paalis na kasi dapat ako kung hindi lang kumatok si Yanna sa bahay. "Hala, Avi?!" gulat na tanong niya at dali-daling bumaba ng sasakyan.
"Tito!" tawag ni Avrielle at tumakbo rin papalapit. Lumuhod si Arkin at niyakap ang bata na parang sobrang tagal talaga nilang hindi nagkita. Mabuti naman at kilala pa rin siya. Well... wala namang makalilimot kay Arkin dahil kahit saan ka tumingin, naroon siya.
"Kasama natin si Avi ngayon," sabi ko sa kaniya nang maglakad papunta sa sasakyan. Mukhang wala naman siyang reklamo dahil binuhat pa niya ang bata at sinakay roon sa likod, saka nilagyan ng seatbelt.
Mabuti na nga lang at may bata kaming kasama dahil... nakakailang. 'Yong huling kita namin ay iyong hinalikan niya ako sa Sunken Garden! Ngayon, hindi ko na alam kung paano ako aakto sa harapan niya!
Nang sumakay na siya sa driver's seat, saka lang yata niya naramdaman ang awkwardness namin. Hindi na kasi namin napag-usapan ang nangyari pagkatapos noon dahil wala ni isa sa amin ang may lakas ng loob. Nakakailang tuloy!
"Tito, amusement park!" sabi ni Avrielle sa likod.
"H-huh?!" Nagulat din si Arkin at napatingin sa akin saglit dahil alam niyang hindi naman kami roon papunta. "You want to go there?" tanong niya ulit sa bata.
"Yes! Mommy said you will bring me there!" tuwang-tuwa si Avrielle.
"Hayaan mo na... Hindi niya magugustuhan ang music studio," sabi ko na lang kay Arkin. The kid will just feel bored kapag sinama namin doon. Baka nga maingayan pa. Mukhang umaasa pa naman siyang pupunta talaga kami sa amusement park. Ayaw ko naman mabigo ang bata.
BINABASA MO ANG
Golden Scenery of Tomorrow (University Series #5)
RomanceUNIVERSITY SERIES #5. Ever since they were kids, Avianna Diaz from UST Architecture and Larkin Sanchez from UP Film were inseparable, not until Larkin's fame grew over time, and they suddenly found themselves taking different roads at the same time.